“And the result is. . . Jhake really do pass." sabi ni mama at nagulat kami. Maging si Jhake ay nagulat din."Well, he has mistakes but he made it to pass. Congrats, Jhake. You may now start your job tomorrow. I guess welcome back." Nakangiting wika ni mama.
"Salamat rin. Kahit nga ako ay hindi makapaniwala eh."
"Sige. maiwanan ko muna kayo diyan." Sabi ni mama at umalis na siya.
"Bro, congrats at nakapasa ka." Labas sa ilong na saad ko.
"Salamat, Daniel. Buti nga at kahit papaano ay nakapasa ako. Siguro may pag-asa talagang makabalik ang ala-ala ko. Hindi ba maganda 'yun dahil maalala ko na rin kayo? Lalong-lalo na si Bea. Maalala ko na ang mga bawat detalyeng kwinekwento niya sa akin." Nakangiting sambit ni Jhake.
"Ah oo nga eh. Sana magbalik na ang ala-ala mo," sabi ko.
Hindi ako makapaniwala at nagawa pa rin niyang makapasa kahit sobrang hirap na ng mga binigay kong tanong sa kanya. Siguro ay kahit wala siyang ma-alala kung talagang magaling siya ay makakatulong 'yun sa kanya.
Kainis!
Bakit ba kasi kailangan pang magaling magaling at matalino siya?
Siya ang dahilan kung bakit ang tingin sa akin ng lahat ay isang walang kwentang tao na walang ibang alam gawin kundi magrebelde. Siya ang perpektong tao para sa kanilang lahat.
Nag dahil sa’yo, Jhake ay walang nakakapansin sa akin. Walang nagamamahal.
Kaya sisiguraduhin ko na hindi ka magiging masaya sa buhay mo ngayon.
Oo nga’t naging maswerte ka at nabuhay ka pa pero hangga’t nandito pa ako ay hindi ko hahayaang maging magaan ang buhay mo.
Ngayon ngang wala ka pang maalala ay nagawa mo nang agawin sa akin ang kompanya. Paano pa ang ibang bagay?
Bea’s POV
Kanina pa ako lubos na kinakabahan nang ibalita niya sa aking nakapasa siya.Natatakot ako dahil anumang araw ay baka bumalik na ang ala-ala niya.
“Buti nga’t nakapasa ako. Kahit wala akong maalala ay masaya ako at makakatulong na ako kanila mama at Daniel.”
“Mahirap man pero nagawa mo. Siguro dahil naniniwala kang kaya mo at sa kagustuhan mong matulungan sila Daniel ay nagawa mong makapasa para sa kanila.” Nakangiti kong saad.
Napakagaling ko talagang artista.
“Oo. Siguro nga’t tama ka. Nais kong matulungan sila mama at nais ko ring magkaroon ng rason para magkaroon ako ng pag-asang babalik pa ang ala-ala ko. Sa pinakita ko kanina ay maari l ngang bumalik na ang ala-ala ko sa lalong madalinig panahon.” Nakangiti rin nitong saad kaya ako naman ay ngumiti na lamang ng kinakabahan.
Please lang. Sana huwag muna.
“Oo nga. Baka makabalik na rin ang ala-ala mo.”
“At kapag nangyari 'yun ay malalaman niyang nagsisinungaling ka lang. Na nagpapanggap ka lang na kanyang asawa.” Napalingon kami ni Jhake sa nagsalita at doon namin nakita si Lexi na nakatayo sa may pintuan.
“Pakiusap Lexi. Ayoko ng gulo.” Mahinahon wika ni Jhake.
“Kung ayaw mo ng gulo Jhake ay pagsabihan mo iyang fake wife mo na umalis na rito.”
“Pero wala kang ebidensiya na nagpapanggap lang siya.”
“Maari ngang wala pa pero darating ang panahon na pagnaalala mo na lahat ay malalaman mong ako talaga ang mahal mo at hindi ang babaeng 'yan,” sabi ni Lexi kay Jhake at bigla siyang tumingin sa akin.
"At ikaw. It doesn't mean na wala pa kong evidence ngayon ay patuloy mong lolokohin si Jhake. You have no heart for doing that to him. I swear, darating ang araw na makikita ng lahat ang totoong ikaw, isang mapagpanggap at manlolokong babaeng gold digger!" galit na sabi sa akin ni Lexi kaya naman hindi ako nakapagsalita dahil alam kong tama lahat ng sinabi niya.
Aminin ko man sa sarili ko o hindi, gold digger na nga talaga ako dahil nagawa kong lokohin si Jhake para sa pera.
Lumapit na sa akin si Lexi. "So kung ako sa'yo ay sabihin mo na ang totoo habang maaga pa." Sabi ulit niya pero hindi na lanh ulit ako umimik.
"Bakit natatahimik ka na lang diyan? Sabagay guilty ka sa lahat ng sinasabi ko kaya syempre ay natahimik ka." Sabi niya kaya naman hindi ko na napigilang tumulo ang luha.
"Enough. Please Lexi tama na," sabi ni Jhake sa mariing paraan at hinawakan ang braso ko upang himasin ito nang tumahan na ako.
"Fine. You'll gonna regret na ginawa mo sa akin ito Jhake someday." Sabi ni Lexi at umalis na rin. Habang ako ay hindi pa rin tumitigil ang mga luha ko sa pagtulo.
"Shhhh tama na. Nandito ako." sabi ni Jhake habang niyayakap ako.
"Pangako ko sa'yo, ikaw lang ang pakikinggan at paniniwalaan ko kaya tama na sa pag-iyak." Sabi niya sa akin kaya naman mas lalo akong napaiyak dahil nakokonsensya ako.
Lexi's POV
I really hate that Bea girl.
Nang dahil sa kanya ay hindi ko nakakasama si Jhake tapos siya pa ang asawa ni Jhake sa mata ng ibang tao imbis na ako.
Na-se-sense ko talaga na nagsisinungaling lang ang Bea na 'yan eh.
Well, then. She's really good at lying and pretending because everybody thinks she is really Jhake's wife.
Sorry for her cause I don't bite her petty acts.
And I swear to the sky that I will not let that Bea succeeds on her evil plans.
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
Storie d'amoreWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...