Chapter 36

307 18 3
                                    

Jhake's POV
Gusto ko sanang magpahangin at sa may pool ko sana gagawin 'yun pero sa pagdating ko roon ay agad akong tumakbo sa pool at agad na lumusong rito.

Nang mahawakan ko na si Bea ay hindi ko na siya hinayaan pang makawala at iniahon ko na nga siya sa pool.

Nang maiahon ko na siya ay agad kong pinump ang sa may chest niya at pinag-CPR pero wala pa rin.

Isi-CPR ko sana ulit siya ng biglang may humigit sa akin palayo kay Bea. Ginawa rin ni Daniel ang ginawa ko kanina pero katulad ng kanina ay hindi rin gumising si Bea.

Inulit niya ito at sa pagkakataong ito ay umubo-ubo na nga si Bea dahilan upang mailabas na ang mga tubig na pumasok sa kanya galing sa pool.

"Bea, ok ka lang?" tanong ni Daniel rito.

"O-oo naman."

"Aishhh. Kaya mo bang tumayo?"

"Oo naman. Hindi ako baldado noh," ani Bea at sinubukan na nga niyang tumayo pero sa pagsubok niyang iyon ay muntikan pa siyang matumba. Pupuntahan ko na sna siya para alalayan pero naunahan na ako ni Daniel.

"Kaya mo na ah," ani Daniel at inalalayan na nga si Bea at naglakad na sila paalis.

Ako ito, nakatingin sa kanilang dalawa habang naglalakad paalis.

Bakit nakakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib?

Ano 'to?

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Kanina nang makita ko si Bea na nalulunod sa pool ay hindi ko maipalawang kaba at pag-aalala kong naramdaman.

Nung lumusong ako sa pool ay walang iba sa isip ko na dapat ay mailigtas ko siya. Nang makaahon naman kami ay iniisip ko na kailangan niyang gumising.

Ano bang nangyayari sa akin?

Hindi ko na maintindihan.

Bea's POV
Nang makarating kami ni Daniel sa kwarto ay agad naman akong nagtungo sa palikuran at dun nagbihis.

Pagkabalik ko sa kwarto ay agad akong umupo sa kama.

"Salamat pala Daniel ah."

"Wala 'yun noh. Ikaw pa. Pababayaan ba naman kita," aniya kaya naman napangiti na lamang ako sa kanyang tinuran.

"Si Jhake," sipi ko dahilan upang mapatingin siya sa akin.

"Anong ginagawa niya dun at bakit siya basa?"

Sa totoo lang ay pakiramdam ko ay alam ko na kung bakit pero gusto kong marinig mismo.

" Siya yung nagligtas sa'yo kanina."

"Kailangan ko pala siyang pasalamatan kung ganun."

"Ikaw ang bahala pero huwag muna ngayon dahil kailangan mong magpahinga."

"Aye aye captain," sipi ko habang nakalagay pa sa may noo ko ang kanan kong kamay na parang nagsasalute kaya naman napatawa siya ng mahina.

Jhake's POV
Nasa sala ako ngayon at nakaupo at nagbabasa ng libro pero sa totoo lang ay wala sa libro ang isip ko kundi kay Bea.

Ok na kaya siya?

Nang makita kong pababa si Daniel ay agad ko itong pinuntahan.

"Kumusta na siya?"

"Don't ask as if you care."

"Daniel, pwede ba! Sagutin mo na lang tanong ko." Naiinis kong saad.

"She's fine. Bakit mo nga pala siya iniligtas kanina? Di ba galit ka sa kanya?"

"Oo galit ako sa kanya pero hindi ako ganun kasama para pabayaan na lamang siyang malunod habang ako nakatingin lang."

"Yun lang ba talaga ang rason o may iba pa?"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"You know what I mean. Alam mo Jhake galit ako sa'yo. Galit na galit."

"Ikaw na lang lagi. You are good in everything pero ako, I am always the one to blame. Pakiramdam ko pinagkait mo sa akin ang karapatan para sumaya. You are the best of the best while me considered the worst."

"Kapag tinitingnan ako ng ibang tao, I can see judgment in their eyes pero si Bea. She never judges me. She accept the real me. Nung mga araw na sinaktan mo siya, mas lalo kong nagalit sa'yo. Siya na  nga lang yung taong nakakaintindi sa akin, sinaktan mo pa. Simula nun pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya hahayaan pang masaktan lalo na kung ikaw ang dahilan."

"Hindi ako manhid at bulag Jhake. Maaring pinapaniwala mo ang sarili mo sa totoong nararamdaman mo but I can see the truth. Your pretense will not work on me. I'm warning you, hurt her again at pagsisihan mo na ginawa mo," he said then left.

He really loves that girl pero bakit tumagos sa akin lahat ng sinabi niya?

Do I only make myself believe in this pretense I made?

Ano na ba talaga ang nararamdaman ko kasi kahit ako nalilito na?

Kaya ko pa bang magpanggap na wala akong pakielam? Na alam ko kung ano ang nararamdam ko?

The answer is, I don't know.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon