Chapter 48

243 17 3
                                    

Jhake's POV
Naiwan na ako ngayon dito sa bahay. Hindi ko naman gustong pumasok ngayon sa trabaho dahil gusto ko munang palamigin ang sitwasyon.

Alam kong hindi naman ako magtatagal dito sa bahay nila Bea dahil kailangan kong harapin ang consequences ng mga desisyon ko.

Tutal nakakahiya naman kanila Bea at ayaw kong makitira lang, naisipan kong mag-ayos na lang dito sa bahay.

Sa totoo lang first time ko 'tong gawin kaya naman kahit papano ay natutuwa ako dahil unti unti ko ng naiintindihan ang mundo nila Bea.

Maya-maya pa ay kumatok kaya naman pinagbuksan ko ito.

"Ma, anong ginagawa mo dito?" tanong ko rito pero napunta ang atensyon niya sa hawak hawak kong walis.

"Hindi ko alam may katulong pala sila."

"Pwede ba, ma! Tell me what do you need."

"Ok fine. Ayoko na rin naman magtagal sa lugar na 'to. Lexi tried to commit suicide at nasa hospital siya ngayon."

"Nababaliw na ba siya? Bakit niya ginawa 'yun?"

"She only love you kaya niya 'yun ginawa."

"Pupunta ka ba sa hospital ma?"

"Oo naman. Dadalawin mo rin siya?" tanong nito kaya naman tumango na lamang ako.

"Halika na."

"Sandali, ma," sipi ko at kumuha muna ako ng papel at ballpen.

Bea,

Umalis na muna ko. Nabalitaan ko kasi na nasa hospital si Lexi kaya naman bibisitahin ko muna siya. Sige, ingat kayo ni Barbie.

Jhake

Matapos ko itong sulatin ay tinupi ko na ito at pinaipit sa libro dito sa mesa.

Nang makalapit na ako kay mama ay tumango na lamang ako at pumasok na kami sa sasakyan ni mama.

Ilang minuto pa ay dumating na rin kami sa hospital.

Nang makarating kami sa room ni Lexi ay pumasok na ako habang si mama naman ay bibili na muna ng pagkain.

"Lexi," tawag ko sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin ng nakangiti.

"Buti dumalaw ka. Namiss kita. Sabi ko na nga ba at hindi mo ko matitiis eh." Nakangiti niyang wika.

"Anong naisip mo at nagawa mo 'to?"

"Mas gugustuhin ko pang mamatay Jhake kaysa mabuhay na wala ka sa tabi ko."

"Makinig ka sa akin Lexi. Anong mapapala mo pagnagpakamatay ka? Magiging masaya ka ba?" Saad ko dahilan upang mawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Jhake naman ikaw ang kaligayahan ko."

"Maraming lalake sa mundo Lexi hindi lang ako. May nakaalan para sa'yo kung matututo ka lang tanggapin ang mga bagay bagay."

"Pero Jhake ayoko. Hangga't hindi ka bumabalik sa akin patuloy akong magpapakamatay," sipi niya kaya naman lumuhod ako at nakita ko ang pagkakagulat sa kanyang mukha.

"Alam ko na kasalanan ko kung bakit ka nagkakaganyan. Sa totoo lang Lexi kung natuloy lang siguro 'yung kasal natin noon baka masaya tayong magkasama ngayon pero sa tingin ko tadhana na ang gumawa ng paraan para hindi matuloy 'yung kasal natin. Maybe it doesn't want us to end up each other because fate destined us to other people. Sa akin si Bea pero sa'yo maybe someday."

"Jhake."

"Lexi I love Bea with all my heart. Mahalaga ka sa akin at ayaw kong saktan mo ang sarili mo pero si Bea, she is my everything and I'd never wanted her to feel the pain. Please Lexi. Palayain mo na ako. Accept the reality that we love each other so much."

"Jhake," tawag nito sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang ngumiti.

"Tumayo ka na diyan," aniya kaya ginawa ko naman.

"It's not your fault that you fell out of love from me. Hindi mo rin kasalanan 'yung aksidente mo. It's no one's fault pero pakiramdam ko kasi ako 'yung biktima. Ako 'yung mahal mo noon eh pero anong nangyari? Dati hindi ko maintindihan kung bakit then from now on I realize that hindi mo hawak ang puso ng tao."

"Ibig bang sabihin nito. . "

She smiled sincerely.."Yes Jhake. You're free."

"Thank you Lexi," aniya at niyakap ko siya.

"Oh mukhang may nagkabalikan ah," saad ni mama ng makapasok.

"You're getting it wrong tita. Nagkabati lang kami ni Jhake."

"Oh."

"Actually tita tanggap ko na hindi talaga kami para sa isa't-isa ni Jhake. He really do loves Bea."

"What? Ipapamigay mo na lang siya ng ganun?"

"Tita nakita naman natin kung paano nila ipinaglaban ang pagmamahalan nila. They really do love each other. Bakit hindi na lang natin sila pabayaan?"

"Ma, please di ba gusto mo naman noon si Bea? Why can't you again?"

"Jhake you know the reason why."

"Pero tao rin naman siya. She commits mistake. All of us do something we never wanted to but we needed to. Intindihin mo naman si Bea. Intindihin mo naman kami."

Nagbuntong hininga si mama. "Ok fine. Ano pang magagawa ko? Dalawa na kayo eh."

"You don't know how much your approval means to me, ma."

Bea's POV
Nang makauwi na ako sa bahay ay nadatnan ko roon si Barbie na nakaupo, agad akong umupo sa tabi niya.

"Si Jhake?" tanong ko rito at binigyan ako ng sulat.

Binasa ko ito at dun ko nalaman na pinuntahan niya si Lexi.

"Ano raw sabi?"

"Pinuntahan niya si Lexi."

"Bakit?"

"Nahospital siya," sipi ko at tumayo na't maglalakad.

"Saan ka pupunta?"

"Magpapahangin lang muna ako sa labas."

Pagpunta ko sa labas at umupo sa upuan naming kahoy roon.

Sa totoo lang ay natatakot ako na baka hindi na siya bumalik.

Baka iwan na niya ako at bumalik siya kay Lexi, hindi ko alam kung kakayanin kong mawala pa siya sa akin.

"Bakit parang malungkot ka ata?" napatingin ako sa nagsalita.

"Jhake," sipi ko at niyakap siya.

"Akala ko iniwan mo na ko, akala ko babalikan mo na siya," saad ko habang yakap yakap pa rin siya.

Bumitaw na nga kami sa yakap.

"Bakit ko naman gagawin 'yun? Mahal na mahal kita Bea, don't ever doubt that."

"Tama si Jhake. Kita ko na mahal na mahal ka niya kaya naman alam kong magiging masaya kayo sa piling ng isa't isa."

"Mama Corazon."

"Patawarin mo ko Bea kung hindi naging mabuti ang pagtrato ko sa'yo. Nagalit lang ako sa ginawa mong panloloko sa amin."

"Sorry po talaga."

"Ayos lang. Pangako mo lang sa akin na mamahalin mo siya ng husto."

"Opo. Mabuti pa po kain na muna tayo sa loob," yaya ko at ngumiti siya pagkatapos ay pumasok na nga kami sa loob.

(a/n: Musta kayo? Gusto ko lang sanang sabihin na malapit na po tayo sa katapusan. Hindi ko alam kung ilang chapters na lang ang natitira. Sana po suportahan niyo to hanggang katapusan.)

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon