Natapos na ang kasiyahan namin doon kaya no choice kundi ang umuwi ng mga ala una na siguro ng umaga, ay ewan masyado atang napadami ang inom ko eh.
Pagpasok na pagpasok ko ay biglang umilaw at si mama lang naman ang nag-on ng switch.
“Saan ka nanggaling?” mariing tanong agad sa akin ni mama.
“Sa bar.”
“Alam mo ba kung anong oras na?”
“Ba’t mo ko tinatanong? Wala ka bang sariling orasan?”
“Pwede ba Daniel kahit minsan naman ay magseryoso ka sa buhay mo hindi puro kalokohan ang inuuna mo. Buti pa si Jhake ay halatang may mararating sa buhay.”
“Jhake. Jhake. Jhake. Puro na lang kayo Jhake. Lahat naman ng mali sa akin ang nakikita niyo at ang mabuti lang sa inyo ay si Jhake. Wala na ko ibang narinig sa bahay na ito ay puro Jhake. Si Jhake na matalino. Gwapo. Responsable. Matino. Mapagkakatiwalaan. Rinding-rindi na ang tenga ko,” sabi ko tapos ay nagsimula na kong naglakad gamit ang hagdan. Kahit sumusuray-suray ay patuloy pa rin ako sa paglakad.
“Daniel, naguusap pa tayo. Bumalik ka dito,” sabi ni mama pero hindi ko na siya pinansin at sa pagtaas ko ay nakasalubong ko si Jhake. Tiningnan ko lang siya nang madalian pagkatapos ay nagdiretso na ko sa kwarto ko.
Jhake’s POV
Nakita ko si mama na umiiyak sa sofa kaya agad kong pinuntahan siya.“Ma, huwag niyo na lang pansinin si Daniel. Lasing lang siya.” Wika ko nang makalapit ako dahilan upang mapatingin siya sa akin.
“Sabihin mo nga sa akin, Jhake. Saan ba ko nagkamali sa pagpapalaki ko sa kapatid mo?”
“Ma, walang perpektong magulang. Ang mahalaga ay ginawa niyo lahat para mapabuti si Daniel at siguro hindi niya makita ngayon na ginagawa niyo lahat ng ito para rin sa kanya pero balang araw sigurado akong mauunawaan niya rin.”
“Sana nga anak. Kasi di ko kayang magkaganyan ang kapatid mo.”
Daniel’s POV
Ang himbing pa ng tulog ko nang ginising naman ako ni mama. Badtrip naman eh!“Daniel, pwede na tayong mag-usap?”
“Ano pa ba magagawa ko? Inistorbo niyo na ang tulog ko.”
“I’m sorry kung naikumpara kita kay Jhake. Hindi ko naman sinasadya, ikaw naman kasi ay hindi ka tumitino.”
“Ang galing mo rin ma 'no? Nag-so-sorry nga kayo pero ako pa rin 'yung sinisi n'yo. Sana hindi na lang kayo nagsorry.”
“Daniel hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin.”
“Akala ko ay iba ka kay papa kasi siya lahat ng gawin kong mali ang nakikita at lagi na lang si Jhake ang tama para sa kanya. Pero nagkamali ako. Katulad ka rin pala ni papa,” saad ko habang umiiling.
“Daniel.”
“Ma, nagsisisi ba kayo na naging anak nyo ko?” Tanong ko habang diretso ang tingin sa kanya.
“Ano bang klaseng tanong iyan? Syempre naman hindi.”
Ngumisi ako at umiling. “Talaga? Ba’t pakiramdam ko ay nagsisisi kayo?”
“Look Siguro nga hindi ka kasing talino ni Jhake, hindi ka rin kasing tino niya pero anak kita at kahit bali-baliktarin man ang mundo, it can’t change the fact na anak kita at ina mo ko. Do you understand?” Mariin niyang wika.
“Umalis ka na ma at baka kailangan pa kayo sa kompanya,” sabi ko tapos lumabas na siya sa kwarto ko.
Ba’t ganun? Sinabi ni mama in-e-expect ko na sasabihin n'ya na wala akong kwentang anak tulad ng ginawa ni papa pero hindi niya sinabi.
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomanceWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...