Chapter 19

361 18 2
                                    

"Anong klase kang tao? Hindi ka na nakonsensya."

"Patawarin mo ako Jhake. Hindi ko sinasadya," umiiyak kong sabi.

"Hindi mo sinasadya Bea! Ano bang nagawa kong kasalanan sa'yo?"

"Jhake wala. Wala kang kasalanan. Ako. Ako ang dapat sisihin."

"Naging mabait ako sa'yo. Tinulungan kita ng mga panahong wala kang matakbuhan tapos ito lang igaganti mo. Isinusumpa ko na kahit kailan hinding hindi ka magiging masaya."

"Bea. Bea," napabalikwas ako ng gising.

"Is there something wrong?"

"W-wala."

"Sure?"

"Yeah."

"Magbihis ka na at kakain na tayo para sa breakfast at para makagala na tayo."

"Sige. Susunod na ko," sabi ko at lumabas na nga si Jhake ng kwarto.

Talagang kinabahan ako. Akala ko totoo lahat ng napanaginipan ko.

Natatakot ako sa mga maaring mangyari hindi lang sa akin kundi para sa amin ni Barbie oras na malaman nilang hindi talaga ako asawa ni Jhake.

***
Kumain kami ng breakfast at pagkatapos nun ay gumala na nga kami.

Nandito palang kami sa first spot namin at yun yung napakagandang old house ng biglang may mga pamilyar na tao ang pumunta sa amin.

"Oh what a coincidence at nandito din kayo. Talagang pinagtatagpo ng tadhana ang mga kapalaran natin ah," sabi ni Lexi.

"Oo nga eh," nakangiti ring sabi ni Jhake.

"I get it. Bakit hindi na lang tayong apat magsama samang mamasyal ngayong araw?" tanong nin Lexi.

"That was a wonderful idea," sagot naman ni Daniel.

"Sure," pagsang-ayon naman ni Jhake.

Wala na akong nagawa kundi ngumiti at tumango na lang.

Pagkatapos namin sa Old mansion ay tumaas naman kami sa isang borol.

"What a nice view. Alam mo Jhake nung tayo pa ay mahilig din tayong pumunta sa mga ganitong mga lugar."

"Talaga?"

"Oo. Nagpipicnic pa nga  tayo at talagang hinihintay pa natin ang paglubog ng araw bago tayo bumaba."

"Selos ka?" tanong sa akin ni Daniel.

"Ba't naman ako magseselos?" tanong nito kaya naman nagkibit balikat  na lamang ito.

"Kung ako sa'yo ilayo-layo mo na si Lexi kay Jhake," biglang sabi nito kaya naman napatingin ako rito.

"Baka biglang magbalik ang ala-ala niya ng dahil kay Lexi. Di naman malabong mangyari 'yun di ba?" tanong niya kaya naman napatingin na lamang ako ulit kanila Lexi.

Lexi's POV
Kasalukuyang nasa isang fine dining restaurant kaming apat para kumain ng lunch.

"Ang sarap sarap ng pagkain," sabi ni Bea.

"Syempre. Only for the best para sa asawa ko," sabi naman ni Jhake kaya naman sabay kaming tumikhim ni Daniel.

"Is there something wrong?" tanong ni Jhake.

"Wala. Halata nga na ang saya saya niyo sa piling ng isa't isa," bitter kong saad.

"Talaga?" tanong ni Jhake kaya naman bahagya akong tumango.

"Pwede bang humingi  ng pabor?"

"Sure. Basta para sa'yo."

"Picturan mo naman kami ng asawa ko oh," sabi ni Jhake at inabot sa akin ang cellphone niya.

Nagsmile na nga ang 'mag-asawa'.

Kaya ako naman ay nakasimangot ko na lamang ito clinick.

Kainis!

Ginawa pa kong photographer ni Jhake.

Bwisit!

Dati-rati ako ang kasama niya sa mga picture na 'yan tapos ngayon ay isang babaeng kailan lang namin nakilala ang kasama niya.

Inabot ko na ang cellphone sa kanya.

"Salamat."

"You're always welcome," nakangiti kong sabi kay Jhake.

***

Nasa isang flower garden kami ngayon at tinitingnan ang mga naggagandahang bulaklak.

"Ang ganda ganda naman ng mga bulaklak dito," manghang manghang sabi ng assumerang Bea na 'yan.

"Oo nga eh kasing ganda mo," sabi naman ni Jhake ako naman ay nabilaukan dahil sa sinabi nito.

Hanggang ba naman dito dadalhin nila ang cheesy moments nila?

"Ms pwede bang pumitas dito?" tanong ni Jhake sa isa sa staff sa garden na 'to.

"Naku sir hindi po pwede eh. Pasensya na."

"Ganun ba. Ok lang," sabi ni Jhake sa babae.

"Pasensya na Bea pero hindi kita mabibigyan ng bulaklak eh."

"Ano ka ba? Ok lang. Masaya nga ako at pinasyal mo ko eh."

"Talaga?"

"Oo naman. Kaya naman maraming maraming salamat talaga."

"Walang anuman asawa ko," sabi ni Jhake sabay pisil sa pisngi ni Bea.

Lumabas muna ako ng garden dahil naalibadbaran ako sa nakita ko.

"Masakit?"

"Anong sa tingin mo Daniel? Masaya ba ako? Ay oo, ang saya saya ko kulang na lang masakal ko na 'yung Bea na 'yun dahil sa sobrang kasiyahang nadadama ko." Sarkastiko kong saad at tumawa naman siya.

"Tigilan mo nga ang katatawa mo."

"Pasensya na. Nakakatawa ka kasi," sabi nito kaya naman nagroll eyes na lang ako.

Bea's POV
Nakabalik na kami dito sa hotel matapos ng maghapong paggagala.

"Napagod ka?" tanong sa akin ni Jhake kaya naman tumango na lang ako.

"Ito. Baka matanggal nito ang pagod mo," sabi nito at may nilabas na isang piraso ng lilac na bulaklak.

"Paano?"

"Kinuha ko 'to ng walang nakakapansin. Pasensya na kung medyo tuyo na 'to. Kanina ko pa kasi 'to kinuha eh," sabi nito at kinuha ko naman ang bulaklak.

"Ano ka ba? Di mo naman kailangan pang kunin 'to eh."

"Masaya ako na may maibigay sa'yong  bulaklak."

"Salamat Jhake. Maraming salamat," sabi ko at niyakap ko siya.

Nararamdaman kong unting unti na akong nahuhulog sa kanya kaya naman gagawin ko lahat para lang maiwasan ko  'tong nararamdaman ko.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon