"Joyce.""Please Lexi ano ba talagang nangyayari? Kaya ka ba balisa nitong nakaraang araw dahil sa nalaman mo?" tanong nito kaya naman napapikit na lamang ako ng mata bago ikwenento sa kanya ang ginawa ni Daniel.
"Kung ganun dapat malaman 'to ng mga pulis ng maparusahan siya ng batas."
"Wala pwedeng makaalam nito Joyce. Dapat nga hindi mo 'to nalaman eh. Paano na lang pag nalaman ni Daniel?"
"Ano bang pangblackmail niya sa'yo at nagkakaganyan ka?"
"Buhay mo. Buhay ni mommy. Ayokong mawala ni isa sa inyo," sipi ko at bakas sa mukha niya ang pagkabigla.
"Pero Lexi hindi naman pwedeng mabuhay na lang tayo sa takot. Mas manganganib ang buhay nating lahat kapag patuloy siyang malayang nakakagalaw. Paano kung gumawa siya ng paraan para tuluyang mamatay na nga si Jhake? Hindi kaya ng konsensya kong tumahimik na lang Lexi."
"Ako rin naman eh. Gabi-gabi napapanaginipan ko si Jhake na humihingi ng tulong. Gusto ko ng magsalita. Sino ba naman ayaw magkaroon ng hustisya ang pinakamamahal niya na ilang beses ng muntikang mamatay? Pero takot na takot ako Joyce. Ayoko na," umiiyak kong wika.
"Naiintindihan ko Lexi. Kung hindi mo kayang gumawa ng paraan ako ang gagawa."
"Joyce please huwag. Paano pag napahamak ka?"
"Kaya please Lexi magtulungan tayo. Gagawa tayo ng paraan para magbayad si Daniel sa lahat ng kasalanan niya."
"Anong gagawin natin?"
"May naisip na kong plano," aniya at ngumiti.
Bea's POV
Ngayong araw na 'to ang pinakahihintay kong araw kung saan isasagawa na ang operasyon ni Jhake."Bea, pupunta ka ng hospital?" tanong ni Daniel habang nakasakay sa kotse niya.
"Oo eh."
"Sumabay ka na sa akin. Dun rin ako pupunta," aniya kaya naman pumasok na nga ako sa kotse niya.
"Excited ka na gumising ulit si Jhake 'no?"
"Oo nga eh. Super. Alam ko matatag si Jhake kaya alam kong kaya niya ang operasyon."
"Kung ako si Jhake gigising talaga agad ako para makita kita."
"Alam ko."
Pagdating namin sa hospital ay agad namin pinuntahan si mama.
"Si Jhake po?"
"Nasa loob na para isagawa ang operasyon."
"Hindi na po ako makapaghintay para muling makasama si Jhake."
"Mangyayari 'yan basta't magtiwala lang tayo sa Diyos."
Matapos ang ilang oras ay lumabas na nga ang doktor na nagsagawa ng operasyon.
"Kumusta ang anak ko doc?"
"Successful po ang operation. Maya-maya lang ay gigising na rin po siya."
"Salamat doc," sipi ni mama at umalis na nga ang doctor.
"Narinig mo 'yun Bea. Ok na si Jhake."
"Naiiyak nga po ako sa tuwa eh."
Daniel's POV
Alam ko naman na magiging successful ang operasyon.Naisip ko lang kasi na mas masayang maglaro kapag buhay siya kaya hindi na muna ako gumawa ng paraan para tuluyan na siyang mawala.
"Gising na po ang pasyente," sipi ni doktora at agad naman pinuntahan nila mama at Bea si Jhake kaya naman sumunod na ako.
"Jhake kumusta ka na? Hindi mo alam kung gaano mo kami pinag-alala."
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomanceWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...