Nang marinig ko ang balitang na hit and run nga si Barbie ay agad kong pinuntahan ang hospital na pinagdalhan sa kanya.Pagdating namin roon ni Daniel ay naabutan ko pa ang babaeng nagpunta kay Barbie sa hospital.
"Maraming salamat po sa pagmamagandang loob sa pagdala ng kapatid ko rito sa hospital."
"Wala iyon hija. Sige mauna na ko," aniya at umalis na nga.
Agad akong nagpunta sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Barbie.
May benda sa kanyang ulo at may konti rin itong pasa.
"Kawawa naman ang kapatid ko Daniel. Hindi ko kayang makita siya sa ganyang kalagayan."
"Kailangan mong magpakatatag Bea para sa inyong dalawa ng kapatid mo."
"Alam ko naman 'yun Daniel. Ang akin lang hanggang kailan ba kami bibigyan ng pagsubok ng Diyos. Kaya ko kahit anong pagsubok basta kasama ko lang ang kapatid ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa."
"Kaya mo Bea. You are a fighter. Para kay Barbie ay kayanin mo. Di ba nga nagawa 'yung pinakamalaking kasalanan mo sa buhay mo dahil sa pagmamahal mo sa kapatid mo? Then fight."
"Pero saan ako kukuha ng pera panggastos dito?"
"Don't worry. Ako na ang bahala na magbayad ng gagastusin niyo dito sa hospital."
"Sigurado ka ba Daniel? Hindi ba magagalit sa'yo sila Jhake?"
"I am really sure. Bakit naman sila magagalit? Pera ko naman ang gagamitin ko."
"Pero Daniel baka kung anong sabihin nila."
"Iisipin mo pa ba ang sasabihin nila gayung kailangan mo na ng pambayad dito sa hospital."
"Hindi naman ako makakapayag na walang maging kapalit ang pagtulong mo sa akin."
"O'sige. Pagkatapos ng trabaho mo dumiretso ka sa mansiyon."
"Ano naman ang gagawin ko dun?"
"Magtratrabaho ka sa mansiyon."
"Ano? Hindi ba magagalit ang mama at kapatid mo."
"Hindi naman sila ang pagsisilbihan mo kundi ako eh. Di ba gusto mong may kapalit 'yung pagtulong ko sa inyo? 'Yun ang gusto kong kapalit," sipi nito kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.
"Ok ok. Para makabawi sa'yo. Pero salamat Daniel."
"Anything."
"Sige na. Mauna ka na at baka hinahanap ka na sa inyo."
"Sige. Una na ko. Take care of yourself," aniya at ngumiti na lamang ako rito at tuluyan na nga itong lumisan.
Umupo ako sa tabi ng kama ni Barbie at dun hinawakan ang kamay niya.
"Barbie sorry kung hindi ako naging perpekto kapatid sa'yo. Hindi kita nabigyan ng magandang buhay pero di ba kaya naman natin lahat ng pagsubok basta magkasama tayo. Huwag kang bibitiw ah. Huwag mo kong iwan. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala ka," sipi ko at may tumulo na ngang luha sa aking mata.
"Ikaw ang dahilan kung bakit patuloy kong lumalaban so please lumaban ka din. Narinig mo ba 'yung sinabi ni Daniel kanina? Babalik ako sa mansyon Barbie pero pansamantala lang naman 'yun. Sa totoo lang ayoko na talagang bumalik dun dahil sa alam kong may mga magagalit pagdating ko doon pero ayoko naman na tanggihan si Daniel. Ako ang nagprisinta na dapat may kapalit ang pagtulong niya sa atin kaya huli na para bawiin ko 'yung sinabi ko."
"Sana wala naman hindi magandang mangyari sa oras na makatapak ulit ako sa mansyon na 'yun.
"Good night Barbie. Matulog ka lang para kapag handa ka na ibuklat mo na lang ang mga mata mo. Nandito lang ako."
***
Kinaumagahan ay pumasok ako sa trabaho. Ayoko mang iwan si Barbie ay kailangan dahil kailangan namin ng pera.
Naging maganda naman ang araw ko.
Nang malapit ng matapos ang duty ko ay dumating si Daniel.
"Oh naparito ka?"
"Sinusundo ka."
"Ba't mo naman ako susunduin?"
"May trabaho ka pa sa akin," aniya at dun pumasok sa utak ko ang napag-usapan namin kagabi.
"Sinasabi ko na nga ba at nakalimutan mo eh. Kaya nandito ako para sunduin ka."
"Ok."
Maya maya pa ay umalis na nga kami nito at mga ilang minuto ang lumipas ay nakarating na rin kami sa mansyon.
Bumaba na siya sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto at bumaba na rin.
Matagal-tagal na rin ng huli akong nakatapak sa bahay na ito.
Napangiti na lamang ako ng mapait ng maalala ko ang bawat ala ala ko na narito.
Masaya man ito at malungkot.
"Bea."
"Huh?"
"Let's go," aniya at pumasok na nga kami sa loob.
"For the meantime dito ka muna matutulog."
"Hanggang kailan ba ko dito?"
"Mga one month lang."
Nanlaki ang mata ko. "One month!? Nagbibiro ka ba?"
"Unfortunately not. Maiwan na muna kita ah," anito kaya naman tumango na lamang ako.
Walang masyadong naging pagbabago dito sa sala maliban na lamang sa ibang palamuti. Wala na rin ang wedding picture namin ni Jhake rito.
Ano pa nga ba ang aasahan ko?
Malamang itatapon na nila 'yun dahil puro lamang iyon panlilinlang.
"Sino ka?" alam na alam ko kung kanino ang boses na 'yun.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.
"Humarap ka sa akin," utos nito kaya naman sumunod na lamang ako rito.
"Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong nito pero tila umurong ang dila ko at hindi ako makapagsalita.
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomanceWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...