Chapter 24

306 18 9
                                        

Bea's POV
Abalang abala ang lahat dahil nga sa anniversary party naming dalawa ni Jhake at sa katunayan at mamaya na nga iyon gaganapin.

"Tuloy na tuloy na talaga ang party niyo mamaya ah," sipi ni Barbie.

"Oo nga eh. Nakokonsensya talaga ako dahil talagang pinaghahandaan nila ang 'kasal' daw namin ni Jhake pero wala naman talaga naganap na kasalan," mahina kong sambit kay Barbie.

"Wala na tayong magagawa diyan ate. Ang kailangan na lang ay panindigan kesa naman parehas tayo pulutin sa prisinto."

"Oh Bea nandito ka lang pala eh. Nandiyan na 'yung mag-aayos sa'yo. Sige na at magpaayos ka na."

"Opo," saad ko at nagtungo na nga ako sa kung saan ako aayusan.

"You must be Jhake's wife."

"Ah opo."

"Napakaganda mo naman. Bagay na bagay talaga kayo ni Jhake."

"Salamat po."

"Sige halika na 'nak at aayusan na kita," saad nito at umupo na nga ako.

Sinimulan niya na akong ayusan.

"Sana lang huwag dumating 'yung araw na masaktan mo si Jhake. Mahal na mahal kasi talaga siya ng maraming tao lalong lalo na ang pamilya niya."

"Ah opo hindi ko po gagawin 'yun sa taong mahal ko."

"Buti naman kung ganun. Hindi nga nagkamali si Jhake at isang katulad mo ang pinili niyang pakasalan at mahalin."

***

Malapit ng magsimula ang party at marami rami na rin ang bisita.

"Napakaganda mo hija," puri sa akin ni mama Corazon.

Nakasuot ako ng isang green backless dress. Pinagcurl din ng unti ang buhok ko.
I am also wearing a green dangling earings and a black stilleto.

Light make up lang naman ang nilagay sa akin para mukhang natural.

"Sige Bea. Taas na muna ako  sa stage at magsisimula na ang party," saad nito kaya naman ngumiti na lamang ako at tumaas na nga ito sa stage.

"Good evening everyone. Nandito tayo ngayon para i-celebrate ang wedding anniversary ng anak ko at ng kanyang asawa na si Bea. Taas nga kayo dito lovebirds," saad ni mama kaya naman iginaya na rin ako ni Jhake papunta sa stage at ng makataas na kami ay nagpalakpakan ang mga bisita.

"I now present you, the happy couple."

"First of all gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng dumalo sa munting salo salo para icelebrate ang pag isang taon ng kasal namin ng aking napakagandang asawa."

"Ako rin. Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat dahil nakapunta kayo dito. Enjoy na lang po this night."

Time passes by at nasa stage na ako para i-perform ang ginawa kong kanta para kay Jhake. May dala-dala akong gitara.

"Ito pong kantang ito ay ginawa ko para sa aking asawa na si Jhake. Sana magustuhan niyo po," saad ko at nagsimula na nga akong tumugtog.

For you I would strip
the most secret gesture
with the intimate certainty
that that's the two of us
then I would tell you
about my whole past
all the things you did not go through
all that you'll become one day

If ever na malaman mo ang nakaraan ko siguradong hindi mo ko tatanggapin.

for you I will steal
every colour to the sky
I will paint my feet
just to reach you today
I will paint a footmark, a path
so that it can take me to you

Napakataas mo kaya naman gusto kitang maabot pero maabot nga ba talaga kita kung pagitan natin ay ang katotohanan at kasinungalingan?

I won't be afraid to fly high anymore
and drawing a bow you will feel me
upon your big wings that give me shelter

just like the flower falls upon the branch
just like the noise dies in the silence
and I know that I would neglect myself
if you are not by my side
I would feel incomplete if
I were on my own
I am a blank book waiting for you
only with you something will be written on me

Sana lang talaga hindi na dumating 'yung araw na malaman mo ang totoo.

Wala na eh. Pakiramdam ko hindi ako buo kung wala ka sa tabi ko.

I won't be afraid to fly high anymore
and drawing a bow you will feel me
on your big hands that give me shelter

I will tell you that I love you
and you will be my cure to come back to life
I won't be afraid to love you next to me anymore
and through the time you'll have me here
upon your big wings that carry us together
until the divine light to share
for you I'll give every colour back to the sky
to the sky, its colour

Huli na para pigilan ko pa ang nararamdaman ko dahil mahal na kita Jhake.

Mahal na mahal.

"Maraming salamat po sa pakikinig sa inihanda kong. . ." hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil may bigla na lang nagplay na sound.

"Talagang pinaninindigan mo na 'no?" alam kong boses iyon ni Barbie.

"Wala na kong magagawa Barbie. Nandito na eh. Nagdadasal na lang ako na hindi n bumalik ang ala-ala ni Jhake para hindi niya malaman na hindi  niya naman talaga  ako tunay na asawa.."

Agad akong bumaba para habulin si Jhake.

"Jhake. Jhake sandali," saad ko habang nakahawak sa braso niya.

"Bakit? Magsisinungaling ka na naman. Pagmumukhain mo na naman kaming tanga." Aniya sa galit na boses pero hindi ako makakuha ng lakas upang magsalita.

"Ano? Magsalita ka," saad niya kaya naman napaiyak na lamang ako.

"Hindi naman sa ganun. Nagawa ko lang naman 'yun dahil gusto kong mabigyan ng magandang buhay si Barbie. Ayokong matulad siya sa akin na hindi nakapagtapos ng pag-aaral. HIndi kasi kami mayaman tulad niyo na nakukuha anumang gustuhin niyo."

"Wala sa yaman Bea ang paggawa ng mali. Alam mo ba na bumalik naman agad ang ala-ala ko?"

"Ba't hindi mo sinabi?"

"Dahil gusto kong malaman kung ano ang dahilan mo para gawin mo 'to."

"Jhake."

"Huwag kang mag-alala hindi ko kayo ipapakulong ng kapatid mo ang gusto ko lang umalis na kayo sa pamamahay ko at huwag na kayong magpapakita pa sa akin," saad nito at tumalikod na nga't umalis.

"Itinuring pa naman kita na parang tunay kong anak. Binalewala ko lahat ng sinabi ni Lexi gayung mas matagal ko siyang kilala kesa sa'yo pero mas naniwala pa rin ako sa'yo 'yun pala ikaw ang nagsisinungaling sa una pa lang," nakatungo lamang ako dahil sa sinabi ni mama Corazon at umalis na.

Hindi ko na nga pala siya ina.

Kinokomfort na lamang ako ni Barbie.

"Sa susunod kasi huwag kang manloloko ng iba. 'Yan tuloy ang napapala  mo. Sinabi ko naman kasi sa'yo na banggain mo na kahit sino huwag lang ako dahil iiyak ka talaga. Kawawa naman," saad ni Lexi at nagexpression pa siya ng naawa tapos tumawa at umalis na.

"Ang sarap talagang ingongod sa inidoro ang mukha ng babaeng 'yun."

"Hayaan mo na. Kasalanan ko dahil niloko ko sila."

"Ate huwag kang mag-alala. Nandito pa naman ako. Hindi kita iiwan."

Sa kabila ng sakit na pinagdaanan ko ngayon  ay nagpapasalamat ako na nandito si Barbie.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon