Bea’s POV
Ikatlong araw na ito na maaga akong nagising ganun din si Barbie. Maaga pa kasi ang pasok niya habang ako naman ay naghahanap ng bagong mapagkakakitaan.Nandito ko ngayon sa isang sari-sari store upang mag-apply.
“Ma’am, nakita ko po sa labas na kailangan niyo po ng saleslady. Mag-a-apply po ako.”
“Ay pasensya ka na ineng pero hindi na pwede dahil may nakuha na kami,” saad ng isang babae na siguro ay mga nasa edad cuarenta.
“Kahit ano na lang pong trabaho diyan. Matiyaga po ako. Masipag at masayahin. Kaya sigurado pong makakahatak kayo ng maraming bibili.”
“Pasensya ka na talaga pero hindi ka talaga namin matutulungan.”
“Ganun po ba. Salamat na lang,” sabi ko at nagsimula na kong maglakad paalis.
Ano ba namang buhay ito!
Wala pa kong mahanap na trabaho samantalang kahapon at nung isang araw pa ko naghahanap, wala namang tumatanggap. Ay Diyos ko tulungan niyo naman ako o kahit magpadala lang kayo ng isang anghel na tutulong sa amin.
Jhake’s POV
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kinakausap si Lexi. Nang dahil sa kanya ay nakasira siya ng buhay ng ibang tao.“Jhake ikatlong araw na ngayon at hindi mo pa rin ako pinapansin at kinakausap. Hanggang kailan ka ba magmamatigas sa akin?”
“Lexi pwede ba! Stop being childish,” mariin kong wika.
“Hindi ako nagiging childish! Ang akin lang, ang boyfriend ko ay hindi ko makausap because of just a stranger.”
“Yes, she is a stranger but still Lexi, you don’t have the right na ipahiya siya at ipatanggal siya sa trabaho!”
“Jhake pinapalaki mo lang ang isyu.”
“Hindi, Lexi. In the first place, kung hindi mo 'yun ginawa ay wala tayong isyu ngayon.”
“Ok, I admit. This is my fault l. Now, what do you want me to do? Hanapin siya after that bigyan siya ng trabaho? Magmakaawa na patawarin niya ko? O baka naman sampalin ko ang sarili ko sa harap niya? What?” sabi niya habang ako naman ay napailing na lang at tumalikod na upang makaalis na.
“Jhake, where are you going?”
“Anywhere. Basta huwag lang dito.”
Sumakay ako sa itim na kotse ko.
Actually hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang mission ko ay mahanap ko ang babaeng pinahiya ni Lexi at tulungan siya.
Nag-dra-drive ako nang bigla akong muntik ng may masagasaan na babae kaya agad akong lumabas sa kotse ko at hinawakan siya dahil natumba siya.
“Ms. Are you ok?” Nag-aalala kong tanong sa kanya at nung tumingin siya ay nagulat ako.
Di ba siya 'yung babaeng hinahanap ko?
“Opo,” sabi niya tapos tumayo na siya habang inaalalayan ko.
“Di ba ikaw 'yung natatanggalan ng trabaho dun sa restaurant?”
“Opo. Paano niyo nalaman?”
“Hindi mo na ba ko naalala? Ako 'yung kasama nung babaeng nagpatanggal sa'yo,” nang dahil sa sinabi ko ay natigilan siya at halatang inaalala ako.
“Ay oo. Naku sorry po talaga dun sa nagawa ko sa girlfriend niyo,” nakayuko niyang saad.
“Ok lang yun. Dapat nga ay ako ang magsorry sa'yo kasi napahiya ka na, natanggalan ka pa ng trabaho.”
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomanceWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...