Chapter 43

256 13 1
                                    

Daniel's POV
Narito ako ngayon sa bahay nila Bea at kasalukuyang naghihintay sa kanya.

"Wala pa rin ba ang ate mo?"

"Wala pa nga eh. Ikaw? Ba't napadalaw ka dito?"

"Wala naman. Gusto ko lang sanang dalawin at kamustahin ang kapatid mo."

"Gusto mo ba ng makakain?" tanong nito kaya't umiling na lamang ako.

"Juice? Tubig?" tanong muli nito kaya't umiling na naman ako.

"Ayos lang."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Sige na't mukhang may ginagawa ka," sipi ko at tumango na lamang siya at bumalik na nga sa kanyang ginagawa.

Mag-iisang oras na rin akong naghihintay. Paminsan-minsa'y tumitingin-tingin rin ako sa relos ko.

Nang pagbalik ko ng tingin sa unahan ay dun ko nakita si Bea na pumasok ng umiiyak.

"Bea, anong nangyari?" bungad kong tanong sa kanya't tumayo pero bigla na lamang itong yumakap sa akin habang humihikbi.

"Bea, bakit ka umiiyak?" tanong ko rito habang inaalalayan siyang umupo.

"Masakit Daniel. Masakit. Dapat hindi ko na lang pinakinggan ang puso ko. Dapat isip ko ang sinunod ko. Kung pwede lang turuan ang puso matagal ko na 'tong tinuruan na kalimutan si Jhake."

"Ano ba ang ginawa ni Jhake sa'yo?"

"Nagconfess siya sa akin na mahal niya ako pero ikakasal naman pala siya kay Lexi."

"Ano? Ikakasal silang dalawa?" Malakas kong tanong.

"Oo. Sana hindi na lang niya ko pinaasa. Napakasakit."

"Bakit biglaan?"

"Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang nagdurugo ang puso ko ngayon," aniya kaya't niyakap ko na lamang siya.

"Shhh. Everything will be alright. I promise you that." I said as I hug her tight again.

I promise that I will protect her at all cost.

Jhake's POV

"Jhake kahit anong gawin mo, para tayo sa isa't isa kaya hayaan mo na ang Bea na 'yun," sipi ni Lexi habang sumusunod sa akin.

Tumigil ako bigla at humarap sa kanya.

"Walang makakapagsabi kung sino ang para sa akin. Hindi ikaw, hindi si Bea kahit ako pa mismo. Kaya pwede ba Lexi kung tayo talaga ang nakatakda para sa isa't isa eh di tayo. Kahit walang human intervention kung nakatadhana tayo bakit kailangan mong ipagpilitin?"

"Because there's no such thing as destiny. Tayo ang gumagawa ng sarili nating tadhana. Gagawin ko lahat para maging tayo pa rin sa huli."

"Kaya pinapaniwala mo ang sarili mo sa isang kasinungalingan, ganun ba?"

"Kung 'yun ang paraan para maging akin kang muli, bakit hindi?"

"Pero Lexi mali 'tong ginagawa mo," sipi ko at biglang dumating si mama.

"Itong ginagawa niyo," sipi ko habang nakatingin kay mama.

"Bakit? Sa tingin mo ba tama ang ginagawa mo?" napatingin ako sa nagsalita at dun ko nakita si Daniel.

"Paano mo nagawa 'yun kay Bea?" sinugod ako nito.

" Bakit mo siya sinaktan?"

"Daniel ano ba? Sinasaktan mo ang kapatid mo para lang sa isang babae," ani mama at dun na nga ako marahas na binitawan ni Daniel at tinuon niya naman ang atensyon niya kay mama.

"Bakit ma? Lagi naman si Jhake ang inaalala mo. Masama ba na ibaling ko ang atensyon ko ay Bea?"

"Dahil ang babaeng 'yun ay hindi kailanman nararapat kahit sino man sa inyong dalawa."

"Sino ang nararapat para kay Jhake? Si Lexi. Hindi ba't ayaw na ngang pumayag ni Jhake magpakasal sa kanya? Ako? Wala naman kayong pakialam sa akin, di ba?"

"Ikaw Jhake masaya ka ba na may umiiyak na babae ng dahil sa'yo? Hindi lang pala isa, dalawa pa. Kahit kailan hindi ka deserving para kay Bea."

"At sino ang deserving? Ikaw? Daniel, hindi ikaw ang mahal ni Bea."

"Hindi pa sa ngayon pero sa oras na marealize niya na wala siyang mapapala sa'yo. Ako na ang mamahalin niya," aniya at nilampasan na nga ako't tumingin ako sa dalawang babae na kaharap ko ngayon pagkatapos ay umakyat na rin.

Lexi's POV
Nakaupo lang ako ngayon sa sofa habang umiiyak at si tita ay patuloy hinahagod ang likod ko para patahanin ako.

"Bakit? Ang sama sa akin ni Jhake? Ang gusto ko lang naman magkasama kaming dalawa pero bakit pilit niya kong tinutulak?"

"Hindi niya lang tanggap. Sinisigurado ko pagnakasal na kayo unti unti niyang matatanggap na ikaw talaga ang nakatadhana para sa kanya at hindi ang basurang babae na 'yun." Wika ni tita habang patuloy ako sa paghikbi.

Hanggang nasa panig ko si tita ay wala dapat akong ipag-alala. Ikakasal kami ni Jhake kahit ayaw niya pa.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon