Chapter 37

335 16 2
                                    

Bea's POV
Dalawang araw na ang nakalipas simula nung naaksidente ako sa pool at kasalukuyang nasa hospital ako ngayon at inaayos ang mga gamit ni Barbie.

"Ate sigurado ka ba na sa mansyon rin ako ng mga Bustamante pansamantalang titira?"

"Oo naman. Nakausap ko na si Daniel at siya pa nga mismo ang nagsabi na dun ka muna tumuloy dahil isa pa para naman mabantayan kita ng mabuti."

"Pero ate hindi ba nakakahiya? Sa bahay na lang natin ako tutuloy. Kaya ko naman ang sarili ko."

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari mang masama sa'yo. Huwag kang mag-alala. Mabilis lang naman lumipas ang oras kaya hindi magtatagal ay babalik na rin tayo sa bahay."

"Kung 'yan ang gusto mo ate."

"Sige na dahil maya maya susunduin raw tayo ni Daniel."

***

Nandito na nga kami sa mansyon at iginaya ko na nga si Barbie sa kwarto naming dalawa.

"Dito ka muna ah. Gusto mo ikuha kita ng pagkain?" tanong ko rito kaya naman tango ang isinagot nito.

Lumabas na nga ako at nagtungo sa kusina para ipaghanda si Barbie ng pagkain.

"Ang kapal ng mukha mo. Sa pagbalik mo sa pamamahay ko ay nagsama ka pa ng isang basura."

"Huwag mo naman po madam Corazon tawagin ang kapatid ko ng basura."

"Bakit? Hindi ba totoo?" tanong nito pero hindi ako nito hinayaang makasagot dahil nagsalita na naman siya.

"Bakit ba hindi na lang kayo umalis sa buhay namin at magpakalayo layo?"

"Hindi ko rin po ginusto na bumalik dito."

"Eh bakit nandito ka? Kayo ng kapatid mo?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Dahil malaki ang utang na loob ko kay Daniel kaya ginagawa ko 'to."

"Utang na loob?" aniya at ngumisi ng sarkastiko.

"Dahil ba talaga dun o baka naman may masamang motibo ka na naman at si Daniel naman ang pinupuntirya mo."

"Huwag niyo naman po sana akong akusahan. Oo nagkamali ako pero hindi naman porke't nagkamali ako mali na ang lahat ng gagawin ko."

"Wala akong tiwala sa'yo kaya siguraduhin mo lang na wala akong gagawin na hindi ko magugustuhan kundi pagsisihin mo ng husto," aniya at umalis na nga.

Hindi ko sinasadya na may tumulong luha sa aking mata kaya agad ko naman itong pinunasan gamit ang kamay ko pero ayaw tumigil ng luha sa pagtulo sa aking mata.

"Kailangan mo ata nito?" may panyo akong nakita na ibinibigay sa akin kaya naman tumaas ang ulo ko para makita ang mukha ng may-ari ng panyo at hindi nga ako nagkamali kung sino nga ito.

"Naku hindi na. Wala lang 'to."

"May umiiyak bang wala lang. Ano ka? Baliw?"

"Sige na nga," sambit ko at kinuha na nga ang panyo at ipinahid sa aking mga luha.

"Pagpasensyahan mo na si mama ah."

"Naiintindihan ko naman siya eh. Niloko ko kayo tapos dinala ko pa si Barbie dito sa mansyon niyo. Parang napaka kapal ng mukha ko nun."

"Ayos lang. Isa pa sabi niyo nga nahospital si Barbie kaya kailangan ka niya."

"Sige. Inihahanda mo ata siya ng pagkain. Una na ko," aniya at tumalikod na't nagsimula ng maglakad.

"Jhake," tawag ko rito dahilan upang mapatigil siya.

"Salamat. Salamat sa pagligtas sa akin at sa pagtanggap kay Barbie dito sa bahay niyo," sipi ko pero itinaas lamang nito ang isang kanang kamay habang nakatalikod pa rin pagkatapos ay nagpatuloy na nga sa paglalakad.

Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanyang likuran.

Jhake's POV
Nasa terrace ako ngayon ng kwarto ko at ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin na siyang dumadampi sa aking balat.

Hindi ko maiwasang maisip ang nangyari kanina.

Galit ako sa kanya pero pakiramdam ko ay unti-unti ng naglalaho 'yun.

Nung nakita ko siyang umiiyak, nais ko siyang yakapin ngunit hindi maari kaya naman ibinigay ko na lang sa kanya 'yung panyo.

Hindi rin ako nakaramdam ng galit ng makita kong kasama nila Bea si Barbie dito sa bahay.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko pero alam ko ako lang ang makakapaglinaw sa totoong nangyayari sa akin.

Bea's POV
Nandito na ako ngayon sa kwarto kasama si Barbie.Kumakain si Barbie ng inihanda kong pagkain.

"Ano bang nangyari sa'yo ate at panay ang ngiti mo diyan?"

"Wala. Kumain ka na nga lang diyan."

"Ano nga kasi ate? Anong bang nangyari?"

"Huwag ka ng mag-usisa dahil walang nangyari."

"Ok sinabi mo eh," aniya at bumalik sa pagkain.

Masaya ako at mukhang unti unti na akong napapatawad ni Jhake.

Alam kong mahirap akong patawarin pero ramdam ko na balang araw ay mapapatawad niya rin ako at pag nangyari 'yun.

Sobrang magiging masaya ako dahil isa siya sa naging mahalagang bahagi ng aking buhay.

Jhake's POV
Nasa opisina ako ngayon pero kahit anong gusto kong gumawa ng trabaho ay hindi ko magawa.

Pilit na bumabalik sa isipan ko ang mukha ni Bea.

Ano na ba talaga ang nangyayari sa akin?

"Jhake ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Kristoffer na siya pala ay nasa loob na ng opisina ko.

Tiningnan ko ito ng pagtataka.

"Kanina pa ako katok nang katok pero hindi ka sumasagot kaya naisipan kong pumasok na at naabutan kita tulala. Ano bang iniisip mo?"

"Wala 'to."

"Wala bang halos wala ka pang napipirmahan sa mga papeles na kailangan mong pirmahan. Ano ba talaga ang nangyari?"

"Si Bea."

"Bea? Di ba 'yan 'yung nagpanggap na asawa mo?" tanong nito kaya naman tumango ako.

"Dapat galit ako sa kanya. Dapat sinusumbatan ko siya pero bakit ganun? Bakit ayaw ko siyang mapahamak? Ayaw ko siyang makitang umiiyak? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko."

"Maaring sa loob ng panahon ng pagpapanggap hindi mo na namalayang nahulog ka na pala sa kanya."

"Pero hindi pwede. Hindi pwede Kristoffer. Niloko niya ko at pinaniwala sa kasinungalingan niya. Hindi pwede 'yan na sinasabi mo."

"Kahit anong pigil mo, kung 'yan talaga ang nakatadhanang maramdaman mo, wala ka ng magagawa. You're in love with her. It's up to you if you choose to love or to choose the anger inside your heart. Kahit ano mang piliin mo,  I assure you may mawawala at mawawala sa'yo but the question is, saan ka ba magiging masaya?"

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon