Napakaganda niya.
Hindi ko maalis ang tingin sa kanya.
Bagay na bagay sa kanya ang wedding gown at kulang na nga lang ay totoong pakasalan ko na siya eh. Sandali nga. Ano ba itong iniisip ko?
Jhake magtigil ka nga! Ikakasal ka na at hindi 'yun sa babaeng nasa harap mo ngayon.
“Um... Jhake, ano sa tingin mo? Bagay ba sa akin?” Nahihiya niyang saad.
“Gorgeous.”
“Ha?” sabi niya at nabalik ako sa katinuan.
What the hell was that!
“Ang sabi ko ay bagay sa'yo 'tsaka you’re gorgeous,” nakangiti kong saad dahilan upang tumango siya.
“Salamat.”
“Nagustuhan mo ba?” Tanong ko at ngumiti siya sa akin at tinanguan ako.
“Sandali nga. Kung ako nakasuot ng wedding gown ag dapat nakasuot ka rin ng pangkasal.”
Kumunot ang noo ko. “Ha?”
“Ang sabi ko ay dapat nakasuot ka rin ng pangkasal para fair.”
“O'sige,” sabi ko at nagsimula na rin akong naghahanap ng susuotin. Patuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa bingo, nakahanap din ako.
Bea’s POV
In fairness ang tagal. Akala ko ay babae lang ang matagal pumili at magpalit ng damit. Ba’t parang ang tagal niya rin?“Ok ma’am, here is you’re groom” sabi ng babae. Tumingin ako sa kung nasaan si Jhake at kahit sanay na kong nakikita ko siyang laging ayos naman ang porma ay kakaiba itong ngayon.
Bagay na bagay sa kanya ang tuxedo.
“Bagay na bagay ho kayong dalawa. Kailan ho ba ang kasal?” Nakangiting tanong ng nag-a-assist sa amin.
“Next week na ang kasal ko but hindi ako sa kanya magpapakasal,” sagot ni Jhake.
Sandali. Tama ba itong narinig ko? Ikakasal na siya next week?
Sabi na nga ba Bea at tama na iyan na pag-i-ilusyon mo.
“Sayang naman. Bagay na bagay naman sana kayo. 'Tsaka sir, goodluck na lang ho sa wedding n'yo.”
“Salamat. Ay sya nga pala, pwede mo ba kaming kuhanan ng picture?”
“Sige ho sir.”
“Heto 'yung camera,”sabi n'ya tapos ay inabot niya ang DSLR camera niya.
First pose ay magkatabi lang kami. Second, umakbay na siya saikin. Then last pose ay binuhat niya ko, 'yung bridal style. Para tuloy kaming bagong kasal.
O'sige, libre lang namang mangarap. At pagkatapos namin ay binayaran niya na ang ginamit namin para daw souvenir at binigay niya pa ang wedding gown sa'kin. Tinanggihan ko pa nga kaya lang ay mapilit eh. Pinadevelop niya rin ang pictures kaya tig-isa kami ng copy.
After nun ay kung saan-saan pa kami pumunta. Hanggang sa dumating ang gabi at nandito na kami ngayon sa park. Nakaupo kami ngayon sa may fountain.
“Sya nga pala, kanina pa tayo magkasama pero di mo man lang sinabi na ikakasal ka na pala.”
“Yes. It’s next week.”
“Ang papakasalan mo ba ay ang kasama mo dun sa restau---“
“Oo. Siya nga.”
“Ito naman. Hindi mo man lang ako pinatapos sa sinasabi ko,”sabi ko tapos ay nag-grin s'ya and then nagseryoso na naman s'ya.
“Sorry nga pala dun sa ginawa niya dati.”
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomanceWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...