Matagal kong hinintay ang pagkakataong 'to. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko habang nakatingin sa lalakeng makakasama ko habang buhay.
Nagsimula na ngang tumugtog ang piano. Isang tugtog lamang ito na walang bahid ng salita pero ramdam na ramdam ko ang bawat ipahiwatig ng musikang ito.
Nagsimula na ngang maglakad ang mga abay namin sa aming kasal. Pagkatapos nila ay nagsimula na akong maglakad habang nakasuot ng puting wedding gown at may hawak na isang bouquet.
Hindi ko kailanman makakalimutan ang lugar na ito sapagka't sa lugar na ito ay kung saan din siya nagpropose sa akin noon.
Isang linggo matapos ng makulong si Daniel ay inaya ako ni Jhake na pumunta sa isang beach resort kung saan kami lamang dalawa.
Ang sabi niya ay tatlong araw lang kami sa nasabing resort.
Nung unang araw ay naglibot muna kami sa resort at nagswimming na rin.
Nung sumunod na araw ay nagbonding kami. Sumakay kami sa motorboat at kung ano ano pang ginawa namin pero ang hindi ko makakalimutan ay ang panghuling araw na namin sa resort.
Bandang hapon na nun. Masasabi kong wala na rin ang sinag ng araw. Inaya niya akong gumawa kami ng sand castle. Pumayag naman ako.
Nakakapagod palang gumawa. Kahit maliit lang ay nahihirapan ako pero ayos lang. Nag-eenjoy naman ako at ganun rin si Jhake. Napatingin ako sa paglubog ng araw. Napakaganda nito.
Nang ibalik ko ang tingin ko sa ginagawa namin ni Jhake ay dun ko nakita ang isang singsing na nakalagay sa pinakamataas na toreng nagawa namin.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.
"I know this sounds corny Bea, but will you be my forever?" aniya habang nakatingin sa akin.
Kinuha ko 'yung singsing at isinuot sa palasingsingan ko.
"Ibig sabihin ba nito?"
"Of course. I really want to be your forever," sipi ko at bigla siyang niyakap dahilan upang masira ang ginawa naming sand castle.
Patuloy ako sa paglakad ako. Si Barbie pala ang maid of honor. Si Lexi naman ay kinuha ko rin bilang isa sa mga abay.
Napatingin ako sa magiging asawa ko at nakangiti siyang naghihintay sa akin.
Hangga't nakarating na ako sa kung nasaan sila.
"Ang ganda mo. Ang swerte ng kapatid ko sa'yo," sipi ni Daniel kaya nginitian ko lang siya.
Siya kasi ang best man ni Jhake. Nakakulong pa rin siya hanggang ngayon. Inamin na niya ang mga kasalanan niya at humingi na rin ng tawad.
Para sa mahalagang okasyon na 'to ay pinayagan siyang makalabas muna ng kulungan pero babalik din siya roon.
"Shall we?" tanong ng groom kaya naman kinuha ko na ang nakalahad nitong kamay at humarap na nga kami sa pari.
Nagsimula na ang ceremony.
"Bea, I know I am not the perfect man that everyone wished for but one thing I know, is that I love you to eternity. Oo, hindi ko alam kung kailan kita sinimulang mahalin. Ang importante, nangangako ako na hindi titigil ang pagmamahal ko sa'yo. We'd been through trials and heartaches yet it never hinder us to fight for our feelings. Now, I am standing in front of these people to show to them how much I love you most of all I am here because I want to pledge my forever with you," aniya dahilan para may pumatak na luha sa aking kanang mata.
"Jhake, alam ko na hindi ako tulad ng inaasahan ng iba na papakasalan mo. Hindi ako mayaman, ni hindi rin ako nakapagtapos ng pag-aaral at higit sa lahat niloko ko ang pamilya mo. Even though you still accept me for I am. I'm sorry kasi ako na lang ang laging bumibitaw. I know I'd been selfish yet you never gave up. Ni hindi ko nga maisip na mapapatawad mo ko at mas lalong hindi ko naisip na ihaharap mo ko sa Diyos at papakasalan. How ironic it is? 'Yung kasalanan ko sa'yo, 'yun rin pala ang tadhana ko. Salamat kasi after everything minahal mo pa rin ako ng buo. Now, I am willing to spend my forever with you Mr. Bustamante."
"With the power vested in me. Now, I pronounce you man and woman, you may now kiss the bride," wika ng pari at naramdaman ko na nga ang malambot na labi ng aking asawa habang dumadampi sa aking pisngi ang sariwang hangin ng dagat.
Hindi ako nagsisisi na mahalin ang isang Jhake Bustamante.
Alam ko hindi pa 'to ang pagwawakas ng kabanata ng aming buhay.
Hindi ko masasabi na wala ng problema ang susubok sa aming relasyon pero isa lang ang sigurado ko.
Hangga't magkasama kami, sabay kaming lalaban.
(a/n: Ayan tapos na ang pretense or romance. Sana po nagustuhan niyo ang wakas. Salamat po sa lahat ng tumangkilik ng kwentong ito. Pasensya na rin po sa mga typos at grammatical errors. Grab ko lang po pala 'tong chance na 'to para i-promote ang iba ko pa pong stories. Maaring tapos na po ang istoryang ito pero may iba pa akong istorya na maari niyong basahin. Salamat po ulit. God bless you all!!)
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomanceWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...