Chapter 8

616 18 3
                                    

“Ikaw,” sabi ko sa kanya habang nakaturo pa ang hintuturo sa kanya.

“Ako?” sabi niya habang nakaturo pa ang hintuturo niya sa sarili.

“Oo, ikaw. Anong ginagawa mo dito?” Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.

She was the girl I bumped at before.

“Ah. . .”

“Dito na siya nakatira Daniel,” biglang pumasok si mama sa kusina at sinabi ang mga katagang iyon.

“Ha? Bakit? Paano?”

“Simple lang, kasi asawa siya ni Jhake.”

“ Paano nangyari 'yun? Di ba nga dapat si Lexi ang papakasalan ni Jhake?” Tanong ko habang nakatingin kay mama na siyang nasa tabi na nang babae.

“Hindi ko rin alam pero naniniwala ako na asawa nga siya ni Jhake.”

“Ok. Kung asawa nga siya ni Jhake ay ayos lang na dito siya tumira."

Ibanaling kong muli ang atensyon sa babas. "Daniel,” wika ko tapos ay nilahad ko ang kamay ko.

“Bea,” aniya at nakipagkamay sa akin.

“Sige.. Mauna na ko. Ma, Bea,”  sabi ko at umalis na doon.

Si Jhake magkakaroon ng asawa maliban kay Lexi?

Imposible!

Mahal na mahal nun si Lexi at isa pa ba’t naman niya itatago sa amin kung nag-asawa talaga s'ya?

There's something off and I need to discover it.

Bea’s POV
Patuloy pa rin akong nakatingin sa kung saan naglakad si Daniel kahit hindi ko naman na siya nakikita.

“Naku, kapatid 'yun ni Jhake,” ani mama na siyang dahilan upang mabaling ang atensyon ko sa kanya.

“Ganun po ba.”

“Oo nga pala at ipag-sho-shopping ko pala kayo ng kapatid mo,” nakangiti niyang wika.

Dumaloy ang konsensya sa akin.

“Naku! Huwag na po,” saad ko habang umiiling.

“Ano ka ba! Ok lang 'tsaka konti lang naman ang dala niyong damit eh.”

“S-sige po. Tawagin ko lang ang kapatid ko.”

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa isa sa pagma-may-ari nilang mall sa bansa.

“Isukat mo rin ito. At ito rin. Eto pa pala,” sabi ni mama habang nilalagay sa cart ang mga damit na nagugustuhan niya

Pagkatapos ay inumpisahan ko nang sinukat ang mga damit.

“Beautiful. Bagay na bagay sa'yo,” aniya habang suot-suot ko ang isang puting off-shoulder dress.

“S-salamat po,” mahina kong usal.

Maya-maya pa ay pumalakpak siya upang kunin ang atensyon ng mga tao sa paligid.

“May I get the attention of everyone,” sabi ni mama tapos nagsitigil naman sila kung ano man ang ginagawa nila.

“This girl standing in front of you is none other than the wife of my eldest son, Jhake Bustamante, so please respect her as you respect me and my son,” sabi ni mama ar nagsimula nang magbulungan ang iba sa kanila. Ang iba naman ay nakatingin sa akin na may bakas ng pagtatakha.

“Asawa siya ni sir Jhake? Pero paano?” rinig kong tanong nung isa sa katabi niya.

“Oo nga. Di ba dapat si ma’am Lexi ang papakasalan ni sir kaya lang naaksidente si sir.”

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon