Chapter 27

363 21 1
                                    

Lexi's POV

"Hindi ka pa rin nagbabago Jhake. Workaholic ka pa rin hanggang ngayon pero huwag kang mag-alala hindi pa rin naman nagbabago ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal pa rin kita hanggang ngayon at dahil wala naman na ang PEKE mong ASAWA na si BEA ay baka naman pwede na nating ituloy ang kasal?" saad ko dahilan upang bigla itong mapatingin sa akin.

"Seriously, Lexi?"

"Why? Anong nakakabigla sa sinasabi ko? Dapat naman kasi talaga kasal na tayo ngayon pero naaksidente ka after that may nagpanggap pang asawa mo. This is the perfect time."

"May ibang perfect time para diyan Lexi."

"Sabihin mo nga sa akin Jhake. Ayaw mo na bang makasal sa akin?" tanong ko rito pero hindi naman ito sumagot.

"So ayaw mo talaga sa akin makasal?"

"Hindi naman sa ganun Lexi. Ang akin lang. Bakit kailangan ngayon kung kailan marami pa akong iniintindi? Masyadong busy 'tong kumpanya dahil sa paglaunch ng bagong product kaya sana naman maintindihan mo."

"Dahil ba talaga sa kumpanya kung bakit gusto mong ipostpone ang kasal o dahil kay Bea?"

"Ba't na naman siya napunta sa usapan?" tanong nito sabay tayo sa upuan niya.

"Bakit? Kasali naman na kasi talaga siya simula pa nung inagaw ka niya sa akin."

"Pero wala na siya. Umalis na't hindi na nagpapakita kaya pwede ba tigilan mo na ang paggbanggit sa kanya."

"Bakit ayaw mo? Dahil ba sa nanghihinayang ka at iniwan ka niya?"

"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw na mismo ang may sabi na kasalanan niya't nagpanggap siya na asawa ko. Bakit ako manghihinayang na umalis siya?"

"Hindi ko alam. Baka nalason na niya ang isip mo or worse nakuha na niya ang puso mo."

"Lexi she's not part, no, she's not the reason kung bakit ayaw ko munang magpakasal sa'yo so please bear with me muna."

"Fine," saad ko at marahas na kinuha ang bag ko't padabog na umalis.

Bea's POV
Nasa labas na kami ng bahay. Kasama ko pa rin nga pala si Daniel.

"Sige Daniel. Salamat sa paghatid ah."

"Salamat din sa oras."

"Pero salamat talaga. Hindi ka katulad ng iba na hinuhusgahan mo agad ang pagkatao namin."

"Alam ko rin kasi ang pakiramdam ng hinuhusgahan ka ng mga tao sa paligid mo."

"Salamat pa rin. Ingat ka sa pag-uwi," sipi ko at ngumiti na lang ito at pumasok na nga siya sa kotse niya at umalis.

"Si.Daniel ba 'yun?" tanong ng Barbie ng nasa tabi ko na siya kaya naman tumango na lamang ako.

"Bilib din naman ako sa kanya at nakakaya niyang huwag itapon ang pagkakaibigan niyo kahit nalaman na ng pamilya niya ang panloloko nating dalawa."

"Oo nga eh. Masaya ako at hindi niya lang tayo tinulungan na itago noon 'yung sikreto natin. Pinandigan niya talaga ang pagiging totoong kaibigan sa atin."

"Pero ate hindi mo man lang ba naisip paano kung may hidden motive pala siya kung bakit niya tinutulungan?"

"At ano naman 'yun?"

"Ewan. Hindi ko alam."

"Alam mo. Imbis na kung ano-anong pinag-iisip mo? Kumain na tayo."

"Mabuti pa nga at gutom na rin ako."

Lexi's POV
Pagdating ko sa bahay ay padabog kong inilagay saa sofa ang bag ko.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Joyce. Dito kasi siya ngayong gabi matutulog sa bahay.

"Bwisit kasi 'yan at kahit wala na ang Beang 'yun hindi pa rin kami makasal kasal ni Jhake."

"Bakit raw?"

"Busy daw siya sa trabaho."

"Eh di maghintay ka na lang kung kailan hindi na siya busy. I'm sure darating naman ang time na 'yun."

"Naghintay na ako ng dalawang taon na sa totoo lang dapat 'yung dalawang taon ng paghihintay kong 'yun ay asawa niya na dapat ako. Mrs. Bustamante na sana ako pero bwisit kasing aksidente at nangyari pa 'yun at may mas bwisit pang taong kinuha ang posisyon na dapat sa akin."

"Ganyan talaga ang buhay. Hindi lahat umaayon sa plano mo."

"Pwes ngayon sisiguraduhin kong sa palad ko na mismo itatakda ang tadhana."

Jhake's POV
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ko talaga inayawan 'yung proposal ni Lexi. Oo, kasama sa rason ay itong kumpanya ngunit alam ko sa sarili ko na may iba pang rason.

Dati rati hinihintay kong maikasal sa babaeng pinakamamahal ko at iyon ay si Lexi..Halos excited na excited ako para sa araw na iyon pero ngayon parang nawalan na akong ganang ituloy ang naudlot na kasal.

"Anong iniisip ng unico hijo ko?"

"Wala naman ma. Tumawag sa akin si Lexi kanina. Ayaw mo daw ituloy ang kasal niyo."

"Hindi naman ho sa ayaw. Ang akin lang sana huwag naman ngayon."

"Bakit?"

"Marami akong iniisip ngayon ma at ayokong dumagdag pa ang kasal."

"Naiintindihan kita pero naiintindihan ka ba ni Lexi."

"I don't think she does."

"Tell me Jhake. Are you even planning on marrying Lexi?"

"Syempre naman. I promise her and I am the man who keeps his promises."

"Alam ko pero marami na ang nangyari. I hope maging masaya ka in the end."

"Thank you ma," sipi ko.

"Saan ka na naman galing at wala ka sa opisina buong araw?" tanong ni mama kaya napatingin ako sa gilid ko at nandun nga si Daniel.

"Kung saan saan," sagot nito habang naglalakad papunta sa kwarto niya.

"Tingnan mo nga 'yang kapatid mo at hindi ko maintindihan kung bakit ganyan."

"Hayaan mo na lang."

"Kailan kaya matutong maging responsable ang kapatid mong 'yan."

Bea's POV
Mga isang linggo na rin ang nakalipas simula nung pinuntahan nga ako ni Daniel sa coffee shop na pinagtratrabuhuan ko.

Masaya ako at minsan ay magkasama kami kahit papano ay nararamdaman kong may kaibigan pa rin ako sa kabila ng mga nagawa ko.

Tulad ngayon, magkasama kaming nakaupo sa park.

"Libre kita ng ice cream," ani ko.

"Naku huwag na noh. Dapat 'yan na sweldo mo ay iginagastos mo sa inyong magkapatid at hindi ako kasali dun."

"Ano ka ba? Kaibigan naman kita. Diyan ka lang ah," saad ko at bumili na nga ng dalawang dirty ice cream at ibinigay ko kay Daniel ang isa.

"Salamat," aniya.

"Walang anuman," sabi ko at umupo na nga ako sa tabi niya at nagkwentuhan na nga kami nito habang kinakain ang ice cream.

Lexi's POV
Naglalakad ako dito sa park. Naisip ko kasi na baka mawala ang stress ko kapag nakita ko na 'yung mga mag-asawa kasama ang mga anak nila.

Ganun kasi ang pangarap ko.

Magkasama kami ng asawa ko at si Jhake 'yun na ipinapasyal ang anak namin.

Napangiti na lamang ako dahil sa naiisip ko pero bigla naman itong napawi dahil si Jhake mismo ang gustong ipostpone ang kasal namin.

Aalis na sana ako ng mahagip ng mata ko ang pamilyar na tao.

Alam kong si Bea 'yun pero bakit magkasama sila ni Daniel at nagtatawanan pa?

Is there something going on?

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon