Chapter 14

458 17 3
                                    


"Dumating ba sa puntong nakaya mong gumawa ng mali para lang sa kapatid mo?" tanong nito kaya napatingin ako sa kanya. Siya naman ay diretso rin ang tingin sa akin.

"Wag mo nang sagutin, Bea. Alam ko naman na lahat ay kaya mong gawin para sa kapatid mo."

"Ah oo."

"Ayan tapos na akong kumain," aniya.

"Wait. Madali na ito, Jhake," saad ko habang binibilisan ko na ang pagkain ng pansit.

"Ok. Take your time," saad nito pero minamadali ko pa rin ang pagkain.

"Ayan. Tapos na." 

"Ah ito na po ang bayad," sabi ni Jhake at nagbigay ng dalawang daan.

"Sandali lang, hijo at kukuha ako ng pangsukli."

"Naku. Hindi na ho. Keep the change na lang," sabi ni Jhake at umalis na kami.

****
Kasalukuyang nasa sasakyan na kaming muli.

"Saan na ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Kung saan tayo, unang nagkakilala, ang restaurant na sinasabi mo."

"Ahhh," sabi ko.

Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa restaurant na dati kong pinagtratrabahuan.
Pagpasok na pagpasok namin ay humanap na kami ng upuan at umupo na kami.

"May I take your order, sir and ma'am," sabi ng lumapit na waiter. Baguhan ata siya dahil hindi ko siya kilala. Sabagay, medyo matagal na rin nang nagtrabaho ako rito.

"I would like to order tomato and mozarella cheese in viniagrette salad, baked twin chicken breast in cheese and asian spice and iced tea. How about you, ma'am? "

"Ah iced tea na lang."

"Sigurado ka?"

"Oo, busog pa naman ako eh," saad ko. Totoo naman talagang busog pa ako pero alam ko rin kasing ang mamahal ng pagkain dito kaya hindi na ako nag-order.

"Narinig mo siya?" Baling ng atensyon niya sa waiter.

"Opo," sabi nung waiter at umalis na.

"Dito pala tayo unang nagkita."

Tumango ako. "Yep. Naalala ko pa nga noon na pinahiya ako ni Lexi tapos natanggal pa ko sa trabaho."

"Pasensiya na. Wala kasi akong maalala eh."

"Ok lang 'yun. Hindi naman kailangan ang memories dati, ang mahalaga ay nandito ka at makagawa tayo ng bagong memories," nakangiti kong wika.

Tama 'yang sinasabi mo, Bea. 

Hindi na talaga mahalaga ang dati, ang mahalaga ang ngayon kaya sana huwag nang bumalik ang ala-ala niya. Napakasama ko bang tao kung hihilingin ko iyon?

Marahil ay oo.

Daniel's POV

"Hey Daniel, kain tayo sa labas," yaya sa akin nila Neil.

"O'sige ba," pagsang-ayon ko at nagsimula na kaming umalis sa bahay nila Neil na tinatambayan namin.

Narito na kami sa harapan ng restauarant. Pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko agad sila.

Sino pa ba?

Si Jhake at Bea.

They look so perfect together. Tsk.

"Ah mga brad, sa iba na lang tayo kumain," wika ko sa kanila.

"Bakit naman Daniel? Marami pa namang bakanteng upuan ah," saad ni Joshua.

"May nabalitaan kasi akong masarap na restaurant. Doon na lang tayo "

"Ok," pagsang-ayon naman nila at umalis na kami agad sa reastaurant na iyon.

Oo. Inaamin ko na sa ilang buwan na pagsasama namin ni Bea ay nahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya. Kaya nga ng nalaman kong peke lamang siyang asawa ni Jhake ay hindi ko binunyag ang sikreto niya dahil meroon na akong konting nararamdaman noon para sa kanya. At masasabi kong habang tumatagal ay palalim nang palalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

Lexi's POV
Nandito ko ngayon sa bahay nila Jhake upang dalawin siya. Alam kong mahal pa rin niya ako, hindi niya lang ma-realize dahil sa Bea na 'yan.

"Where's Jhake? Can you please call him," I said to one of their maids.

"Ah pasensya na po senyorita Lexi pero wala po siya ngayon dito eh."

"Well, nasaan siya?"

"Hindi ko po alam. Ang alam ko lang ay kasama niya po si senyorita Bea."

"Damn," sabi ko sa sarili ko.

"Sige." Sabi ko na lamang sa katulong at umalis na ko roon.

Kainis ang Bea na 'yun! Ngayon na nga lang bumalik si Jhake after 1 year then ilalayo niya pa sa akin.

How dare she?

Bea's POV
Kumakain kami ni Jhake. I mean si Jhake lang pala dahil nga iced tea lang ang in-order ko.

"Ayaw mo ba talagang kumain?" 

"Ayaw po."

"Sige na. Susubuan na lang kita."

"Sige na nga. Ahhh," saad ko at binuka ko ang bibig ko upang ngumanganga na ako at kinain ko ang sinubo niya sa akin na salad

"Bea at Jhake Bustamante. Kayo nga," wika ng dati kong boss nang makalapit na sa ami..

"Ah sir Infante," saad ko at nagbigay galang sa pamamagitan ng pagtayo at nag-bow sa kanya.

"Oh ba't magkasama kayo ni Jhake Bustamante, Bea?" Tanong niya nang makabalik na ako sa pag-upo.

"We're just eating," sagot naman ni Jhake.

Tumango siya. " Himala Jhake at hindi ang girlfriend mo ang kasama mo."

"Sino?" nagtatakang tanong ni Jhake.

"Yung nagreklamo rito kay Bea noon."

"You mean, Lexi?"

"Ah. Oo."

"Wla na kami at asawa ko na si Bea," saad ni Jhake at napayuko na lamang ako.

"A-asawa mo si Bea?"

Naramdaman kong tumango si Jhake. "Yup."

"Ahh ganun ba. Congrats sa inyong dalawa."

"Salamat," saad naman namin ni Jhake.

"Ah sige, mauna na ako. Enjoy your meal," sabi ni sir at umalis na.

"Siya pala ang nagtanggal sa'yo?"

"Oo eh. Pero alam mo na thankful ako dahil tinanggal niya ako."

"Bakit naman?"

"Kasi kung hindi ay hindi ka makokonsensya at hindi mo ko tutulungan. Kung hindi mo ako tinulungan noon ay hindi tayo magiging close," nakangiti kong wika.

" Malaki pala talaga ang nagagawa ng konsensya ng isang tao 'no? Kaya nga naiinis ako sa mga taong wala man lang konsensya at nagagawang manakit at manloko ng iba," sabi nito at napalunok na lamang ako pero hindi ko ipinahalata. Hindi na rin ako tumingin sa kanya.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon