Chapter 46

258 15 4
                                    


"Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?" sigaw ni mama kaya naman may mga gwardya na rin at pinipilit na paalisin si Bea.

"Jhake pasensya na kung hindi kita naipaglaban dati ngayon heto ako ngayon. Jhake mahal na mahal kita," sipi ni Bea habang pilit siyang pinapaalis.

"Bea," mahina kong usal.

"Jhake alam ko ayaw mong matali na lang habang buhay sa isang pagsasamang hindi naman totoo. Ano ba bitawan niyo nga ako? Jhake," wika niya at tuluyan na nga siyang nawala sa paningin namin.

"Please don't leave me Jhake. I need you," ani Lexi kaya tumingin na lang ako sa kanya at nakita ko sa kanya ang nangungusap na mga mata.

"Sige na po father. Ituloy niyo na po ang kasal," sipi ni mama pero patuloy pa rin akong nakatingin kay Lexi.

"I'm sorry pero Lexi but I really love her at handa akong harapin ang lahat ng consequences makasama ko lang siya," sipi ko at iniwan na siya roon. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na ito pinansin sa halip ay hinanap ko si Bea.

"Bea! Bea!" tawag ko as kanya pero hindi ko siya mahanap.

Nang tumigil ako ay napabuntong hininga na lamang ako at napapikit.

Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay napatingin ako sa aking kanan at laking tuwa ko nang makita ko roon si Bea.

"Bea," tawag ko rito kaya naman natawag ko ang kanyang pansin at tumingin sa akin.

Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mata at tinawag ako.

"Jhake," aniya at tumakbo na nga papalapit sa akin at niyakap ako kaya gumanti na rin ako ng yakap.

"Natuloy ba ang kasal mo?" malungkot na tanong niya ng humiwalay na kami sa isa't isa.

Hinawakan ko ang kanyang dalawang pisngi at masasabi kong masyadong malapit ang mukha namin.

"Nandito ba ako ngayon kung natuloy ang kasal," nakangiti kong saad.

"Walang hiya kang babaeng ka," rinig kong sipi ni mama kaya naman napahiwalay kami ni Bea pero hinawakan ko pa rin ang kamay niya.

"Hindi ka na nahiya. Hindi mo lang kami niloko, sinira mo pa ang kasal ng anak ko. Hindi ka ba naawa kay Lexi. Tingnan mo siya. Tingnan mong maigi," saad ni mama at kitang kita ko ang ka-awa awang si Lexi habang nahimatay.

Bakas rin ang luha't pawis niya.

"Masaya ka na ba? She experienced this before. Do you know how much pain she is undergoing right now?"

"Ma, hindi kasalanan ni Bea ang lahat."

"Maybe it's not maybe it's really your fault Jhake. Kasalanan mo na nasasaktan siya ngayon. Hindi ko alam na ganyan ka pala namakasarili."

"All my life I am living in a world full of expectations. Buong buhay ko inisip ko ang mararamdaman niyo pero please kahit ngayon lang isipin niyo rin naman ang mararamdaman ko."

"Hindi ako makakapayag na sa ganyang babae ka mapupunta."

"Well then sorry, ma," sipi ko at inakay ko na nga si Bea papunta sa kotse ko at dun ko na pinaharurot ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa bahay niyo."

"Bakit?"

"I guess dun muna ko matutulog. Ayokong umuwi ngayon."

"Pwede ka naman sa hotel. Nakakahiya kasing matulog ka sa napakasikip na lugar."

"Ayos lang basta kasama kita," sipi ko at kahit sa peripheral view ay nakita kong nakangiti siya.

"Uy napangiti ko siya."

"Hindi kaya."

"Sige deny pa." Wika ko at napailing na lamang siya.

Lexi's POV
Binuklat ko na ang aking mga mata at nakita ko na nasa kwarto na ako.

"Mommy si Jhake?"

"Anak umalis na si Jhake kasama 'yung Bea."

"No! Hindi ako pwedeng iwan ni Jhake. Magpapakamatay ako mommy pag hindi siya bumalik sa akin."

"Lexi kay Jhake lang ba umiikot ang buhay mo? Hindi lang naman si Jhake ang pwedeng magmahal sa'yo."

"Bakit? Kayo? Mahal niyo ba ko?"

"Of course Lex. Mahal kita, anak kita eh."

"Bakit hindi ko naramdaman? Puro na lang trabaho ang iniisip niyo nakalimutan niyo na may anak kayo. Si Jhake, he's always there nung kailangan ko siya. Siya 'yung lalake na mamahalin ko habang buhay."

"Nasaan na siya? Ipinagpalit ka na niya Lexi. Get a hold of yourself. Palayain mo na siya. Ginawa mo na lahat. It's enough." Mariim niyang wika pero umiling lamang ako.

"No. Sa akin lang si Jhake kahit anong mangyari. Babalik siya sa akin. Alam ko 'yun, ramdam ko," sipi ko at humiga ulit at tinalikuran siya.

Bea's POV

"Ate, Jhake narito na pala kayo?"

"Dito muna siya matutulog."

"Live in kayo ganun?"

"Hindi Barbie. Makikitulog muna siya."

"Isa pa Barbie pinapangako ko. Pagnatapos na 'to lahat papakasalan ko ang ate mo."

"Kinikilig naman ako sa inyong dalawa. Halika na nga para makakain na tayo," sipi ni Barbie.

***

"Sa kwarto ka na lang matulog."

"Kayo ni Barbie saan?"

"Dito na lang sa sala."

"Hindi naman ata pwede 'yun. Ako ang makikituloy kaya ako dapat ang sa sala matulog."

"Pero wala kang matutulugan dito. At least sa kwarto may kama."

"Wala ka bang tiwala sa akin na hindi ko kayang matulog sa papag?"

"Hindi naman sa ganun, alam ko kasing hindi ka sanay. Baka hindi ka makatulog eh."

"Ako na talaga ang matutulog dito. No more arguments dahil magagalit ako sa'yo."

"Sige na nga," saad ko habang bumigay na nga sa gusto niya.

Daniel's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Jhake.

Ganun ganun na lang 'yun. Bigla na lang siyang aalis at sasama kay Bea.

"Bakit Jhake? Bakit mo kinukuha lahat ng gusto ko? Lahat ng mahal ko? Bakit lahat napupunta sa'yo at ako naitsepwera na lang. Dapat hindi ka na lang nabuhay. Nagawa na kitang pagtangkaang patayin noon pero ngayon sisiguraduhin ko na mamatay ka na talaga."

"Sino ang mamatay?" I froze when I heard my mother's voice.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon