Chapter 25

349 18 5
                                    

Jhake's POV
Simula nung nadisgrasya ako ay may pamilyang tumulong sa akin.

Pagmulat ko ng mata ko ay dun ko nakita ang isang babaeng may edad kwarenta isingko na ata.

"Sino ho kayo?"

"Ako si Lorna. Nakita ka ng anak ko sa may kakahuyan. Maaring nahulog ka. Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Hindi ko alam."

"HIndi mo alam? May naalala ka ba tungkol sa sarili mo? Magulang? Adress?" sunod sunod na tanong nito pero isang iling lamang ang sinagot ko rito.

"Maaring dito ka muna habang wala ka pang maalala."

Simula nga nun ay dun muna ako sa kanila nakatira. Paunti-unting may bumabalik na ala-ala sa akin hanggang sa dumating ang araw na naalala ko na nga ang lahat.

Agad akong natungo sa mansyon at dun ko nasaksihan si mama na kasama si Bea.

Nang makalabas na sila ay agad akong nagtago.

""Mabuti pa ay ibili kita at ang kapatid mo ng mga bagong gamit."

"Naku! Huwag na po at nakakahiya naman."

"Sus. Huwag ka ng mahiya Bea at asawa ka naman ng anak ko. Halika na," saad ni mama at naglakad na nga ito at sumunod naman na si Bea.

"Asawa?" taka kong bulong sa sarili ko.

Gusto kong malaman kung talagang asawa ko ba talaga si Bea.

Hindi muna ako bumalik sa mansyon at nagpakita sa kanila dahil hindi pa malinaw ang lahat sa akin hanggang sa dumating sa puntong hindi ko maalala na naging asawa ko siya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ako ni mama kaya naman pinauwi na niya ako.

Nagpanggap ako na walang naalala dahil sa gusto  kong malaman ang dahilan ni Bea kung bakit kailangan niyang lokohin kami.

Ngayon alam ko na ang dahilan niya. Naiintindihan ko siya ngunit hindi sapat ang dahilan niya upang lokohin niya kami.

"Grabe talaga ang Bea na 'yun Jhake. Sinabi ko naman kasi sa inyo na hindi talaga mapagkakatiwalaan ang babaeng 'yun. Tingnan niyo tuloy at niloko kayo. Wala na siyang patawad. Naging mabuti naman kayo sa kanya pero ginamit lang niya kayo para lang makaranas siya ng masarap na buhay. Napakagold digger talaga. Manloloko at sinungaling pa."

"Pwede ba Lexi tama na." Mariin kong wika.

"Bakit ba ako ang sinasabihan mo niyan? Ako 'yung tama dito pero siya ang pinanigan mo hanggang ngayon ba naman na alam mo ng ako ang nagsasabi ng totoo siya pa rin ang pinapanigan mo?"

"Lexi alam ko naman na nagpauto lang kami sa babaeng 'yun pero pwede ba tumigil ka na at rinding rindi na ako."

"O'sige. Ako na naman ang mali. Bahala ka nga," saad nito at umalis na kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.

Bea's POV
Napaupo na lamang ako sa sahig habang umiiyak dahil sa bigat ng  nararamdaman ko. Mugtong mugto na ang mata ko dahil sa kakaiyak ko kanina pa pero wala akong pakielam.

Masakit pala talaga pagdumating na sa panahon na galit galit na sa'ayo  ang mga taong pinahalagahan mo at ang taong mahal ko dahil sa pagkakasala kong ginawa.

"Ate tama na. Tumayo ka na diyan. Ate naman eh."

"Hindi ko kaya Barbie. Hindi ko kaya."

"Kaya mo ate. Mali man sa mata ng iba pero para sa akin ay napakahalaga ng ginawa mo."

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon