Chapter 6

690 25 5
                                    

Bea’s POV
Nakauwi na rin ako salamat. Kapagod pala nung mga ginawa namin ni SIR Jhake. Naalala ko na naman tuloy ang mga nangyari kanina.

“Uy ano iyan ate? Ba’t ka nakangiti dyan at nagblublush ka pa ah?”

“Wala 'to 'no.”

“Naku ate, huwag mo kong pinagloloko.”

“Wala nga ito.”

“O'sya. Ano pala 'yan ate na dala mo?” Tanong niya nang mapadako ang tingin niya sa kamay kong may hawak-hawak.

“Ah eto,” sabi ko nang itinaas ko ang kahon at kinuha niya iyon at binuksan.

“Wow, ate! Kanino galing ito? 'Tsaka ba’t di ko alam na magpapakasal ka na pala?” sabi ng aking magandang kapatid kaya binatukan ko siya.

“Aray ko naman ate. Ba’t mo ko binatukan?” Aniya habang hinihimas ang ulo niya.

“Eh di naman ako magpapakasal.”

“Weh?”

“Oo nga. Ang totoo nyan, kay sir Jhake galing 'yan na wedding gown na 'yan.”

Kumunot ang noo niya. “Ba’t ka naman niya bibigyan nito.”

“Wala. Nabanggit ko kasi sa kanya na pangarap kong ikasal. Eh dahil gusto niya kong maging happy ngayon na birthday ko ay binilhan niya ko nito tapos nagpanggap kami na bride and groom.”

Tinanguan niya ako. “Ah kaya naman pala nagblublush at nakangiti ka mag-isa kanina kasi naalala mo si sir Jhake. Ayiee... Si ate lu-ma-lovelife.”

“Anong lovelife diyan? 'Tsaka isa pa ay ikakasal na 'yun si sir kaya di na pwede. At isa pa, kahit di siya ikasal ay di ako magugustuhan nun,” sabi ko.

Ewan ko ba pero bigla akong nalungkot sa mga sinabi ko.

Third person’s POV
Dumating na araw na pinakakahintay ni Lexi at Jhake. Ang kanilang kasal. Masayang-masaya ang dalawa dahil pagkatapos ng kanilang kasal ay ganap na silang isa.

Inaayusan si Lexi nang biglang dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Joyce, ito kasi ang kanyang maid of honor.

“Oh Lex, di ka pa rin nagbabago. Your still beautiful as ever ”

“IKR,” sabi ni Lexi at nagtawanan silang magbest friend.

“O'sya Lexi. Lalabas na ko. Mamaya na tayo magchikahan at baka mahuli ka pa on your wedding,” sabi ni Joyce at tumango na lang si Lexi sa kanya

Habang nag-aayos na rin si Jhake para sa kasal naang biglang pumasok ang kanyang matalik na kaibigan na si Kristoffer

“Oh Jhake siguro ang saya-saya mo ngayon kasi ikakasal ka na sa'yong first love at mukhang true love mo pa ata.”

“Oo nga eh. Sobrang saya ko at di ko na mahintay na Lexi and I will be one.”

“Huwag kang mag-aalala bro. Konting hintay na lang at magiging mag-asawa na kayo.”

“Ba’t ka pala nandito?”

“Sabi kasi ni tita ay mauna na raw sila at sumunod ka na lang raw sa simbahan. Bilisan mo at nakakahiya na mauna pa ang bride mo sa simbahan.”

“Oo na. Sabihin mo at susunod na lang ako.”

Umalis na nga Kristoffer. Tumungo na sila Kristoffer sa church, mga ilang minuto pagkaalis nila Daniel ay umalis na rin si Jhake kasama ang driver.

“Sir huwag na po kaya tayo dito dumaan at traffic po. Mahihirapan po tayong lumusot eh.”

“Sige. Basta ho maidala niyo ako sa simbahan.”

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon