Chapter 31

289 19 4
                                    

Jhake's POV
Nasa sala ako ngayon at kasalukuyang nagbabasa ng magazine ng biglang dumating si Lexi.

"Where have you been kahapon? Pinuntahan kita sa office mo pero sabi ng sekretarya mo ay wala ka naman doon," aniya at umupo na nga sa tabi ko.

"Sa totoo lang ay pinuntahan ko si Bea."

"What?! Bakit mo naman siya pinuntahan?"

"Pinakiusapan ko siya na layuan niya si Daniel."

"Hindi mo naman dapat ginawa 'yun. You should not bother to talk to her."

"Lexi kung siya na naman ang pag-aawayan naman tama na muna. Hinding hindi na ko mabibitag muli sa kanya."

"Kahit pa gawin niya lahat para lang makuha ka niya sa akin?" tanong nito kaya naman tumango na lamang ako.

"Thank you for assuring me that no matter what happens you will chose me over that pathetic girl," aniya at yumakap na nga sa akin.

Wala na akong nagawa kundi gumanti din ng yakap.

Bakit hindi ko na nararamdaman 'yung nararamdaman ko tuwing niyayakap ako ni Lexi noon?

Ano ba talaga ang ibig sabihin nito?

Lexi's POV
Pumunta nga ako sa coffee shop kung saan nagtratrabaho si Bea. Halatang paalis na siya kasama ang isa pa niyang kasamang babae.

"Bea can we talk?" tanong ko rito pero tiningnan lamang ako nito ng may pagtataka sa kanyang mga mata.

Maya maya ay ibinaling niya ang kanyang tingin sa kasama niya at pinauna na ito.

"Anong kailangan mo?"

"Ok. I will get straight to the point. Stay away from my fiancé."

"Bakit mo ko inuutusan? Huwag mong sabihin na natatakot na baka iwanan ka ni Jhake para lang sa akin?" aniya pero isang malutong na tawa lamang ang isinagot ko sa kanya.

"Ako? Matatakot? Sa isang katulad mo? Dream on."

"Eh bakit ka pa nagsasayang ng oras para kausapin ako?"

"Because I don't know kung ano pang gagawin mo para mapaghiwalay kami ni Jhake," sipi ko pero hindi ito nagsalita.

"I get it. You need money. Magkano ba kailangan mo?"

"Ganyan ka ba kadesperada?"

"Not exactly. Ano? Magkano?"

"Kahit ilang milyon pa ang ibigay mo sa akin kahit kailan hinding hindi mo ko mabibili."

"Oh really? Di ba nga nagpanggap ka bilang asawa ni Jhake para sa pera?"

"Wala ka na bang ibang linya Lexi? Sa totoo lang narinig ko na kasi 'yan."

"Fine. Kung ayaw mong tanggapin di huwag but I'm warning you huwag na huwag mo kong kakalabanin dahil isang malaking pader ang babanggain mo pagnagkataon," I said at tumalikod na nga ako sa kanya at nagsimula ng maglakad.

"Isang malaking pader nga Lexi pero punong puno naman ng lumot," rinig ko pang sabi niya pero hindi ko na lamang ito inintindi.

Wrong choice Bea.

Wrong choice.

Bea's POV

"Bagay na bagay talaga 'yung dalawang 'yun parehas mga mata pobre at mapanghusga sa tao."

"Ate si Lexi lang naman. Si Jhake nagawa niya lang naman 'yun kasi galit siya sa'yo."

"Kahit na. Parehas silang dalawa. Akala nila mabibili nila ko. Mahirap lang tayo Barbie at minsan ng nagkamali pero hindi ibig sabihin nun na pwede nila tayong ganun ganunin na lang."

"Ano? Binabayaran ka ni Jhake?"

"Daniel. Anong ginagawa mo dito?"

"Binibisita ko lang sana kayong dalawa ni Barbie."

"Sus. Si ate man lang 'yung binibisita mo eh," bulong ni Barbie.

"Sagutin mo ko? Bakit ka binabayaran ni Jhake?"

"Ano ba Daniel? Hindi naman mahalaga 'yun eh."

"Gusto kasi ng kuya mo na layuan ka ni ate pero syempre di naman tinanggap ni ate 'yung pera."

"Ganun ba talaga siya kawalang hiya at akala niya kaya niyang bilhin ang pagkatao mo?"

"Hayaan mo ba lang Daniel."

"Hindi pwede Bea ang ginagawa niya sa'yo. Kailangan matuto siya ng leksyon niya."

"Anong gagawin mo? Daniel naman hayaan mo na lang siya. Ayokong lumaki pa ang gulo."

"Sige. Pero susunod na mangyari 'to hindi ko na mapapalampas ang gagawin niya," sipi nito kaya naman tumango na ko.

"Ate bibili lang ako ng konting rekado sa palengke. Kulang kasi 'yung rekado natin panluto eh."

"Ah sige."

"Samahan na kita Barbie," anyaya ni Daniel.

"Naku hindi na. Hindi naman ako magtatagal," aniya kaya tumango na lamang si Daniel at umalis na nga si Barbie.

"Narinig ko rin kanina na binibayaran ka rin ni Lexi."

"Oo nga eh."

"Para naman saan?"

"Para daw layuan ko si Jhake. Nakakatawa nga 'yung dalawang 'yun. Si Jhake sabi layuan daw kita ito naman na si Lexi layuan ko daw si Jhake."

"Pumayag ka."

"Syempre hindi noh. Mahirap lang kami pero marunong akong manindigan sa prinsipyo ko. Nabali nga lang 'to minsan pero handa pa naman akong bumawi."

Marami rami na rin kaming napagkwentuhan ni Daniel pero hindi pa rin dumadating si Barbie.

"Nasaan na kaya si Barbie?"

"Tawagan mo kaya."

" Wala naman cellphone 'yun."

"Hahanapin ko na lang," aniya at akmang lalabas na ng biglang pumasok si aling Ising, isa sa kapit bahay naming at halatang nagmamadali ito.

"Aling Ising bakit po?"

"Si Barbie na hit and run."

Gumuho ang mundo ko dahil sa aking narinig.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon