Chapter 49

263 16 12
                                    

Jhake's POV
Nandito ako ngayon sa office ko at kasalukuyang nagbro-browse sa aking laptop.

"Hey bro," bati ni Kristoffer ng makapasok na nga.

"Hey," sipi ko rin habang hindi pa rin naalis ang tingin ko sa laptop.

"Kababalik mo lang masyado mo na naman atang sineseryoso ang pagtratrabaho."

"Naghahanap lang ako ng magandang beach. Ikaw ba may alam ka?"

"Bakit naman?"

"Doon ko sana balak magpropose kay Bea eh."

"Woah! Buti naman at maayos na ang lahat. Sana wala ng maging problema ang relasyon niyo," sagot niya.

"Sana nga Kristoffer. Gusto kong maging masaya na kaming dalawa ni Bea."

"Hangad ko ang ikakasaya niyong dalawa."

"Excited na nga akong bumuo ng pamilya kasama siya."

"Syempre ako best man."

"Tingnan natin."

"Wow ah parang sigurado ka na ba na tatanggapin niya ang proposal mo?"

"Bakit naman hindi? Maayos na ang lahat at alam naman natin na mahal na mahal namin ang isa't-isa."

"Sige na. Magpatuloy ka na sa paghahanap diyan."

Napapangiti na lamang ako habang iniisip ang maaring mangyari bukas.

Bea's POV
Nandito ako ngayon sa eskwelahan ni Barbie dahil sa kasama siya sa President's Lister ng department nila.

Masaya ako dahil sa kabila ng paghihirap na pinagdaanan naming dalawa para lang makapag-aral siya ay nagagawa niyang huwag sayangin ang lahat.

"With a GPA of flat one, let's all give a round of applause to Barbie Cruz," sipi ng emcee at tumaas na nga ng stage si Barbie.

"Good afternoon to all who are present in this assembly. Unang una gusto ko sanang magpasalamat sa Panginoong Diyos kasi hindi niya kami pinabayaan ng ate ko. Marami na kaming pinagdaanang pagsubok sa buhay pero hindi niya kami hinayaan na malugmok sa sakit at dusa. May mga panahong nasilaw kami sa pag-aakala na kapag may pera ka magkakaroon ka ng magandang buhay. Oo, magandang buhay nga ang maari mong makamtan pero hindi ang katahamikan sa iyong puso dahil alam mo na mali ang ginawa mo. Sa kabila ng pagkakamali ay hindi pa rin kami pinabayaan ng Maykapal sa halip ay pinakita niya sa amin ang maliwanag na daan para aming tahakin," naiiyak na ako sa aking naririnig.

"Gusto ko rin ide-dedicate itong certificate na ito sa aking ate na walang sawang sumusuporta at nagtratrabaho para sa akin. Alam kong nahihirapan ka na pero hindi ka pa rin sumusuko para sa ating dalawa. Lahat kaya mong gawin para sa akin. Para lang makapagtapos ako ng pag-aaral kaya naman gusto kong gantihan ang lahat ng ginawa mo para sa akin sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti. Ate maraming salamat sa lahat," aniya at pumalakpak na nga kami.

Sobrang natouch ako sa kapatid ko at hindi ako nagsisisi na ginawa ko lahat para sa kanya.

Matapos ang recognition ay masaya kaming lumabas na ng paaralan.

"Barbie gusto mong kumain tayo para makapagcelebrate."

"Naku ate huwag na at ilaan mo na lang 'yan sa pambayad ng kuryente."

"Hay ano ka ba konting pera lang naman ang gagastusin natin eh."

"Sige na nga," aniya at nagtungo na nga kami sa isang kinalasan

Nag-order na nga kaming dalawa ng kakaiinin namin.

"Hay naku Barbie sorry at ito lang ang nakayanan ko."

"Ano ka ba naman ate. Hindi naman nga ito kailangan eh."

"Syempre kailangang i-celebrate 'yan."

Marami pa kaming napag-usapan ni Barbie habang kumakain.

"Kumusta naman kayo ni Jhake? Buti nga at naging maayos na rin ang lahat."

Oo nga pala bumalik na sa kanila si Jhake dahil sa ayos na sila ng kanyang ina.

"Kaya nga Barbie eh. Sana lang talaga ay tuloy tuloy na 'to. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung may mga pagsubok pang dumating."

"Ate hindi naman mawawala ang pagsubok eh. Sa katunayan nga ng dahil sa pagsubok ay mas napapatibay niyo ang relasyon niyo. Kaya huwag kang paghinaan ng loob dahil alam ko kahit ano pang sakuna ang dumating kaya 'yan lampasan ng pag-iibig niyong dalawa para sa isa't isa," aniya dahilan upang mapangiti ako.

Nang matapos na kami ay pumunta na nga ako sa counter para magbayad pero ang sabi rito ay bayad na raw kami eh wala pa naman akong binibitawang pera.

"Barbie may nagbayad na raw sa bill natin. Nagbayad ka na ba?" tanong ko pero umiling lang ito.

"Oo nga pala ate may nagbigay sa aking lalake. Ang sabi ibigay ko raw sa'yo," sipi ni Barbie at may binigay sa aking card.

Aking mahal,

Bea sa pag-uwi mo ay may makikita ka sa inyong silid na box. Iyon ay iyong gamitin dahil mamaya ay susunduin kita.

~Jhake

Napangiti na lamang ako sa nabasa ko.

"Uwi na tayo Barbie."

"Bakit anong meron?" tanong nito at binasa ang card.

"Uy excited ka naman."

"Halika na nga."

Jhake's POV
Nandito ako ngayon sa bahay at kasalukuyang nagpapaalam kay mama.

"Naku Jhake dapat sa pag-uwi niyo ay engage na kayo."

"Opo naman ma. Sige po aalis na ako," sipi ko at humalik na sa kanyang pisngi at aalis na sana ako pero nakita ko si Daniel na naka evil grin.

Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at umalis na nga.

Excited ako na sunduin si Bea.

May tumigil na van sa unahan ko kaya naman binuksan ko ang bintana ng kotse ko at inilabas ang ulo ko roon at may lumabas na lalake.

"Sir pwedeng pakialis po ng van niyo at nagmamadali po ako," sipi ko at mas lalo pang dumami ang mga lalake.

"Lumabas ka diyan kung ayaw mong masaktan," aniya habang may hawak na patalim kaya ginawa ko naman.

Pumasok sila at parang may hinahanap.

"Huwag mong kunin 'yan," sipi ko.

"Ano kayang laman nito?" tanong ng lalake habang nakangisi.

"Nakikiusap ako sir. Kunin mo lahat ibalik mo lang sa akin 'yan."

"Ang ganda naman ng singsing na 'to. Siguro mamahalin 'to."

"Please mahalaga sa akin 'yan."

"I'm sorry," aniya at pinilit kong inagaw ang box pero sa hindi ko inaasahan ay may naramdaman akong kirot sa aking may tiyan at nararamdaman kong may umaagos na hindi ko mapigilan.

Sa pagkabitaw ko sa box ay dumilim na ang aking paningin.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon