Daniel's POV
Nandito ako ngayon sa coffee shop na bagong pinagtratrabahuan ni Bea.Agad akong pumuntang sa counter.
"What's your order SIR," agad na nanlaki ang mata niya sa pagbigkas ng sir dahil nakita na niya ako.
"Cappuccino."
"Right a way sir."
"Another thing. I also order some of your time."
"My time is not for sale."
"Then I'll borrow some of your time."
"Sige na, Bea. Pagbigyan mo na si sir pogi," saad ng kasama nito kaya ng tumingin siya sa akin habang ako ay nakangiti ay nagbuntong hinininga na lamang ito.
Nakaupo na kami ngayon. Uminom ako ng cappuccino tapos ay inilapag ko ang baso sa mesa.
"Bakit pala naparito ka?"
"Bawal ka bang bisitahin man lang?"
"Nakakapagtaka lang kasi na ang isang Bustamante ay nagtungo pa rito para lang bisitahin ako."
"Hindi ako katulad ng ibang Bustamanteng sinasabi mo. Hindi kita hinusgahan."
"At nagpapasalamat ako dahil dun Daniel. Kahit nakagawa ako ng mali sa inyo ay hindi mo ito pinamukha sa akin."
"Naiintindihan ko kasi kung bakit mo nagawa 'yun kaya nga kita tinulungan di ba."
"Salamat talaga Daniel kasi kahit alam mong mali ang ginawa kong panloloko sa kanila, tinulungan mo pa rin ako. Sana nga katulad mo ang kapatid mo na kayang intindihin kung bakit ko nagawa 'yun pero hindi ko rin siya masisisi kasi ako naman talaga ang gumawa ng mali eh."
"Galit ka ba sa kanila?"
"Bakit naman ako magagalit? Wala akong karapatang magalit. Ako 'yung nanloko kaya tama lang na sa akin sila magalit dapat nga magpasalamat pa ako dahil hindi nila kami pinakulong ni Bea."
"Pero mahal mo siya, di ba?" tanong ko dahilan upang mapatingin siya sa akin ng diretso.
"Ha?"
"Si Jhake. Nahulog ang loob mo sa kanya sa gitna ng pagpapanggap. Ang tanong, ganun rin ba ang naramdaman niya? Kung oo, anong gagawin mo?"
"Hindi ko alam. Imposibleng mahalin niya rin ako, si Lexi ang mahal niya hindi ako. Isa pa if ever na parehas kami ng nararamdaman ay sigurado akong mas nanaig na ang galit sa puso niya."
"Sabagay galit nga pala sa'yo ang kapatid ko at nandun naman si Lexi, ang babaeng dapat ay asawa niya."
"Tama ka. Sila ang nararapat sa isa't isa kaya kung ano man 'tong nararamdaman ko ay kakalimutan ko na lamang."
"Kaya mo ba?"
"Oo naman. Ano ba naman 'to compared sa paghihirap namin ni Barbie?" sagot niya kaya naman napangiti na lamang ako.
Tama Bea. Huwag mong pagaksayahan ng pagmamahal ang isang taong katulad ng kapatid ko.
Jhake's POV
Nandito ako ngayon sa opisina at kasalukuyang narito rin si Lexi."Buti na lang at hindi ka na ginugulo ni Bea," aniya pero hindi ko na lang pinansin.
"Hindi mo man lang ba naisip kung sakaling may tumulong kay Bea?" takang tanong nito kaya naman napatingin ako sa kanya ng nagtataka rin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Malay mo may nakakaalam na iba bukod sa kanilang magkapatid at tinulungan pa sila."
"Sino naman kung sakali nga?" tanong ko dahilan upang magkibit balikat na lamang ito.
"At kung sino man 'yun ay wala na akong pakielam. Wala na pakielam sa nangyari, wala na akong pakielam sa kanila. "
"Wala ka ng pakielam kay Bea? Kahit magmakaawa pa siya sa'yo? Kahit makalimutan ka na niya? Kahit may lalakeng magmamahal sa kanya ng totoo? Kahit magpakasal siya sa iba?" sunod sunod na tanong nito.
"Wala," matigas na sipi ko at dun ko natunghayan ko ang pagkurba pataas ng labi ni Lexi habang ako naman ay bumalik ang atensyon ko sa ginagawa kong trabaho.
Naramdaman kong lumapit ito sa akin pero hindi ko na lang ulit pinansin.
"Hindi ka pa rin nagbabago Jhake. Workaholic ka pa rin hanggang ngayon pero huwag kang mag-alala hindi pa rin naman nagbabago ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal pa rin kita hanggang ngayon at dahil wala naman na ang PEKE mong ASAWA na si BEA ay baka naman pwede na nating ituloy ang kasal?" saad nito dahilan upang bigla akong mapatingin sa kanya.
Kasal?
Seryoso ba siya?
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomanceWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...