Chaper 28

331 18 4
                                    

Jhake's POV
Nasa veranda ako ngayon ang nagbabakasa ng dyaryo. Napatigil ako sa pagbabasa ng biglang dumating na naman si Lexi at umupo siya sa tabi ko.

"If this is about the wedding, please Lexi. Stop it," matigas kong sipi habang nagbabasa pa rin ng newspaper.

"Yeah yeah. I know and I respect your decision. Sa totoo lang nagpunta ako dito dahil sa ibang rason."

"At ano naman 'yun?" bored kong tanong rito habang nagpapatuloy pa rin sa pagbabasa.

"This is about Daniel and. . . . . Bea," nang marinig ko ang kanyang tinuran ay agad akong napalingon sa kanya.

"Ano na naman ang sasabihin mo?"

"Well kahapon kasi ay nakita ko lang naman silang magkasamang nagtatawanan sa isang park. Do you think that there is something going on between the two of them?" tanong nito kaya naman bumalik na lamang ang tingin ko sa dyaryo pero hindi ako makapagbasa ng maayos ngunit hindi ko na lamang ito pinapahalata sa kanya.

"Ano naman ngayon? Anong pakielam ko sa kanila?"

"Come on Jhake. Kapatid mo si Daniel and Bea is your pretend wife. Don't let that girl na pati ang kapatid mo ay gamitin niya para umangat siya. Gaano ba kakapal ang mukha niya at sa sarili mo pa talaga siyang kapatid sumisipsip ngayong nabuking na siya."

"That's what poor people do. Ginagamit ang mga mayayaman para sa sarili nilang benefits," ika nito habang umiiling iling pa ako naman ay tumayo na nga at aalis na sana.

"Saan ka pupunta?"

"Sa kwarto. Matutulog," sipi ko at iniwan na nga siya roon at dumiretso na  ako sa kwarto ko.

Sinalampak ko ang sarili ko sa kama at nang makahiga na ako ay pinikit ko ang aking mga mata.

Sa pagpikit ko ay dun ko nakita ang nakangiting mukha ni Bea kaya agad ko naman itong iminulat.

Bakit pa pumasok sa isip ko ang ngiting iyon?

Ipinikit ko muli ang mga mata ko at parehas na mukha ang nakita ko ngunit ngayon ay umiiyak na siya. Napakaganda niya pa rin kahit umiiyak pero hindi tama itong nakikita't naiisip ko.

Iminulat ko muli ang aking mga mata at sinabunutan ang aking sarili.

Bakit ba hindi mawala wala sa isipin ko ang mukha ng babaeng 'yun?

Niloko niya ako pero ano 'tong nararamdaman ko?

Hindi ko dapat nararamdaman ito. 'Yung makaramdam nang pangungulila sa babaeng minsa'y niloko at sinaktan ako.

Hindi rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Lexi kanina. Totoo ba na masayang magkasama si Daniel at Bea?

Si Daniel naman ba ang bibiktimahin ni Bea?

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin at maramdaman. Ni hindi ko nga maintindihan sa sarili ko kung bakit ko ito nararamdaman.

Minabuti kong itulog na lamang ito at baka paggising ko ay hindi ko na iyon maiisip.

Baka bumalik na naman si Jhake Bustamante sa dati. 'Yung Jhake na hindi pa nakikilala ang isang Bea Cruz at umiikot pa ang mundo niya sa kasintahang si Lexi Castillo.

Bea's POV
Hindi ko napansin pero madaling lumipas ang mga araw. At sa paglipas na iyon ay madalas kong kasama si Daniel.

Katulad ngayon, kasama siya dahil sa day off ko naman at minabuti kong magrelax na muna kaya kasalukuyan kaming naglalakad lakad dito sa gilid ng Manila bay.

Minsan nagtataka ako kungg bakit pa niya ako sinasamahan pero siya na rin ang nagsabi na magkaibigan kami kaya naman binalewala ko na lamang ang pagtataka ko.

Napatigil kami sa paglalakad lakad dahil sa magandang paglubog ng araw. Napakaganda talaga ng sunset. Isang napakagandang view at siyang nakakapagrelax talaga.

"Ang ganda talaga ng paglubog araw," ani ko.

"Tama ka ngunit sa bawat paglubog ng araw ay siyang pagsinag naman nito sa umaga. Lumulubog man siguradong matatanaw pa rin," aniya kaya naman napangiti na lamang ako.

Mga ilang minuto ay walang nagsasalita sa amin ngunit nakatingin pa rin kami sa papalubog na araw.

"Bea may gusto sana akong sabihin sa'yo," aniya kaya naman napaharap ako sa kanya.

"Ano 'yun?" magsasalita na lamang siya ng may isang pamilyar na boses ang tumawag kay Daniel.

At ang boses na 'yun ay galing sa peke kong asawa.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon