Bea's POV
Nagluluto ako ngayon ng almusal naming dalawa ni Barbie."Sarap ate ah," aniya.
"Nambola ka na naman."
"Malapit na ba 'yang matapos ate? Gutom na kasi ako."
"Oo kaya ikaw ihanda mo na ang kakainan natin."
Matapos ang ilang sandali ay natapos na nga ako sa pagluluto kaya naman nagsimula na nga kaming kumain ni Barbie.
Hindi pa man kami tumatagal na kumakain ay may bisita pa kaming dumating.
"Ayos pala ang timing ko ah."
"Ang aga-aga narito ka," sipi ko kay Daniel.
"Aba. Nakaramdam ata ako ng pagkain.
"Sino namang may sabing papakainin kita Daniel?"
"Kahit ayaw mo ay kakain pa rin ako," aniya at nagsarili ng kumuha ng plato, kutsara't tinidor kaya naman napailing na lamang ako.
Umupo na nga siya sa tabi ko at kumuha na ng pagkain.
"Bakit ka nandito?"
"Para kumain."
"Yung seryoso nga."
"Seryoso naman ako ah."
"Ewan ko sa'yo."
"Sige na nga. Well, namiss kita kaya naman dinalaw kita. Bawal ka na bang dalawin?" aniya dahilan para hindi ako makapagsalita.
Na-awkward ako bigla dahil sa sinabi niya.
"Ang sarap ng pagkatimpla mo ate."
Nginitian ko na lamang siya at ganun rin siya sa akin.
Grabe ang pasasalamat ko kay Barbie at tinanggal niya 'yung awkward atmosphere.
Jhake's POV
Kadarating ko lang bahay. Sumakit kasi 'yung ulo ko kaya imbis magpatuloy ako sa pagtrabaho ay umuwi na ako para makapagpahinga.Pagpasok ko ay dun ko nakita si Lexi at mama.
Tumigil sila sa pinag-uusapan nila at tumingin sila sa akin.
"Hi Jhake," sipi ni Lexi at hinalikan ako ng smack.
Kung umasta siya parang walang nangyari nung isang araw.
Masakit man ang ulo ko but I think dahil nandito na lang naman siya ay mabuti pang mag-usap na nga kami.
Hindi ko na kasi kaya ang relasyon namin gayung wala naman na akong nararamdaman para sa kanya.
"Lexi pwede ba tayong mag-usap?"
"Sure," sagot nito at sumunod na nga siya sa akin.
Pumasok ako sa kwarto at ganun rin siya.
"Lexi alam mo naman na wala akong nararamdaman sa'yo, di ba?" sipi ko at walang pinagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Oo naman. Tulad nga ng sinabi ko ay hindi ako manhid para hindi maramdaman na nagbago ka na."
"So it means maiintindihan mo kung gusto kong itinigil na ang relasyon natin."
"Oo naman."
"Talaga? Hindi ka galit?"
"Bakit naman ako magagalit? Isa pa tanggap ko naman na hindi mo na ko mahal. Kahit ano pang gawin ko hindi na babalik ang nararamdaman mo para sa akin."
"Salamat Lexi at naiintindihan mo ko."
"Just tell me, si Bea ba?" tanong nito kaya naman napatango na lamang ako ng bahagya.
"I'm so sorry Lexi. Hindi ko sinasadya. Alam kong mali na maramdaman ko 'to pero wala eh. Nahulog pa rin ako sa kanya," sipi ko kaya naman napatango na rin siya ng marahan.
"Ayos lang. Hindi ko hawak ang puso mo. Kung ikaw nga hindi mo makontrol kung kanino 'yan titibok ako pa kaya na naging parte lang ng nakaraan mo."
"Huwag mong sabihin 'yan Lexi. Ikaw ang unang babaeng minahal ko. Hindi ka lang naging parte ng nakaraan ko kundi pati ng kasalukuyan. Oo nga't naglaho ang pagmamahal ko para sa'yo pero hindi ibigsabihin nun ay aalisin na kita sa buhay ko Lexi. Your still part of my life no matter what happened. Mahalaga ka sa akin."
"I know. Sana maging maayos kayo ni Bea and I hope mutual ang nararamdaman niyong dalawa."
"Sana nga rin."
"By the way, alam na ba niya ang nararamdaman mo para sa kanya?" tanong nito kaya naman umiling na lamang ako.
"Dapat mo na pala 'yang sabihin sa kanya. Tingin ko naman may nararamdaman rin siya sa'yo eh."
"You think so?" tanong ko rito at tumango siya.
"Sige. Tatagan mo lang ang loob if ever man na i-reject ka niya nandito lang ako handang sumalo sa'yo," aniya kaya naman tumawa kami.
"Bye," paalam nito at lumabas na nga.
Sa totoo lang ay medyo guminhawa na 'yung pakiramdam ko. Buti naman at naintindihan na ni Lexi ang sitwasyon.
Pero nagtataka lang ako kung bakit biglang ganun ang reaksyon niya. Nung huli naming pag-uusap ay napakaemosyonal niya.
Imposible namang nagbago agad ang nararamdaman niya para sa akin..
Kung ano man ang dahilan ay masaya ako't hindi na ko magwoworry kay Lexi.
Bea's POV
Katatapos ko lang sa trabaho ko at naghihintay ako ngayon ng jeep para makauwi na ako.Maya-maya pa ay may tumigil na kotse sa harapan ko at kilala ko kung sino ang may-ari nito.
Bumaba ang bintana ng kotse niya.
"Sakay na't ihahatid na kita," aniya kaya naman wala na akong nagawa kundi sumakay dahil sa matagal tagal na rin akong naghihintay ng jeep.
Nagsimula na nga siyang magmaneho.
"Kumusta ang pagbalik niyo sa dati niyong bahay?"
"Ayos naman. Isa pa sanay naman kami sa buhay mahirap kaya alam kong kaya naman namin Barbie basta magkasama kami."
"Naiinggit nga ako sa closeness niyong magkapatid eh. Sana ganyan rin kami ni Daniel."
"Pwede naman eh kung susubukan niyo."
"Malabo atang mangyari eh."
"Bakit naman? Kung matutunan niyo lang intindihin ang isa't isa ay mangyayari 'yun."
"Sana nga balang araw."
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami malapit sa bahay na dati niyang pinagbabaan sa akin.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan upang mapatigil ako at tumingin sa kanya.
"Bakit?"
"May mahalaga pala akong sasabihin sa'yo Bea."
"Ano 'yun?" tanong ko rito at nakita ko siyang pumikit ang mata at nagbuntong hininga.
Nang makadilat na ang kanyang mata ay nagumpisa na siyang magsalita.
"Bea, I like you. No. I love you," aniya dahilan upang hindi ako makapagsalita.
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
Roman d'amourWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...