Chapter 23

326 15 10
                                    

Bea's  POV
Kasama ko ngayon si Jhake at naggrogrocery kami ngayon.

"Ah Jhake kumusta naman pala. Naalala mo na ba si Lexi?" tanong ko rito.

Last kasing araw na pagpappaalala ni Lexi kay Jhake ay kahapon.

"Ah minsan nagkakaroon ako ng mga images sa utak ko kapag nagkwekwento siya pero other than that  wala pa rin akong improvement."

"Ganun ba."

"Sa totoo lang may naghihila nga sa akin na maalala ko raw si  Lexi. Hindi ko naman gusto na kalimutan ko o hindi maniwala sa mga sinasabi mo. Ang akin lang, gusto kong maintindihan ang mga nangyayari. Ang mga bagay bagay. Minsan nga inisip ko kung hindi kaya ako naaksidente, ano kayang mangyayari?"

Kung hindi ka naaksidente hindi sana ako makakapangloko. Hindi sana makakagawa ng bagay na hindi ko inakalang magagawa ko.

Higit sa lahat, hindi sana kita makakasama ng ganito.

"Bea halika na. Punta na tayo ng counter," saad nito kaya naman ngumiti na lamang ako.

***

Hindi ako masyadong  umimik nung pauwi na kami dahil sa occupied pa rin ang utak ko ng mga tanong.

Paano pag biglang bumalik ang ala-ala ni Jhake?

Paano pagnalaman nilang hindi naman talaga ako tunay na asawa ni Jhake?

Ganito naman talaga ako eh, puro na lang paano.

Nang makarating kami sa mansyon ay agad na pinanguha ng mga katulong ang mga pinamili namin ni Jhake.

"Oh buti naman at dumating na kayo."

"Bakit po mama? At sino po siya?" tanong ni Jhake pertaining sa babae na katabi ni mama.

"Ah siya si Ericka. Party organizer."

"Bakit po kailangan ng party?" ako naman ang napatanong.

"Malapit na ang wedding anniversary niyo kaya naman kailangan ng celebration 'yan."

"Naku! Hindi naman po kailangan ng bonggang celebration party kahit  tayo tayo na lang po ang magcelebrate."

"Yan ang gusto ko sa'yo Bea eh pero ako ang nag-insist na magkaroon ng party kaya halika na kayong dalawa para mapag-usapan na natin ang tungkol sa party," sabi ni mama at hinila na nga kaming dalawa ni Jhake.

 "Umpisahan natin sa venue ng party. Saan niyo ba gusto?"

"Naku ma wala naman akong kaalam-alam diyan eh."

"A tayo na lang mag-uusap niyan Ericka. Yung designer pala sa susuotin nila nakausap mo na?"

"Ah opo."

"O'sige."

Nagdiscuss pa nga si Ericka ng pwede sa party.

***

Nasa kwarto na pala ako ngayon kasama si  Jhake dahil gabi na at matutulog na kami.

"Mukhang napipilitan ka lang sa party ah. Kung gusto mo sabihan ko na lang si mama na icancel na lang?" dismayadong tanong nito sa akin.

"Naku hindi. Hindi lang talaga ako sanay sa mga ganyan isa pa ang isip ko kasi dagdag gastusin na naman 'yan."

"HIndi naman nakakapanghinayang ng pera kung 'yung pera ay gagastusin naman natin sa mahalgang araw ng buhay natin."

Oo para sa inyo mahalaga ang araw na iyon dahil 'yun ang araw na kinasal daw kami ni Jhake pero para sa akin 'yun ang araw na naging daan sa pinakamalaking kasalanan ko sa buhay ko.

"Pasensya na talaga Jhake kung inisip mong hindi mahalaga sa akin ang araw na iyon pero sa totoo lang ay hindi ko kayang sabihin ang halaga nun sa akin."

"Ok lang. Naiintindihan ko," sabi nito at humiga na nga ng nakatalikod sa akin.

Hindi ko alam pero may nagtulak sa aking yakapin siya.

"Pasensya na talaga Jhake hiwag kang mag-alala babawi ako sa'yo," saad ko rito habang nakayakap pa rin sa kanya.

Lexi's POV
Paalis na sana ako dito sa coffee shop ng makita kong pumasok si Bea at ang kapatid nito kaya naman bumalik na lamang ako sa inuupuan ko at hindi ako rito nagpakita.

Umupo sila may malapit dito sa pwesto ko.

"So may anniversary party talaga kayo?" tanong ng kapatid ni Bea sa kanya hindi ito sumagot pero batid kong tumango ito.

"Talagang pinaninindigan mo na 'no?"

"Wala na kong magagawa Barbie. Nandito na eh. Nagdadasal na lang ako na hindi n bumalik ang ala-ala ni Jhake para hindi niya malaman na hindi  niya naman talaga  ako tunay na asawa.."

Gotcha.

Sabi na nga ba at isang pekeng asawa lang ang babaeng 'to.

Hindi ako kayang ipagpalit ni Jhake sa isang katulad niya. Such a low class gold digger.

How pathetic.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon