"Um... Bea?" Wika niyang muli nang hindi ako nagsalita."Ha? Ah o-opo.."
"Well, pwede ko bang makita para magkaroon naman ng ebidensya na kasal kayo ni Jhake at nang maniwala na rin si Lexi."
"Ah, s-sige po at hanapin ko mamaya," sabi ko at naglakad na ako paalis. Tumungo ako sa silid ng aking kapatid.
"Oh ate, anong nangyari sa'yo?"
"Barbie, hinihingian ako ni mama ng marriage certificatte. Patunay na kasal talaga ako kay Jhake."
"Patay tayo dyan."
"Yun na nga eh. Ano ang dapat kong gawin?" Natataranta ko nang saad.
"Ano bang sinabi mo?"
"Ang sabi ko ay hahanapin ko sa bahay."
"Ang tanong ay saan naman tayo kukuha ng marriage certificate na 'yan?" wika ni Barbie nang biglang nagliwanag ang kanyang mukha.
"Alam ko na." Wika niyang muli.
"Saan?" Tanong ko at nginitian niya lang ako.
Lexi's POV
Pagdating ko sa bahay ay agad akong sumalampaksl sa kulay cream naming sofa rito sa sala."Kaimbyerna talaga ang babaeng iyon! Ang sarap ihampas sa lupa."
"Lexi, huwag naman," saad ni Joyce na siyang nakaupo sa loveseat at agad ko siyang tiningnan nang matalim.
"Huwag mong sabihin na kakampi ka sa babaeng 'yun?"
"Of course not. It's just...hampas lupa na nga siya, ihahampas mo pa sa lupa. Maawa ka naman."
"Well, you have a point about that pero dapat lang talaga 'yun sa kanya. Isa siyang fake! Pretender! And a liar!"
"Lexi dear, how sure are you na fake nga ang Bea girl na 'yun?"
"Matalino ako. I know how to distinguish fake from real and that girl, I'm sure she's a fake. Pera lang ang habol ng babaeng 'yun sa pamilya Bustamante."
Bea's POV
Nagpunta ako sa recto upang kunin na ang pinagawa kong pekeng marriage certificate. Pakatapos kong makapagbayad at kunin iyon ay agad na akong lumabas pero sa paglabas ko ay may nakabangga akong babae. Humingi siya sa akin ng tawad at naunahan niya akong kunin ang marriage certificate."Peke ang kasal niyo ni sir Jhake?" Aniya dahilan upang manlaki ang mata ko at agad kong kinuha ang pinagawa kong marriage certificate.
"Ma'am Bea, sinasabi ko na nga ba't imposible na magpakasal si sir gayung mahal niya ang maldita niyang nobya," aniya na may ngiti sa kanyang labi.
"Nakikiusap ako. Wala kang pagsasabihan ng kahit sino."
"Madali naman akong kausap. Bigyan mo lang ako ng cincuenta mil ay ayos na sa akin."
"Cincuenta mil!" Napalakas na saad ko dahilan upang magtinginan sa amin ang mga tao.
Agad ko siyang hinatak sa gilid upang walang ibang makakarinig sa aming pinag-uusapan.
"Nababaliw ka na ba? Napakalaking halaga naman ng hinihingi mo."
"Barya lang iyon para sa mga Bustamante. Ano? Bibigyan mo ba ako o sasabihin ko kay ma'am Corazon ang nalalaman ko," aniya dahilan upang mapapikit na lang ako.
"Oo na. Bibigyan kita."
"Salamat. Madali ka naman palang kausap."
Pagkatapos noon ay agad kaming nagpalitan ng numero ni Pia na siyang nagtratrabaho pala sa mga Bustamante.
***
Pagdating sa mansion ay namomroblema pa rin ako kung saan ako kukuha ng ganun kalaking pera."Saan naman ako kukuha ng cincuenta mil?" Tanong ko habang patuloy sa paglalakad dito sa aking kwarto.
"Bakit hindi ka na lang humingi kay tiya Corazon?" Suhestiyon ni Barbie na agad ko namang inilingan.
"Ayoko. Niloloko na natin sila, ayaw kong pati sa pera ay humingi ako sa kanya."
"Pero ate wala naman na tayong ibang pwedeng pagkuhanan niyan. Kahit pa mangutang tayo ay walang magpapautang sa atin na ganoon kalaking halaga," saad ni Barbie dahilan upang mapabuntong hininga ako.
Mukhang wala na nga talaga akong ibang magagawa.
***
Agad akong nagtungo sa kompanya ng mga Bustamante at pinuntahan si mama Corazon sa kanyang opisina pero bago ako nakapunta roon ay nakasalubong ko si Daniel."Oh Bea? Anong ginagawa mo rito?"
"Um ano kasi... Gusto ko kasi sanang puntahan si m-mama," kinakabahan kong wika.
"Anong kailangan mo sa kanya bago kita dalhin sa kanya?"
"Ano kasi eh. Kailangan ko lang kasi ng pera kaya manghihiram lang sana ako."
"Para saan naman ang perang 'yun?"
"Ah may utang kasi ako eh at kailangan ko ng bayaran pero kung ayaw mo kong samahan ay ok lang naman."
"Paano mo nahulaan na ayaw kitang samahan?" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya nang diretso.
"Gusto ko kasi ay ako na ang tutlong sa iyo. Magkano ba ang kailangan mong pera?" Wika niyang muli habang nakangiti.
"50, 000 pero huwag kang magalala, kapag nagkaroon ako ng sobrang pera ay babayaran kita."
"It's nothing. Ano pa't asawa ka ng kapatid ko? Pamilya tayo, di ba? Kaya ok lang kahit huwag mong bayaran. Ibibigay ko na lang sa iyo mamaya sa bahay. Magwi-withdraw pa kasi ako," sabi niya.
"S-salamat. Pero huwag ka talagang mag-alala dahil babayaran talaga kita."
Tumango siya. "Kung iyan ang nais mo. Mauna na ko at may trabaho pa kasi ako eh."
"Sige," sabi ko habang nakangiti tapos umalis na siya. Ako naman aalis na sana pero bago pa ko makapaglakad ay nakarinig ako ng boses.
"Hindi ka lang pala basta fake, manggagamit ka rin pala. Tama pala talaga ang kutob ko sa'yo. Manloloko na, manggamit pa."
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomanceWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...