Chapter 12

485 17 5
                                    

Pagkagising ko ay nakita ko ang maamong mukha ni Jhake.

"Pasensya ka na at nagagawa pa kitang lokohin kahit na naging mabait ka naman sa akin nun" sabi ko sa aking isipan

"Mas lalo kang naiinlove sa akin noh?" tanong nito at sabay dilat ng mata

"h-hindi ah"

"wag ka ng magdeny nangangamatis ka na nga sa pula eh"

"s-sige mauna na ko sa l-labas"

"Sandali. Matanong ko lang. Ba't nauutal ka? Dati ka pa bang ganyan pagkausap mo ako?" tanong nito kaya umiling na lang ako

"Hindi naman pala eh ba't nauutal ka ngayon? Alam ko na. Kasi kinikilig ka noh?"

"Lalabas na talaga ko Jhake" sabi ko at tuluyan na ngang lumabas

Sa aking pagbaba nakasalubong ko pa siya

"So hindi rin talaga makapal ang pagmumukha mo at hindi ka pa rin umaalis"

"Lexi ayaw ko ng gulo"

"well sorry ka na lang gusto ko ng gulo lalong na kapag ikaw ang kaaway ko" sabi nito then napatingin yung tingin nya sa hagdan

"Oh hi Jhake" nakangiti nitong bati

"hi?" patanong rin nitong bati then ito namang si Lexi ay pinuntahan na nga si Jhake tapos kumapit siya sa braso ni Jhake

"let's go in the garden for us to talk. You know para walang ISTORBO" sabi nito at tinangay si Jhake palabas

Sus alam ko naman ako yung pinariringgan nito eh

"selos ka noh?" rinig kong may nagsalita pagtingin ko si Barbie

"Ba't naman ako magseselos?"

"eh di ba nga crush mo yun" mahina nitong sabi sapat lang para marinig ko

"ewan ko sa'yo" sabi ko at iniwan ko siya

"sandali lang hoy" rinig ko pang sabi nito

Lexi's POV

Halos gumuho na yung mundo ko nung nawala si Jhake kaya sobrang saya ko nung nalaman ko na nagbalik na siya.

"Alam mo Jhake. Ang saya saya ko talaga na hindi ka namatay dun sa aksidente. Sabi ko na nga ba hindi ka pa mamatay eh. Alam kong babalikan mo ang buhay mo ngayon at dahil nandito ka na siguro naman mapaalis na si Bea diyan sa mansion niyo"

"Bakit mo siya paalisin?"

"Dahil peke lang siya. Imagine nagawa niyang mapaniwala lahat na kinasal daw talaga kayo eh paano mangyayari yun eh ikakasal na nga dapat talaga tayo eh"

"Sandali nga naguguluhan ako. Si Bea peke? At sino ka naman?"

WTH

"are you kidding me? Ako hindi mo kilala?" tanong ko then tumango naman ito

"Don't tell me. . ."

"yes I do have an amnesia"

"so naniniwala ka rin na asawa mo nga yung Bea na yun"

"yun ang sabi nila"

"Jhake you cannot marry that woman because I'm the one you love"

"eh paano nga kita mamahalin eh hindi nga kita kilala"

"I'm Lexi Castillo your childhood friend and your first and last girlfriend. Ako rin ang fiancee mo at nung araw na ikakasal na nga tayo that is when the accident happen"

"eh ba't ang sabi nila ay si Bea ang asawa ko"

"I am suppose to be your wife pero hindi nga natuloy yung kasal natin tapos after nung accident ay mga ilang weeks or months ang nakalipas bigla na lang lumitaw yang Bea na yan saying na 'asawa' mo daw siya" sabi ko with matching panipi effect sa kamay ko nung sinabi ko yung asawa

"naguguluhan ako. Paano mo nasabi na hindi ko totoong asawa si Bea bukod sa ikaw nga ang mahal ko?"

"It's impossible talaga eh. Ikaw si Jhake Bustamante magpapakasal ng sikreto. What's your reason on getting married secretly? Come on Jhake you can cancel our wedding naman eh and I know you. Hindi mo ugali na magpaasa ng tao."

"Kahit na. Malay mo totoo naman eh tsaka isa pa kung may rason man ako Siya na lang ang nakakaalam. May patunay ba na asawa ko siya?"

"well she showed a wedding picture of you together"

"any other"

"a ring, a marriage certificate and Daniel made an investigations kung mag-asawa nga kayo"

"So anong sabi nya?"

"Ang sabi niya ay. . . totoo raw na kinasal talaga kayo"

"so why are you still doubting?"

"Sayang ang pinagaralan ko Jhake kung basta na lang ako magpapadala sa mga sinasabi nila. I don't know what happened pero ang malakas ang feeling ko na she was just pretending"

"wala ka na bang ibang sasabihin ahm Lexi?"

"I just a one last question"

"ano yun?"

"wala ka na bang nararamdamang pagmamahal sa akin ngayon na nagbalik ka na?"

"honestly hindi ko alam"

Bea's POV

Nakita ko si Jhake sa sala na mukhang malalim ang iniisip

"sobrang lalim naman ng iniisip mo di ko mareach" sabi ko then inilagay ko yung dala kong baso sa mesa at umupo naman ako sa tabi nito medyo may space nga lang.

"ah iniisip ko lang kasi yung sinabi nung Lexi kanina"

"Ano ba yung sinabi niya?"

"na peke ka raw, na niloloko mo lang kami. Hindi naman totoo yun di ba?"

Magsisinungaling na naman ba ako?

Puro na kasinungalingan ang lumalabas sa bibig ko

"hey Bea?"

"ah o-oo di naman totoo yun sige taas lang ako" sabi ko then tumayo na at naglalakad na

"Pinaniniwalaan kita Bea kaya sana wag mong sisirain ang tiwala ko" sabi nito hanbang nakatalikod pa rin ako sa kanya. Lumunok muna ko tapos humarap sa kanya ng nakangiti. Isang pekeng ngiti

"wag kang mag-alala hinding hindi ko babasagin ang tiwala mo"

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon