Prologue

3.4K 39 4
                                    

COPYRIGHTS © by cutierockstar
ALL RIGHTS RESERVED


Hindi ko naisip na ikaw ay mamahalin.
Hindi ko inakala na ikaw ay magiging akin.
Ngunit paano pagnalaman mo, ang lahat ay kasinungalingan lang pala?
Mapapatawad mo pa kaya ako sa nagawa kong pagkakasala?

~•~•~•~

Sa buhay di natin maiiwasang magkamali, magkasala.

Isang simpleng babae lamang ako na ang nais ay mabigyan ng magandang bukas at buhay ang aking kapatid.

Marami na kaming napagdaanang hirap ngunit lahat ng ito ay kinaya namin basta magkasama kami ngunit ng dahil sa maling akala ay nakagawa ako ng kasalanan, isang napakalaking kasalanan.

Oo, nagawa kong magsinungaling, nagawa kong magpanggap. Pero masisi niyo ba ko kung gusto ko lang ay magkaroon ng magandang buhay kaming magkapatid?

Araw-araw ay nakokonsensya ako pero wala akong magagawa. Ako ang may gusto nito. Panindigan ko na lang.

Akala ko di na sya babalik pero hindi, nagbalik siya.

Naging mabait siya sakin ngunit anong ginawa ko?

Niloko ko.

Di ko inaasahang ng dahil sa aking pagpapanggap, ako ay nahulog sa banging ako mismo ang naghukay sapagka't minahal ko siya.

Paano ko mapipigilan ang aking damdamin kung alam kong isang malaking kasinungalingan lamang ang lahat ng 'to?

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon