Chapter 41

327 15 4
                                    


"Ano bang pinagsabi mo? Jhake, hindi 'to magandang biro."

"Sa tingin mo nagbibiro ako? Hindi ako pwedeng magbiro ng tungkol sa nararamdaman ko."

"Pero hindi pwede. Paano ang mama mo? Paano si Lexi? Si Daniel?"

"Bakit ba sila ang iniisip mo? Mahal mo ba ako Bea?"

"Hindi mahalaga ang nararamdaman ko Jhake kaya pwede ba tigilan mo na ko," sipi ko at nagmadali ng lumabas sa kotse niya at naglakad papunta sa bahay kahit narinig ko pa ang pagtatawag niya sa akin.

Pagkapasok ko ay agad kong sinara ang pinto at doon sumandal. Doon na tumulo ang mga luha ko.

"Ate, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Barbie ng makalapit sa akin.

"Si Jhake. . ."

"Bakit?"

"Ang sabi niya sa akin Barbie, mahal niya ko?l," sipi ko at dun na ako napaiyak.

"Huh? Ikaw, mahal mo rin ba siya?" tanong nito kaya naman napatango na lamang ako

"Ganun naman pala eh. Bakit ka umiiyak?"

"Dahil hindi kami para sa isa't-isa."

"Bakit mo naman nasabi 'yan ate? Mahal niyo ang isa't-isa. Anong problema?"

"Sana nga ganun lang kadali 'yun Barbie eh pero hindi. Hindi sapat na mahal niyo lang ang isa't isa. Maraming kailangan isaalang alang hindi lang ang nararamdaman naming dalawa."

"Pero paano mo malalaman kung worth it ka para sa kanya kung hindi mo ipaglalaban ang nararamdaman mo?"

"Hindi na kailangan dahil wala akong ipaglalaban. Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon natin Barbie? Langit at lupa ang pagitan naming dalawa," sambit ko kaya naman niyakap niya na lamang ako.

Jhake's POV
Alam kong nabigla ko siya sa sinabi ko sa kanya. Sa totoo lang it is not like how I picture it to be.

Ang sabi ko sa sarili ko ay 'kailangan kong paghandaan kung paano ko sa kanya sasabihin' pero kanina bigla na lang lumabas sa bibig ko kung ano ang nararamdaman ko.

Gusto kong malaman niya ang totoo kong nararamdaman dahil ayoko ng maglihim.
Gusto ko rin malaman kung ano ang nararamdaman niya para sa akin pero hindi niya man lang ako hinayaang malaman.

Kahit gustong gusto ko ng malaman ay mas pinili ko pa rin na hayaan na lang siya dahil marami siyang iniisip.

Hindi muna ako dumiretso sa bahay sa halip ay sa condominium ni Kristoffer.

Kailangan ko kasi ng makakausap ngayon.

"Ano? Binigla mo kasi Jhake eh."

"Ayoko namang mas patagalin pa eh."

"Alam mo hayaan mo muna siyang makapag-isip isip. Malay mo, marealize niya kung ano ang nararamdamaan niya. Patience is a virtue ika nga nila."

"Sya nga pala Jhake, hindi ka man lang ba nagtataka na parang ang bilis matanggap ni Lexi na hindi mo na siya mahal at si Bea na ang nakapalit sa kanya."

"Anong gusto mong iparating?"

"Sa dami na ng nagawa ni Lexi, ngayon pa ba siya susuko? I don't think so Jhake."

"Oo, marami na ngang nagawa si Lexi na hindi ko nagustuhan pero lahat naman ng tao kapag na-realize nila 'yung mali nila ay pwedeng itama, di ba?"

"Oo Jhake naiintindihan ko pero hindi ganun sa kaikling panahon."

"Salamat Kristoffer pero sa tingin ko naman ay naintindihan na ni Lexi ang sitwasyon."

Lexi's POV
Hawak hawak ko ngayon ang bagay na makakapagpabalik sa akin kay Jhake.

"Ano nagustuhan mo ba Lexi?"

"Oo naman po tita. Gustong gusto ko. Akala ata ni Jhake na basta ko na lang siya ipapamigay sa isang manloloko. No way. Hindi deserve ni Jhake mapunta sa babaeng katulad niya."

"Huwag kang mag-alala dahil magiging sa'yo ulit siya Lexi. Bilang ina niya, ikaw ang gusto ko para sa kanya kaya naman maasahan mo ko na sa'yo ako  kakampi," ani tita kaya naman niyakap ko siya.

"Thank you so much tita. This means a lot to me. Akala ko nga po nung alam niyong asawa ni Jhake si Bea ay siya na talaga ang gusto mo para sa kanya."

"Sa totoo lang  Lexi. I like her. I like her attitude kaya naman mabilis ko siyang natanggap sa pamilya ko. Hindi ko naman akalaing mga pakitang tao lang pala 'yun kaya nga nagpapasalamat ako sa'yo dahil nagawa mong alisin 'yung maskara niya."

"Para po kay Jhake I am ready to do everything. Alam niyo naman po na I have nothing except Jhake kaya gagawin ko lahat para maging akin muli siya."

"Oh Lexi nandito ka pala," sipi ni Jhake na kararating pa lang kaya naman agad kong inilagay sa likod ko ang kamay ko dahil sa hawak ko at pasimpleng ipinasok ito sa bag ko.

"Ah pauwi na rin naman ako eh. Dinalaw ko lang si tita."

"Gusto mo ihatid na kita?"

"Naku huwag na at nakakahiya naman. Sige una na ko. Tita, Jhake," paalam ko sa kanila at lumabas na nga.

Sa paglabas ko ay hindi ko na napigilan ang evil grin sa aking labi.

Jhake's POV
Hihiga na sana ako nang makita ko ang folder na naglalaman ng proposal at kailangan ko itong papirmahan kay mama kaya naman nagtungo agad ako sa  kwarto niya at kumatok.

Nang walang sumasagot ay binuksan ko ang pinto at pumasok na nga. Nilibot ko ang mata ko at wala nga si mama roon.

Aalis na sana ako nang may mapansin ako sa may desk kaya agad ko itong kinuha at naningkit ang mata ko sa nabasa ko.

Isang wedding invitation at ang ikakasal ay walang iba kundi si Lexi at ako.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon