Chapter 10

537 15 6
                                    

"Hindi ka lang pala basta fake, manggagamit ka rin pala. Tama pala talaga ang kutob ko sa'yo. Manloloko na, manggamit pa."

“L-lexi,” wika ko nang makaharap na ako sa kanyang muli.

“Oh would you stop calling me that. Ang dapat tawag mo sa akin ay ma’am Lexi because you’re nothing but a poor girl who needs money that’s why your pretending,” aniya pero walang boses ang lumalabas sa bibig kk.

Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko dahil alam kong tama lahat ng sinasabi niya.

“So speak. You know, I’m correct kaya natahimik ka dyan.”

Kaya mo 'yan, Bea.

“Oo. Alam kong mahirap lang ako pero may paninindigan ako at prinsipyo. 'Yung mga sinasabi mo na fake lang ako, well pasensya na , dahil hindi totoo lahat ng binibintang mo sa akin.”

Magaling Bea at hindi ka nautal.

“Mauna na ko,” sabi ko at nagsimula na akong lumakad kaya lang ng nalampasan ko na siya ay hinawakan niya ang braso ko dahilan upang mapatigil ako.

"Tingin mo ay ganun-ganun na lang 'yun? Aalis ka na lang basta?"

"B-bitawan mo ko. nasasaktan ako," sabi ko at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Lexi, bakit mo sinasaktan si Bea?" sabi ni mama dahilan upang bitawan ako ni Lexi.

Bakas mo roon ang diin sa kanyang boses.

"Tita."

"Sagutin mo ang tanong ko," aniya habang nakatingin ng diretso kay Lexi.

"Sinagot-sagot lang naman n'ya ko kaya tinuruan ko s'ya ng leksyon."

"Hindi ka naman siguro niya sasagutin kung hindi mo sya pinagsalitaan ng masasakit na salita, di ba?"

"Still may karapatan naman siguro akong i-defend ang sarili ko?"

"Pero wala kang karapatan upang saktan siya 'tsaka isa pa ay hindi lang ikaw ang may karapatang i-defend ang sarili pati rin si Bea at 'yun ang ginawa n'ya."

"Wait. Bakit niyo kinakampihan itong babaeng ito? Hindi mo pa siya ganoon kakilala. Tita, I'm your son's fiancée," mariin ring wika ni Lexi.

"Pero asawa siya ni Jhake."

"Hindi niya pa napapatunayan. Bakit ba ganyan lang kayo kung magtiwala sa kanya? Well, I'm telling you tita, get rid of her bago pa kayo tuklawin ng ahas na inaalagan niyo!" sabi ni Lexi at padabog na umalis na.

"Are you ok?" tanong sa kin ni mama nang makalapit na siya.

"Opo. Salamat nga po pala sa pagtatanggol niyo sa akin. Hindi niyo po sana ginawa. Nagkagulo pa tuloy kayo ni Lexi."

"No problem, hija. Siya naman talaga ang may mali kaya tama lang ang ginawa ko."

"Sige po. Mauna na ko," paalam ko at aalis na sana.

"Ah teka. Ang marriage certificate ba ay nahanap mo na?"

"Opo. Ipapakita ko na lang po sa iyo mamaya o bukas."

"Ok. Basta I need that para patunayan na kinasal nga kayo," aniya at ngumiti kaya nginitian ko na rin lang siya ng maliit.

****

"So ano na ate? Nakahiram ka ba ng pera?"

"Oo."

"Ganun naman pala pero bakit parang malungkot ata?"

"Nandun kasi si Lexi at sinabihan niya ko ng kung anu-ano."

"Ano? Nasaan na ang babaeng 'yun at ng masabunutan ko?"

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon