Chapter 7

661 21 7
                                    

Bea’s POV

“Oh ate saan ka pupunta at nakapang-alis ka?” Wika ni Barbie na siyang nakaupo sa kahoy naming upuan at nagbabasa ng libro.

“Balita ko kasi ay birthday ni sir Jhake. Pupunta ko sa mansion nila.”

“Ate, buti sana kung papasukin ka eh sa damit mong 'yan ay wala man lang iyan 1/8 sa suot ng mga bisita 'tsaka ba’t ka naman pupunta dun eh di ka naman invited?”

“Alam ko at di naman ako papasok. Kung baga ay gusto ko lang talaga makapunta sa birthday ni sir. Malaki ang naitulong niya sa atin. Dadaan lang ako tapos aalis din agad.”

“O'sya bahala ka ate. Paano mo pala nalaman ang mansion ng sir mo?”

“Narinig kong pinaguusapan nung mga ka-trabaho ko kaya alam ko na kung saan.”

“Nakikinig ka na pala ngayon sa usapan ng iba ate ah,” aniya na may multo ng ngiti sa kanyang labi.

“Tss. Sige. Alis na ko Barbie.”

“Ingat ka na lang,” sabi niya tapos umalis na ko nang tuluyan.

Mga ilang minuto rin ang nakalipas at nahanap ko na rin ang bahay nila sir. Muntik pa akong hindi papasukin ng guard sa village nila.

Kitang-kita ko na talagang mayaman sila. Kahit di pa rin nahahanap si sir ay binigyan pa talaga siya ng party. Ang gaganda nila. Ang mga suot nila ay magagara. Ang yayaman. Di nababagay sa mundo nila ang isang katulad ko. Ang totoo ay di ko rin talaga alam kung bakit ako nagpunta dito kahit alam ko naman na di ako makakapasok sa loob.

Third person’s POV
Tinitingnan lang ni Bea ang mga tao. Naisip na sana kung pinanganak siyang katulad nila ay sana di siya nagkakaroon ng problema sa pera.

Oo, may trabaho siya pero masyadong maliit ang sweldo niya para sa lahat ng gastusin. Naisip niya rin na si Jhake na nga lang ang handang tulungan sila, naging kaibigan niya kahit mayaman pa ito ay nawala pa.

Samantalang ang ina ni Jhake ay nag-iisip pa rin sa kanyang nakitang litrato. Naguguluhan s'ya kung bakit nakapangkasal ang kanyang anak at may kasamang babae. Naguguluhan siya dahil ang alam niya ay mahal ng kanyang anak si Lexi kaya pakakasalan sana niya ito ngunit hindi natuloy dahilsa nangyaring aksidente.

Naisip niya na masyadong mahal ni Jhake si Lexi para lokohin lamang. Naging saksi siya sa pagmamahalan ng dalawa ngunit sa nakita niyang litrato ay naguluhan siya. Madaming tanong ang pumapasok sa kanyang isipan. Di niya magawang magpakasaya tulad ng mga bisita sa kaarawan ng kanyang sariling anak.

Napagpasyahan niyang lumabas na muna ng kanilang mansion upang mas makapag-isip. Hindi niya muna inalintana ang kasiyahang nagaganap sa kanyang pamamahay. Sa kanyang pag-iisip sa kawalanay may nahagip ang kanyang mata — ang babaeng nasa litrato. Aalis na ito kaya nagsimula na siyang maglakad ng mabilis upang maabutan ang babae. Hindi na niya makita ang nasabing babae.

‘Hindi pwedeng di ko siya makita. Kailangan kong makita ang babaeng iyon’ sabi nito sa kanyang isipan.

Di siya tumitigil sa paghahanap. Hanap lang siya nang hanap hanggang sa may nabangga siya.

Bea’s POV
May nabangga akong tao. Lahat pa naman mayayaman ang nandito sa village na ito. Sana naman ay hindi maarte at maldita

“Pasensya na po. Di ko po sinasadya.”

“Ok la—IKAW!”

Napatingin ako sa kanya dahil sa gulat sa kanyang boses.

“Ma’am, pasensya na po pero di ko po kayo kilala eh.”

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon