"Oh Jhake anong ginagawa mo dito?" tanong ni Daniel sa kapatid niya ngunit hindi pa rin ito sumasagot sa halip ay patuloy pa rin ito sa pagtingin sa akin kaya ako naman ay umiwas na ng tingin dahil sa hindi ko kaya ang tingin niya.Tingin na nagagalit pero may pangungulila roon.
Totoo ba ang nakikita ko?
Baka namamalik mata lang ako dahil ang totoo hindi naman ako mahalaga sa kanya kaya bakit siya mangungulila sa akin.
"Kaya pala wala ka sa kompanya Daniel dahil kasama mo lang ang babaeng 'yan," mahinahon na wika nito ngunit bakas ang pagkadiin nito. Ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa akin.
Naiilang na talaga ako.
"Sige na Daniel. Kailangan ka na ata sa inyo," sipi ko habang nakatingin kay Daniel.
"Ihahatid na muna kita," aniya pero umiling ako.
"Ok lang ako. Unahin mo ang pamilya mo."
"Narinig mo naman siguro ang sinabi niya Daniel. Mas mahalaga kaming pamilya mo kesa sa babaeng manlolokong 'yan," ika nito at dun ako nagulat sapagka't bigla na lamang siyang sinugod ni Daniel at hinawakan ang kwelyo ni Jhake.
May ibang tao ang napatingin na rin sa direksyon ng dalawa.
"Bawiin mo ang sinabi mo!" mariing sipi ni Daniel ngunit isang ngisi lamang ang isinagot ni Jhake.
"Hindi mo siya ganun kakilala kaya wala kang karapatan na sabihin 'yan sa kanya!"
"Bakit ikaw? Kilala mo na ba siya ng tuluyan?" seryosong tanong nito.
"Hindi ba't minsa'y niloko niya na ako. Malay natin kung ikaw naman ang sunod niyang biktima dahil wala siyang napala sa akin. Ganyan ka ba kababa Daniel para tanggapin pa ang isang babaeng katulad niya," nagulat na lamang ako ng makita kong nakabulagta na si Jhake sa sahig kaya naman agad akong pumunta sa kinaroroonan nila.
"Wala kang karapatan na maliitin siya. Oo nga't gumawa siya ng mali pero hindi ba't ginawa niya lang 'yun para mabuhay sila ng kapatid niya. Akala ko sa ating dalawa ikaw ang lubos na malawak pag-iisip nagkamali pala ako. Ikaw na la-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya.
"Daniel tama na!" naiiyak kong saad.
"Hindi Bea. Sumosobra na siya."
"Pero kasalanan ko kaya hindi ko siya masisisi kung galit man siya sa akin. Ayokong pati kayong dalawa mag-away. Magkapatid kayo Daniel. Siya ang kadugo mo hindi ako kaya dapat siya ang kinakampihan mo."
"Maari ngang magkapatid kami pero sa'yo ko naramdaman ang hindi ko minsan man naramdaman sa pamilya ko."
"Pero mali. Mali kasi dapat ako ang kinamumuhian mo kasi niloko ko ang kapatid mo," mahina kong sambit pero alam kong narinig iyon ni Daniel.
"Tapos na ba kayo?" napatingin ako kay Jhake na siya pala'y nakatayo na.
"Jhake pasensya ka na kung nasuntok ka ni Daniel."
"Bea bakit ka humihingi ng tawad?" tanong ni Daniel pero hindi ko na lamang ito pinansin.
"What's done is done," aniya at umalis na nga.
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Hindi ka dapat humingi ng tawad sa kanya."
"Bakit? Hindi ba ako ang dahilan kung bakit mo siya sinuntok?"
"Bea huwag mong isipin na kasalanan mo ang lahat. Ang kasalanan mo ay nagpanggap ka bilang asawa niya pagkatapos nun wala na. It's not your fault that our brotherhood relationship is destroyed. Bago ka pa namin makilala sira na talaga ang rekasyon namin kaya huwag mong sisihin ang sarili mo."
"Pero mas nasira nung nakilala niyo ko. Tell me na hindi ko kasalanan 'yun dahil pakiramdam ko ako ang sumira ng buhay niyo."
"Hindi sa buhay ko Bea," ika nito dahilan upang tingnan ko siya ng pagtataka.
"Ikaw ang nagbigay ilaw sa mapanglaw kong buhay."
"A-ano bang sinsabi mo?"
"Hindi mo pa rin ba nakukuha?"
"Ang ano?"
"Mahal kita Bea. Hindi ko naman inaasahan na mararamdaman ko 'to. Ang akala ko tinutulungan kita dahil naawa ako sa'yo sa una lang pala 'yun dahil kinalaunan ay nahulog na ang loob ko sa'yo Bea."
"H-hindi ko alam ang sasabihin."
"You don't need to say anything. Sapat na sa akin na narinig mo ang pagtatapat ko sa'yo."
"Sa tingin ko kailangan ko ng umalis."
"Ingat ka," aniya pero hindi ko na ito pinansin at umalis na nga ako roon.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Matuwa dahil may lalakeng tumanggap sa akin sa kabila ng pagkakamali ko.
O malungkot dahil kapatid siya ng lalakeng sinaktan at niloko ko.
Jhake's POV
Kitang kita ko sa bintana nitong kotse ko ang masinsinang pag-uusap ng dalawa.Hindi ako manhid para hindi maramdaman na mahal ng kapatid ko si Bea. Pero hindi ko alam kung bakit pa ako nagagalit at naiinis.
Ayokong nakikita silang magkasama at ayokong ngumingiti si Bea ng dahil kay Daniel.
Dahil ba sa may atraso siya sa akin at ayokong pati si Daniel ay gamitin niya?
Tama 'yun ang dahilan kung bakit ako nagagalit at naiinis.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko sa aking kapatid ng dumating na siya dito sa mansyon..
Hindi pa naman tumatagal nang makarating ako ay dumating na rin siya.
"Ano bang pakielam mo?"
"Alam mo naman kung anong kayang gawin ng babaeng 'yun. Bakit ba hinahayaan mo siyang lumapit sa'yo?"
"Dahil hindi siya sa akin may kasalanan. Wala akong pakielam sa naging relasyon niyong dalawa. I don't care kung galit ka sa kanya ang akin lang gusto ko siyang kasama at hindi mo ko kayang pagbawalan."
"Sasaktan ka lang niya Daniel. Hindi siya ang babae para sa'yo."
"Para kanino ba siya? Sa'yo?" aniya at tumawa ng malakas.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Huwag mo kong gawing tanga Jhake. Alam ko kung ano mismo ang nararamdaman mo dahil ganyan na ganyan din ang nararamdaman ang pinagkaiba lang ako tanggap ako, ikaw pilit mong pinagkakaila dahil sa galit na nandiyan sa puso mo," aniya at umalis na nga.
Ano bang ibig sabihin ni Daniel?
Ako na nga ang nagmamalasakit sa kapatid ko, ako pa ang nagmukhang masama.
Ano bang pinagbago?
Noon pa man ganun naman talaga ang tingin niya sa akin. Kahit anong gawin kong tulong mamasamain niya.
I never thought na hanggang ngayon ay ganun pa rin siya.
Napailing na lamang ako sa mga naiisip ko.
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomansaWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...