Nag-a-almusal kami ngayon, kasama ko si Jhake, mama at Daniel dito sa mesa.
"Dapat siguro Daniel ay ipasyal mo si Jhake sa kompanya."
"Ba't ako?"
"Sinong inaasahan mong magpapasyal sa kapatid mo? Ako?" sabi ni mama Corazon habang si Daniel naman ay napakamot na lang sa kanyang ulo.
"Ok lang ma. Siguro sa susunod na lang ako magpupunta sa kompanya," saad ni Jhake.
"Anong balak mong gawin ngayong araw?" tanong ni mama at tumingin sa akin si Jhake.
"Balak ko pong makipagbonding kasama ang aking asawa. Alam niyo na, puntahan namin ang napuntahan na namin dati upang makatulong na makabalik ang ala-ala ko at para na rin mas makilala ko ang aking asawa. Hindi ba, Bea?" aniya at tumingin naman siya sa akin.
"Ah oo."
"Napakagandang ideya," nakangiting wika ni mama.
Patuloy lang kami sa pagkain hanggang sa matapos na rin.
****
"Saan tayo pupunta, Jhake?" tanong ko sa kanya habang siya ay diretso ang tingin sa daan habang nagmamaneho.
"Ah kung saan mo gusto."
"Pwedeng punta muna tayo sa isang foundation."
Tumingin siya sa akin. "Bakit?"
"Nais ko kasing magbigay donation sa mga nasalanta ng bagyo eh," saad ko.
Kama-kailan lang kasi ay sinalanta ng isang super typhoon ang Pilipinas. Ngayon na may kakayahan na akong tumulong, ay nais kong sulitin ito.
"Sige." Tumango siya at ngumiti. "Ngayon ay alam ko na kung bakit kita pinakasalan at minahal."
"M-mahal?"
"Oo. Hindi naman siguro ako magpapakasal sa babaeng hindi ko mahal pero masaya ko dahil may busilak kang puso at handa kang tumulong sa iba."
"Naranasan ko na kasi ang mabuhay sa isang mapagmalupit na mundo kaya gusto kong makatulong man lang sa iba dahil alam ko ang pakiramdam ng mga nararanasan nila."
"Tunay ngang pinahanga mo ko, aking asawa."
Namili kami ng mga i-do-donate at after namin nun ay pumunta na kami sa isa sa sikat na foundation sa bansa.
Nasa loob na ulit kami ng sasakyan.
"So saan na tayo pupunta Bea?"
"Saan nga ba? Hmm. Gusto ko magshopping."
"Saang mall?"
"Anong mall? Gusto kong magshopping sa ukay-ukay"
Kumunot ang noo niya, "at saan naman 'yun?"
"Halika. May alam ako," sabi ko at binuksan na ang pinto ng kotse at hinila si Jhake.
"Hey, saan mo ba ko dadalhin?"
"Tulad ng sinabi ko ay maguukay-ukay tayo."
Makalipas ang ilang minuto nang paglalakad at paghila kay Jhake ay nakarating na rin kami sa aking paboritong ukay-ukay na siyang hindi naman malayo sa foundation na pinuntahan namin.
Mura lang ang mga damit sa ukay-ukay kaya dito kami bumibili ni Barbie ng mga damit namin.
"O Bea isang taon ka na hindi nadalaw dito sa ukay-ukay ko," nakangiting wika ni aleng Trining.
"Oo nga po eh."
"Sino naman 'yang kasama mong gwapong lalake?" tanong ni aleng Trining ng may pang-asar pang tono.
"Asawa po niya ako," magalang na sagot ni Jhake.
"T-talaga? Ikaw naman Bea kaya pala hindi ka na napapasyal eh nakabingwit ka pala ng isang malaking isda. At bagay kayo ah," aniya habang pinapapalo pa ang braso ko.
"He he he," nahihiya kong tawa.
Ikaw ba naman sabihang bagay daw kayo ni Jhake. Sino ang hindi ma-fla-flatter dun?
"Oh sige Bea at Mr?"
"Jhake po."
"Kaano-ano mo si Grace Poe?" tanong ni manang habang si Jhake naman ay nagtaka.
"Ikaw naman, hijo. Hindi na mabiro."
"Ah."
Sus, ngayon lang na-gets ni Jhake.
Ang talino, slow naman pala. TSS.
Nagsimula na kaming mamili ng damit.
"Ito. Bagay sa'yo, Bea," sabi ni Jhake sabay pakita ng pangmatandang damit.
"Ah ganun. Ito nga oh, bagay na bagay sa'yo," sabi ko naman sabay pakita ng pink na swim suit.
"Ah ganun," sabi nito at binitawan niya ang hawak niya at kinikiliti ako.
"Ayaw kong istorbohin ang paglalabing-labing niyo diyan Bea kaya lang may bibili ring iba eh. Ipagpatuloy niyo na lang yan sa kwarto," sabi ni aleng Trining at may ngiti pang nanunukso.
"Aleng Trining naman eh," ngawa ko rito.
After namin sa ukay-ukay ay next stop ay sa isang karinderya malapit din.
"Mahilig ka rin pala sa karinderya?" tanong sa akin ni Jhake.
"Malamang. Laking hirap ito oh. Ikaw, ba't parang ayos lang sa'yo dito tayo kumain? Alam mo na, unang reaksyon ng mga mayayaman."
"Bea, baka nakalimutan mong nawala ako ng isang taon at namuhay akong ordinaryong tao kaya syempre nakakain na rin ako sa isang karinderya."
Oo nga naman, Bea. Ba't hindi mo 'yun naisipan?
Ang tanga-tanga mo talaga!
"Ano ka ba! Hindi ka tanga," aniya dahilan upang mapatingin ako sa kanya nang nanlalaki ang mata.
"Nababasa mo ang iniisip ko?"
"Hindi."
"Eh ba't alam mo?"
"Sa ang lakas ng bulong mo "
What?
Akala ko sa isip ko lang 'yun. Naisabi ko pala.
"Ito na po," sabi nung babae at binigyan kami ng pansit.
"Hmm sarap. Matagal-tagal rin bago ako nakakain nito," saad ko habang nilalanghap ang amoy ng pansit.
"Na-mi-miss mo siguro ang dati mong buhay 'no?"
"Oo naman kaya lang kung papipiliin ako kung 'yung dati o ngayon, syempre ang ngayon na lang ang pipiliin ko. Hindi ko na problemahin ang babayaran, ang kakainin namin sa araw-araw, ang tuition ni Barbie at mga kung ano-ano pang gastusin. Kung ako lang sana ay keri king maghirap pero ang inaalala ko ay ang nag-iisa kong kapatid."
"Handa ka talagang gawin kahit ano para lang sa kappatid mo 'no?"
"Oo naman. Siya ang naging dahilan kung bakit buhay pa ko ngayon. Nung namatay ang magulang namin noon, gusto ko na ring sumunod sa kanila kaya lang paano si Barbie. Hindi pwedeng basta-basta ko na lang siyang pababayaan. Ate niya ko kaya responsibilidad ko siya."
Namatay din kasi sa aksidente ang magulang namin nang elementary pa lang kami ni Barbie. Grade six ako ng panahong iyon.
"Dumating ba sa puntong nakaya mong gumawa ng mali para lang sa kapatid mo?" tanong nito kaya napatingin ako sa kanya. Siya naman ay diretso rin ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomanceWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...