Bea's POV
Iniisip ko pa rin 'yung nangyari nung isang gabi.Hanggang ngayon gulong gulo pa rin ako. Hindi ko alam kung totoo ba 'yung sinasabi niya. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong gawin.
"Ah miss, cafe americano. Isa," aniya ng umoorder kaya prinepare ko na nga ang order nito.
"Here you go sir," sipi ko at binigay ko sa kanya 'yung kape.
"Ah miss hindi ito 'yung order ko."
"Bakit po? Hindi po ba cafe americano ang order niyo?"
"Oo nga pero cafe subano 'tong binigay mo," aniya at pinakita sa akin ang kape.
"Oh I'm so sorry sir," paghingi ko ng dispensa rito pero tumango na lamang ito.
Agad kong kinuha ang kape at pinalitan.
"Bea ayos ka lang ba? Kahapon ka pa ganyan. May problema ba?" tanong ni Nina, isa sa kasamahan ko.
"Wala. Ano ka ba?" Saad ko at nagpakita ng isang pilit na ngiti.
"Alam mo magpahinga ka muna kaya. Buti nga mabait si kuya eh. Mamaya niyan maulit na naman 'yung nangyari pero baka hindi na kasing bait ni kuya," aniya kaya naman natawa na lang ako.
"Sige. Salamat," nakangiti kong sipi at ngiti naman ang sinukli nito sa akin.
Ano ba Jhake?
Pati ba naman sa trabaho ko dinidistract mo ko.
Dapat talaga kalimutan ko na lang 'tong nararamdaman dahil wala naman 'tong maidudulot na maganda. Hindi kami para sa isa't-isa kaya dapat 'yun ang itatak ko sa puso't isipan ko.
"Bea," sipi ni Kristoffer na nakasalubong ko sa daan.
"Kristoffer ikaw pala."
"Nasabi sa akin ni Jhake na nasabi niya na raw sa'yo ang nararamdaman niya pero tinanggihan mo ito. Totoo ba na wala kang nararamdaman sa kanya?"
"Sa totoo lang, mahal ko siya pero hindi sapat 'yun para tanggapin ko ang pagmamahal niya. Isa pa paano kung pagpapanggap lang pala 'yung pinakita niya? What if gusto niya lang makaganti sa akin?"
"Sa pagkakakilala ko kay Jhake ay hindi siya ganung klaseng tao. What he said, he means it. I assure you."
"Pero ako ang problema Kristoffer hindi si Jhake. Niloko ko siya. Isa pa mahirap lang ako."
"21st century na Bea 'yan pa ang inaalala mo."
"Pero kahit anong gawin ko hindi kami para sa isa't isa."
"Mga 'yun ba talaga ang dahilan o may iba pa?" aniya kaya napatingin ako rito.
"Sa lahat ng 'yun ang pinakarason mo ay takot ka. Takot ka sa maaring mangyari kapag tinanggap mo ang pag-ibig niya. Hindi ba't tama ako?"
"Oo. Takot ako, takot na takot. Ayokong masira siya ng dahil sa akin. Alam kong huhusgahan siya ng iba. Baka nga pagtawanan pa."
"Ok let's put it that way pero paano kayo? Will you let other people define your relationship? Pinaglalaban ka ni Jhake kahit alam niyang galit sa'yo si tita. That's how he loves you, hindi mo man lang ba susuklian 'yun?"
"Sapat na naging miserable siya sa akin ng isang beses."
"Why?Sa tingin mo hindi siya magiging miserable kapag nawala ka sa buhay niya?"
"Paano kung hindi talaga kami para sa isa't-isa?"
"Paano kung kayo? Isusugal mo ba ang kinabukasan niyong dalawa para lang sa iisipin ng ibang tao?"
"Alam mo Kristoffer tama ka eh. Salamat."
"No problem." Aniya at ngumiti.
Jhake's POV
Pagbaba ko sa hagdan ay agad kong nakita si Lexi na naman na kasama si mama."Hi, Jhake," nakangiting bati nito sa akin.
"Lexi, pwede ba tayong mag-usap?"
"Sige ba."
"Sa lanai na lang," ika ko at nagtungo na nga sa lanai.
"Jhake anong pag-uusapan natin?"
"Anong ibigsabihin nito?" tanong ko rito na pinakita pa ang invitation.
"Jhake. . ."
"Ano?"
"Oo na. Kami ang gumawa niyan ni tita."
"Bakit? Akala ko ba tanggap mo na ang sitwasyon natin?"
"Tanggap? Kahit kailan hindi ko matatanggap na tinapon mo lang basta ang pinagsamahan natin ng mahabang panahon. Since we were little magkasama na tayo. We're destined to each other di ba? You said ako lang mamahalin mo pero wala. Do you think ganun lang kadaling tanggapin 'yun?"
"Lexi hindi ko naman ginusto 'to eh pero I don't like to push myself on a relationship that no longer exist. I already fell out of love with you."
"Bakit ganyan kadali mo lang sabihin 'yan? ang ilang taon na pinagsamahan natin itinapon mo lang para sa isang babae na kamakailan mo lang nakilala. Para sa isang babae na niloko ka."
"Maybe ganun talaga pagnagmahal ka ng totoo. Pagnakita mo na 'yung babae para sa'yo."
"Ano ako? Ano 'yung pinagsamahan natin? Alin ba ang totoo Jhake sa loob ng labingwalong taon ng pagsasama natin? Kasinungalingan lang ba 'yun lahat?"
"Of course its not. God knows kung gaano kita kamahal."
"Pero hindi sapat 'yun dahil kung oo hindi mo siya mamahalin."
"Lexi."
"Now, I don't care if I have to get you by hook or crook. Ang mahalaga, akin ka. Not hers."
"Hindi mo ko pagmamay-ari."
"I don't care. For a month or two, ikakasal tayo whether you like it or not. Kung ako sa'yo tanggapin mo na lang na matutuloy na ang naudlot nating kasal."
"Kasal?" napatingin kami ni Lexi sa nagsalita.
"Ikakasal kayo?"
"Yes, my dear. Heto nga pala invitation ko sa'yo. I hope makadalo ka," sipi ni Lexi na inabot pa 'yung invitation kay Bea.
Tiningnan ito ni Bea pagkatapos ay sa akin then sa mukha ni Lexi at bigla-bigla na lamang siyang tumatakbo.
"Bea," tawag ko rito at sinundan siya.
Tinatawag ko siya at kahit na umuulan na ay pilit ko pa rin siyang hinahabol. Nang maabutan ko siya ay agad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya.
"Bea, let me explain," sipi ko habang hawak-hawak ko pa rin siya.
Wala akong pakialam kahit basang-basa na ako ng ulan.
"Explain?" aniya ng humarap sa akin.
"Ikakasal na pala kayo tapos nagpahayag ka pa na mahal mo ko. Sana hindi mo na lang sinabi na mahal mo ko at least hindi ako umaasa. Sabi ko na nga eh. Mali na ibigin kita dahil hindi tayo para sa isa't isa."
"Wala akong kinalaman sa kasal Bea. Ayoko nun. Gagawin ko lahat para hindi matuloy 'yun. Sana naman tulungan mo ko na ipaglaban natin ang pagmamahalan natin dahil mahirap makipaglaban na 'yung taong pinaglalaban mo bumibitiw na."
"Dahil wala naman akong dapat panghawakan," aniya at pinagdikit ko ang mga noo namin.
"Mahal kita, hindi pa ba sapat 'yun?"
"Hindi. Dahil sa mundong 'to. Hindi lang puso natin ang dapat isaalang alang. I'm sorry. I'm so sorry Jhake," anito at tumakbo na paalis.
Wala na kong nagawa kundi tingnan ang kanyang likod na unti-unting naglalaho.
(a/n: Sorry guys for a long wait. Naging busy lang talaga ako these past few days kaya ngayon kang po ulit ako nakapagUD. I hope you understand.)
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomanceWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...