Chapter 17

438 18 6
                                    

Bea's POV
Nasa silid kami ngayon ni Jhake.

"Kumusta ang trabaho?" tanong ko kay Jhake habang hinihilot niya ang sintido niya.

"Ok naman."

"Pagod?"

"Oo. Ganito siguro ang buhay ko noon? Masyadong tutok sa trabaho 'no?"

"Oo. Masyado ka talagang workaholic."

Hindi naman ako nagbibiro dun.

Nagtrabaho naman ako sa kanya kaya alam ko kung gaano kahalaga ang trabaho niya sa kanya at sadyang mahilig talaga siyang magtrabaho para marami daw matapos sa isang araw.

"Um Bea."

"Hmm."

"May business meeting kasi ako sa Tagaytay eh."

"Ngayon?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Gusto mo bang sumama? 'Tsaka pwedeng time na rin natin 'yun para makapagbakasyon tayong dalawa. What  do you think?"

Nginitian ko siya, "syempre naman. Ikaw nag-aya eh."

"Ganyan. Ang lakas ko talaga sa asawa ko. Sabi na nga ba't dahil gwapo ako."

"Sus. Huwag masyadong belib sa sarili Mr. Bustamante." Sabi ko habang pi-ni-pinch  ko ang ilong niya.

"Ouch! Mashakit 'yun Mrs. Bustamante."

Natigilan ako sa sinabi niya.

Mrs. Bustamante.

Hindi naman ako 'yun eh.

Pero anong magagawa ko? Nagpapanggap lang ako.

"Hey, Bea. Ok ka lang?"

"Ah oo naman. Kailan pala ang business meeting mo sa Tagaytay?"

"Sa makalawa kaya aalis na tayo bukas." sagot niya kaya't tumango na lang ako.

****

Mga bandang alas cuatro na nang makarating kami sa resort. Nilibot ko ang tingin sa lugar na ito at masasabi kong napaganda dito. Masasabi kong napaka-exclusive talaga ng resort na pinag-i-istay-an namin.

Medyo malaki din ang piniling room ni Jhake. Kulay light blue ang pintura at napaka-aliwalas nito sa mata. May malaki ring bintana upang madungaw ang napakagandang karagatan.

"Nagustuhan mo ba?"

Tumango ako. "Sobra. Napakaganda dito Jhake. Ngayon pa lang ako nakakapunta sa ganitong lugar."

"I'm so happy that you like it." sabi nito kaya ngumiti na lamang ako.

"Um Jhake pwede bang maglibot-libot tayo dito?"

"Bea, galing  pa lang tayong biyahe and we need rest to regain energy."

"Eh ma-energy pa naman ako. Tingnan mo ko oh." Sabi ko rito at nag-e-exercise pa para lang ipakitang may energy pa ako.

"Bea, we have all day tomorrow at sa mga susunod na araw para maglibot. For now we need to rest," sabi nito sa akin dahilan para magpout ako.

"Sige na nga." Sabi ko at kinurot niya naman ang pisngi ko.

"Ouch! Ang sakit nun ah!" Wika ko habang hinihimas ang pisngi ko.

"Kaya nga huwag kang ngunguso kung ayaw mong kinukurot. O'siya halika na nang makakain at makapagpahinga na."

***

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang mamasyal at kahit ayaw pang tumayo ni Jhake ay napilitan siya upang samahan ako kahit sinabi kong kaya ko naman. Nag-almusal muna kami bago napagpasyahang maglibot-libot.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon