Chapter 34

274 14 2
                                    

Nandito ako ngayon sa hospital para dalawin si Barbie.  Tatlong araw kong pagiistay sa mansyon ng mga Bustamante ay hindi pa rin nagkakamalay si Barbie

"Barbie bakit hanggang ngayon tulog ka pa rin. Hindi ka ba napapagod sa kakatulog?" tanong ko rito nang biglang gumalaw ang kanyang daliri at unti unti na siyang nagmulat.

"A-ate."

"Barbie. May masakit ba sa'yo? May kailangan ka ba?" tanong ko rito at tumalikod na nga para kuhanan siya ng pagkain pero hinawakan nito ang kamay ko dahilan upang tumigil ako. Humarap ako muli sa kanya.

"Pasensya ka na ate at binigyan pa kita ng problema."

"Ano ba? Kahit kailan hindi kita itinuring na problema. Di ba nga lahat ng nagawa, ginagawa at gagawin ko ay para sa'yo. Kasi kapatid kita."

"Salamat ate. Alis na tayo ate."

"Hindi pa pwede. Hindi ka pa lubusang magaling."

"Pero ate pag mas tumagal ako rito ay mas malaki ang babayaran natin. Wala tayong pera kaya wala tayong pambayad rito."

"Huwag kang mag-alala. Tinutulungan tayo ni Daniel."

"Nakakahiya naman kay Daniel. Marami na siyang naitulong sa atin."

"Oo nga eh kaya naman sinabi ko na dapat may kapalit ang pagtulong niya sa atin."

"Ano naman 'yun ate?" tanong nito kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.

"Gusto niyang maging personal maid niya ako at pansamantala dun muna ako sa mansyon nila titira."

"Ano? Eh di nasa iisang bubong lang pala kayo ni Jhake?" anas nito kaya naman napatango na lamang ako.

"Mahirap man kailangan kong tiisin. Sa totoo lang masakit talagang marinig 'yung mga bintang niya sa akin pero wala naman akong magagawa. Ako mismo ang nagtatak sa isipan niya na ganoon akong tao."

"Kahit na ate. Wala siyang karapatang husgahan ka sa isang pagkakamali mo lang nagawa."

"Alam ko pero ito na 'yung sitwasyon. Hindi ko na mababago."

"Nagugutom ka ba? Sandali ikukuha kita ng pagkain," sipi ko rito at pinaghanda ko nga siya ng pagkain.

Jhake's POV
Pagdating ko sa bahay galing sa trabaho ay naabutan ko si Bea sa kusina na nagtitimpla ng juice.

"Para kay Daniel ba 'yan?"

"Ay jusko naman. Huwag mo ngang gagawin 'yun sa susunod," aniya kaya tumango tango na lamang ako.

"Para kay Daniel 'yan?"

"Ah oo. Pinagpatimpla niya kasi ako."

"Ako din. Gusto ko iced tea. Sa sala lang ako," sipi ko at umalis na nga't dumiretso sa sala.

Pagdating ko sa sala ay umupo ako sa sofa at umupo. Kinuha ko ang remote at pinag-on ang TV.

Maya maya ay dumating na nga si Bea dala dala ang iced tea.

"Pakilapag na lang diyan sa mesa," sipi ko at ginawa naman niya.

Aalis na sana siya ng tawagin ko kaya naman hindi na natuloy ang pag-alis niya at humarap sa akin.

"Gusto ko pala ng ham and cheese sandwich. Tatlong layer ah."

"Sige po sir," aniya at umalis na.

Kinuha ko 'yung iced tea at uminom ako ng konti.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na nga si Bea na dala dala 'yung sandwich na pinapagawa ko. Pinalapag ko ulit ito sa mesa at katulad ng kanina ay akmang aalis na ito ng tawagin ko ulit ang kanyang pangalan.

"Ano po?" medyo naiinis ng saad nito.

"Medyo matabang 'tong iced tea. Pakidagdagan naman ng asukal pero ayoko ng masyadong matamis," sabi ko rito at kinuha na nga niya 'yung baso na medyo naiinis pa.

Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa naglalakad na si Bea.

"Hi hon," napatingin ako sa nagsalita at dun ko nakita si Lexi na papalapit sa akin.

Umupo ito sa tabi ko at hinalikan ako sa labi pagkatapos ay sumandal siya sa balikat ko.

"Oh Lexi napapasyal ka. Gabi na ah."

"Wala kasi akong magawa sa bahay kaya naman naisipan kong pumunta rito."

"Ganun ba."

"Ah sir 'yung iced tea niyo po," napalingon kami sa nagsalita.

"Bea!" gulat na anas nito.

Bea's POV
Halata ngang gulat na gulat si Lexi na makita ako.

Kinuha naman ni Jhake ang hawak kong baso na may iced tea.

"Katulong ka na pala ngayon ng mga Bustamante. Sabagay bagay sa'yo," ani Lexi pero hindi ko na lang inintindi.

"May kailangan pa ho ba kayo?"

"Wala na," sagot ni Jhake.

"Ako can you give me an orange juice. 'Yung low fat ah. At sandwich na rin katulad ng kinakain ni Jhake. Sige na at naiistorbo mo kami," aniya kaya naman tumalikod na ako.

"Yung low fat," sabi ko sa aking sarili habang gingagaya ko 'yung pagkasabi niya.

"Arte talaga."

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon