Chapter 45

254 14 4
                                    

Jhake's POV
Nakatingin ako ngayon sa sarili ko sa salamin habang suot suot ang americano suit ko.

"Alam mong anytime pwede kang umayaw," sipi ni Kristoffer.

"I know pero ito na 'yung pinili niya eh. Gagawin ko na lang."

"Pero ikaw, ano bang pinili mo?"

"Baka tama naman talaga si Bea, . Baka kapag nagkasama ulit kami ni Lexi, I might fall in love with her again."

"What if you don't?"

"I don't know. Panindigan ko na lang."

"You still have time to change your mind."

"Pinaranas ko na kay Lexi na hindi siputin ng mapapangasawa niya, I don't think kaya kong gawin ulit 'yun sa kanya."

"Still kasalanan niya rin kasi she force you to marry her," aniya at nginitian ko na lamang siya.

"Ok. Good luck man," aniya habang tinapik tapik pa ako sa likuran at umalis na.

Alam kong isa 'to sa pinakamahalagang desisyon ko and I hope handa na akong pasukin ang bagong kabanata na ito ng aking buhay kasama si Lexi.

Bea's POV
Nandito ako ngayon sa bahay at kasalukuyang nakaupo habang bumabalik sa akin ang mga pinag-usapan namin ni Kristoffer nung isang araw.

"Sigurado ka ba na papakawalan mo siya?"

"Hindi naman siya akin para pakawalan ko."

"But his heart belongs to you."

"Maybe pero hindi naman 'yun para sa akin."

"Bakit mo ba sinasabi 'yan? Heart never lies Bea. Why do you keep on pushing him away?"

"Dahil 'yun ang nakakabuti para sa lahat."

"Yun ba talaga? Think again Bea, alam mo na hindi 'yun ang nakakabuti para sa lahat. Si Jhake, he's suffering because you let him go. Ikaw, nasasaktan ka dahil hindi siya mapupunta sa'yo. Si Daniel, kahit inalis mo na si Jhake sa buhay mo alam mo sa sarili mo na hindi mo kaya lastly si Lexi, oo sa kanya nga magpapakasal si Jhake sa kanya pero sa tingin mo magiging masaya siya ng lubusan gayung pinilit niya lamang ito?"

Alam ko sa sarili ko na tama lahat ng sinasabi ni Kristoffer pero hindi ko pwedeng baliin ang pangako na binitawan ko kay Lexi.

"Bea alam ko nakakababa ito sa pagkatao ko but I am desperate enough to do this," ika nito at lumuhod na sa harapan ko.

"Lexi ano bang ginagawa mo?"

"Jhake is my whole life. I always imagine myself being happily married with him. Dapat nangyari na 'yun matagal na yet a tragedy happened. I blame God, I blame the accident, I even blame myself. Galit na galit ako nung nagpakilala kang asawa niya. I am raging with anger sa'yo at kay Jhake. How could he do this to me? Paulit ulit na tanong ko sa sarili ko then I realize Jhake loves me. Hindi niya ko magagawang lokohin at saktan kaya sinabi ko na peke ka kahit wala akong katibayan. Hanggang sa bumalik siya, ang saya saya ko nun pero kinalimutan niya ko. Do you know how much it hurts to see the one you love with someone else? It hurts like hell isama mo pa na hindi niya ko maalala. Nung nabuko ka na, akala ko babalik na sa dati ang lahat but I was still wrong dahil mahal ka na pala niya," umiiyak na pagkwekwento niya.

"Bea, I am begging you. Kamuhian mo na ko buong buhay mo, isumpa mo na ko lahat lahat. Just give me back Jhake. Please ibalik mo na siya sa akin," umiiyak pa rin na sipi nito pero sa pagkakataong ito ay nakatungo na siya.

"Tumayo ka na diyan Lexi," sipi ko at inalalayan ko na siya sa pagtayo.

"Hindi ko naman ginusto na sirain ang relasyon niyo eh at mas lalong hindi ko plinano na mahalin siya at ganun rin siya sa akin kaya huwag kang mag-alala. Ngayon itatama ko ang pagkakamali ko noon. Ibinabalik ko na siya sa'yo."

"Salamat Bea. Maraming salamat. Hindi ka magsisisi na pinaubaya mo siya sa akin. Aalagaan at mamahalin ko siya," aniya kaya ngumiti na lang ako ng tipid.

Napabuntong hininga na lamang ako sa mga naalala ko.

"Hindi ba ngayon 'yung kasal nila Jhake? Talaga bang ipapamigay mo na lang siya ng ganun ganun na lang?"

"Ako ang sumira ng relasyon nila Barbie. Tama lang na ako ang magsakripisyo."

"Hindi sakripisyo ang ginagawa mo ate. Sa ginagawa mo sinasaktan mo ang lahat. Wala kang inaayos ate sa katunayan mas pinalalaki mo pa ang butas."

"Pero Barbie. . ."

"Ate buong buhay mo nilaan mo na para sa akin. Nagawa mo pang magsinungaling para sa akin ngayon si Lexi naman ang inaalala mo. Kahit ngayon lang sarili mo naman ang isipin mo ate. Tao ka rin naman nasasaktan pero sa kabila ng mga sakit at paghihirap may nakalaan na magandang bukas para sa'yo kung pipiliin mo lang ang kaligayahan mo."

"Sa tingin mo si Jhake na 'yun?" tanong ko sa kanya at tumango lamang ito.

"Pero baka tapos na ang kasal nila."

"Paano mo malalaman kung hindi mo pupuntahan," aniya at ngumiti lamang ako sa kanya at tumakbo na nga paalis

Jhake hintayin mo ko.

Jhake's POV
Unti-unti nang naglalakad papasok si Lexi.

Nakasuot siya ng isang strapless na puting gown at nakaupdo ang buhok niya. Masasabi kong napakaganda niya pero sa pagkakataong ito hindi siya ang nais kong naglalakad papunta sa akin ngayon.

Sana nga lang si Bea na lang ang babaeng narito ngayon at aalayan ko ng aking mga pangako.

Sana nga siya na lang pero sino ba ang niloko ko?

Bumitaw na siya.

Dahil sa pag-iisip ko sa kanya ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Lexi.

Ngumiti ito sa akin pero hindi ko na lamang pinansin.

"If anyone object to this union speak now or forever hold your peace," sipi ng pari at sa pagkakataong ito kahit imposible ay umaasa ako na darating siya.

"Dear friends and family, we are gathered here today to witness and celebrate the union of Jhake Bustamante and Lexi Castillo in marriage. In the years they have been together, their love and understanding of each other has grown and matured, and now they have decided to live their lives together as husband and wife," sipi muli ng pari at pinagpatuloy na ang ceremony.

"Do you Jhake Bustamante, take Lexi Castillo to be your lawfully wedded wife, promising to love and cherish, through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall live?" sipi ng pari pero hindi ako nagsasalita.

"Jhake please," rinig kong saad ni Lexi kaya ibinalik ko ang toon ko sa pari.

"I do."

"Do you Lexi Castillo, take Jhake Bustamante to be your lawfully wedded husband, promising to love and cherish, through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall live?"

"I do father."

"Do you Jhake Bustamante, take Lexi Castillo, to be your partner in life and sharing your path; equal in love, a mirror for your true self, promising to honor and cherish, through good times and bad, until death do you part?" tanong muli sa akin pero halos ayaw ko na naman sumagot.

Nang sasagot na ako ay hindi ko na naituloy dahil sa boses na aking narinig.

"Itigil ang kasal," lahat kami napatingin sa nagsalita.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon