Bea's POV
Nang makarating kami sa bahay ay agad akong nagtungo nga sa kwarto at dun ko nakita ang isang box.Binuksan ko ito at namangha ako sa damit na nakita ko. Agad ko itong kinuha at pinagmasdan. Napakaganda ng kulay lilang damit na ito. Halter ito at masasabi kong napakaelegante kahit simple lang.
May narinig akong pumasok at masasabi ko na si Barbie iyon dahil nakita ko siya sa peripheral view.
"Barbie tingnan mo oh, ang ganda ganda di ba?"
"Bakit?" tanong ko rito ng may pagtataka sa aking mata dahil sa kanyang reaksyon.
"Ate nandito si tita Corazon," aniya at dun na nga pumasok si tita or should I say mama Corazon dahil pinayagan niya akong tawagin ulit siya nun.
"Bea may kailangan kang malaman."
"Ano po 'yun?" kinakabahang tanong ko.
Pakiramdam ko ay masamang balita ang dala niya.
"Si Jhake."
"Bakit po? Anong pong nangyari sa kanya?"
"Naholdap at nasaksak siya Bea."
"Po!"
"Sa katunayan nga pupuntahan ko siya ngayon sa pinagdalhan na g nakakita sa kanya na hospital."
"Sasama po ako."
"Halika na."
"Barbie ikaw na munang bahala dito sa bahay ah."
"Sige ate. Hangad ko na sana ok lang si Jhake," aniya kaya naman ngumiti lang ako, iniwan sa kanya 'yung damit at lumabas na nga kami ni mama at sumakay na sa sasakyan.
"Bakit nangyari sa kanya 'to? Akala ko ayos na ang lahat. Bakit kailangan mangyari pa 'to sa kanya?" sipi ko at napatingin ako sa kamay ko na hinawakan niya.
"Hindi ko rin alam ang sagot Bea pero may mga pangyayari na hindi na hawak ng kamay natin. Kahit gaano tayo magplano may mga bagay na hindi na natin kontrolado. Alam mo kasi kung ganun lang naman ang kalakaran di sana wala ng tao sa mundong 'to kundi mga manipulator ang tawag. Hindi aayon lahat sa gusto natin dahil lahat tayo may sari sariling gusto at lalong hindi mangyayari 'yun kung nagkokontradict ang mga gusto natin."
"Alam ko naman po 'yun eh. Pero hindi lang kasi mawala sa akin na magtanong kung bakit 'to nangyayari. Hindi man lang ba kami tatantanan ng pagsubok?"
"Mahina siya Bea. Nakaratay sa hospital at nanghihina, sana naman huwag kang bumitaw. Kung hindi niya kayang lumaban, ikaw lumaban para sa inyong dalawa. Bea huwag kang panghinaan ng loob. Hindi siya mamatay dahil kung 'yun ang plano ng Panginoon sana hindi na siya nakitang buhay ng iba. Kung may natutunan man ako sa akala kong pagkamatay ni Jhake 'yun ay ang maging matatag sa mga problema kahit mawala pa sa atin ang pinakamahalaga sa atin kaya sana ganun ka din. Hangga't may pag-asa huwag kang sumuko."
"Salamat po."
Pagkarating namin sa hospital ay pumasok kami agad sa kwarto kung nasaan naroroon si Jhake.
"Anak bakit nandyan ka sa kama at natutulog? Di ba ayaw mong nag-aabsent ng basta basta sa trabaho dahil sa rason mo na porke't boss ka ay papasok ka na lang kung kailan mo gustuhin. Anak naman maraming trabaho ang naghihintay sa'yo, marami kaming nagmamahal na hinihintay kang magising."
"Jhake bakit ka ba kasi nanlaban? Sana hinayaan mo na lang 'yung mga holdaper na tangayin lahat ng gamit mo basta huwag ka lang nilang saktan. Madali lang naman palitan ang materyal na bagay eh pero ang buhay mo hindi na kailanman mapapalitan. Please naman oh hindi ko alam kung anong gagawin ko pagnawala ka pa sa akin. Mahal na mahal kita kaya sana huwag mo naman akong iwan," umiiyak kong sipi at naramdaman ko na lang ang paghagod ni mama sa likod ko at napayakap na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomansWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...