Chapter 20

353 15 2
                                    

Isang linggo na ang nakalipas nang magpunta kami sa Tagaytay. Sa totoo lang ay hapon na kaming nakabalik dito sa mansion.

"Kumusta ang business trip?" tanong ni mama.

"Ok lang naman po," sagot ko.

"So. Nakapaglovey dovey ba kayo ni Jhake?" bulong na tanong nito sa akin.

Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ay alam kong namumula na ang pisngi ko.

"H-hindi po," nahihiya kong sagot.

"Aba! Kailan pa? Kailan niyo ko balak bigyan ng apo?"

"Kapag kaya  na ni Bea," sagot naman ni Jhake.

"Hala Bea. Bilis bilisan mo na at ng magkaroon na ako ng apo," saad ni mama kaya naman napangiti na lamang ako ng pilit.

"Oh. Nandito na pala kayo ate," saad ni Barbie ng kakapasok palang sa sala.

"Tapos na kasi 'yung business meeting ni Jhake eh. Sandali Barbie. Saan mo pala nakuha 'yan na damit, sapatos, bag at relo mo? Wala akong maalala na may gamit kang ganyan."

"Ibinili ako ni tita."

"Dapat umayaw ka. Di ka na nahiya."

"Bea, huwag mo nang pagalitan si Barbie. Ako naman ang may gusto eh 'tsaka isa pa, nakakatuwa nga siya kanina eh. Parang batang binilhan ng lollipop."

"Naku pasensya na po kayo. Buti po sana kung lollipop na lang binili niyo para hindi kayo gumastos ng ganun kalaki."

"Ano ka ba naman? Asawa ka ni Jhake kaya tinuturing kitang pamilya at dahil kapatid mo si Barbie ay pamilya na rin ang turing ko sa kanya."

"S-salamat po."

"Ok lang. Basta huwag mo ng pagalitan si Barbie. Kawawa naman 'yan na batang 'yan," saad ni mama at tumaas na.

"Ah Bea taas lang ako para makapagpahinga," paalam ni Jhake kaya naman ngumiti na lamang ako at tumaas na rin ito.

Kami naman ay pumasok sa kwarto ni Barbie na nandito sa unang palapag.

"Anong pumasok sa kokorte mo at tinanggap mo ang mga 'yan?" galit kong tanong rito.

"Hindi ako humingi. Kusa niyang binigay."

"Kahit na. Buti sana kung totoong asawa ako ni Jhake pero ang masaklap hindi kaya wala tayong karapatan sa kahit anong gamit o pera dito."

"Eh ang alam naman nila ay asawa ka."

"Yun na nga eh. Niloloko lang natin sila at alam mo kung gaano ako nakokonsensya dun kaya sana huwag ka ng gumawa ng bagay na makakapagpadagdag sa konsensya ko."

"Pasensya na ate. First time ko kasing mabigyan ng ganitong klaseng mga gamit kaya tuwang tuwa ako. Hindi ko na inisip ang mararamdaman mo. Sariling kaligayahan ko lang kasi 'yung inisip ko eh," saad nito kaya naman napangiti na lamang ako.

"Pasensya na rin. Alam mo  naman siguro kung bakit ko 'to ginagawa lahat di ba?" tanong ko kaya naman napatango na lamang ito.

"Para sa akin? Kaya gusto kong magpasalamat ate dahil ramdam na ramdam ko kung gaano mo ko kamahal," saad nito at niyakap ako.

***

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay dun ko nakita si Jhake na nakaayos at nakaporma.

"Saan ka pupunta?"

"Saan tayo pupunta? Ayan damit. Suotin mo," saad nito kaya naman kinuha ko 'yung damit at tiningnan siya.

"Ay oo nga pala. Bilisan mo," saad nito at lumabas na sa kwarto.

Nang matapos na akong  magbihis at mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at dun ko nakita si Jhake na naghihintay sa labas.

"Tara na?" yaya nito.

"Sandali. Saan ba tayo pupunta?"

"Basta," saad nito at hinila na ako.

Nang makababa na kami at palabas na sana ng bahay ay nakasalubong namin si Daniel.

"Saan kayo pupunta?"

"Diyan lang," sagot ni Jhake at pinagpatuloy na ang paghila sa akin.

Daniel's POV
Nararamdaman ko na unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Bea kay Jhake. At kailangan niyang maagapan iyon dahil pagdating ng panahon ay maraming masasaktan.

"Oh. Saan daw pupunta 'yung dalawang 'yun?" tanong ni mama kaya naman nagkibit balikat na lamang ako at nilampasan siya.

Bea's POV
Mga alas sais na ngayon at dinala ako ni Jhake sa isang park. Isang napakagandang park.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko pero ngumiti lamang ito at sumakay  sa bangka.

Nilahad nito ang kanang kamay niya kaya naman tiningnan ko ito tapos sa mukha niya. Ngumiti siya sa akin at tumango kaya agad ko namang hinawakan iyon at inalalayan niya akong sumakay sa bangka.

Nang nasa gitna na kami ng tubig ay biglang umilaw ang naggagandahang ilaw sa park.

"Ang ganda," na-amaze kong saad.

"Nagustuhan mo?"

"Sobra. Sandali." Saad ko pero agad naman akong natigilan nang maalala kung bakit kami naririto. "Bakit mo nga pala ako dinala dito?"

"Happy Valentines," nakangiting saad nito.

"Valentines?" tanong ko kaya naman mas lalong lumapad ang ngiti nito.

"Ay oo nga pala. February 14. Valentines day nga ngayon. Hala! Wala man lang akong regalo sa'yo."

"Ano ka ba? Hindi kailangan ng regalo. Ang kailangan napasaya kita at napasaya mo rin ako."

"Sa paanong paraan naman kita napasaya?" takang tanong ko sa kanya.

"Dahil kasama kita. Sapat na 'yun para maging masaya  ako," saad nito kaya naman napangiti na lamang ako.

"Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Kahit 'yun na lang ang regalo mo sa akin ngayon na valentines," ani Jhake kaya naman mas lumapit ako sa kanya.

Nagdadalawang isip ako kung yayakapin ko talaga siya.

"Ano ba? Tagal," saad nito at niyakap ako. Batid ko sa boses niya na nakangiti siya ng sabihin iyon. Napangiti na rin naman ako at gumanti sa yakap niya.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko ngayon.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon