Chapter 30

276 17 5
                                    

Bea's POV
Matapos ang naging suntukan na naganap sa magkapatid ay masasabi kong iniwasan ko na nga si Daniel. Ayokong maging dahilan nang pag-aaway nilang magkapatid.

Sapat na sa akin na nasira ko ang buhay ni Jhake ng isang beses.

Sa bawat paglayo ko sa kanya ay mas lalo siyang nagpursige na mapalapit sa akin.

Katatapos lang ng trabaho ko at naglalakad ako pauwi ng biglang may humarang sa akin.

Akmang lalampasan ko na lamang siya ng bigla niyang hinigit ang braso dahilan upang humarap ako sa kanya.

"Bakit mo ba ko iniiwasan?"

"Alam mo naman kung bakit di ba? Bakit hindi mo na lang ako pabayaan?"

"Dahil ba sa sinabi kong mahal kita?"

"Hindi Daniel."

"Kung ganun. Ano?" medyo tumataas na ang boses nito.

"Dahil ayokong maging dahilan kung bakit magkakawatak watak ang pamilya niyo. Marami na kong kasalanang nagawa sa pamilya mo lalo na sa kapatid mo. Ayokong madagdagan pa 'yun."

"Kailanman hindi naging kasalanan ang magkaroon ng kaibigan Bea."

"Alam ko pero pakiramdam ko malaking kasalanan ang maging kaibigan ka."

"Buong buhay ko lagi na lang si Jhake ang inuuna. Lagi na lang siya ang pinapaboran. Para sa kanila ako ang laging mali. I'm feel like a worthless jerk until I found you Bea. Ikaw lang ang hindi humusga sa akin. Hindi mo pinaramdam sa akin na wala akong kwenta di tulad ng ginagawa nila tapos pati ikaw iiwan mo ko. Wala ka rin palang pinagkaiba sa kanilang lahat."

"You chose what Jhake will going to say than what I am going to feel," napayuko ako dahil sa sinabi ni Daniel.

Tumalikod na siya sa akin at nagumpisa ng maglakad.

Hindi ko ginustong saktan siya, nagkataon lang na ayaw kong masira ang pamilya nila.

Kung tama ang ginawa ko, bakit pakiramdam ko mali ang nagawa kong pagtaboy sa kanya?

Bakit nadarama ko ang sakit na nararamdaman niya?

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Daniel," tawag ko rito dahilan upang mapatigil siya sa paglalakad ngunit hindi siya humarap sa akin.

"I'm sorry kung nasaktan man kita. Hindi ko naman ginusto na saktan ang nag-iisa kong kaibigan. Hindi ko rin ginusto na layuan ang nag-iisang taong tumulong sa akin sa maraming paraan pero natanong ko sa aking sarili 'karapat dapat ba kong maging kaibigan mo?' at ang sagot ko 'hindi'. Sino nga ba naman ako para maging kaibigan ang isang katulad mo?"

"Malaki ang nagawa kong kasalan sa pamilya mo at kahit pa man wala akong balak na gawin sa'yo ang ginawa ko sa kapatid mo nasasaktan ako dahil sa pagtingin nila sa'yo. Hindi totoo, oo pero alam ba nila 'yun? Hindi. Hangga't nakadikit ako sa'yo pagtatawanan ka lang nila, lalaitin at mamaliitin. Ayokong maging dahilan ng kalbaryo sa buhay mo tulad ng ginawa ko sa kapatid mo."

"I'm sorry kasi hindi ko man lang iniisip ang mararamdaman mo. Akala ko kapag iniiwasan kita, mababawasan ang sakit na nasa puso mo pero nagkamali pala ako. Naisip ko na tama ka. Bakit kita lalayuan? Dahil ba sa sinabi nila? Dahil ba sa mga matang nakatingin sa atin? Wala akong pakay na masama. Kaibigan kita at kailangan ko palang ipaglaban 'yun. Maiintindihan ko kung itatakwil mo ko bilang kaibigan mo. Ako naman ang unang lumayo sa ating dalawa," sipi ko at napayuko na lamang.

Maya maya pa ay naramdaman ko na lamang na nasa bisig na niya ako.

"Maraming salamat Bea. This means a lot to me," aniya habang nakayakap pa rin sa akin.

Magsimula nga ng tagpong iyon ay bumalik ang turingan namin ni Daniel sa isa't isa.

Masaya rin ako at hindi na niya minsan pang binuksan ang topic tungkol sa totoong nararamdaman niya dahil sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang ire-react.

"Two choco latte," sipi ng customer dahilan upang mapatingin ako rito.

"Mayroon pa po ba sir?"

"Ikaw," sagot nito dahilan upang mapataas ang kilay ko.

"I am asking a few minutes with you."

"Hindi kasama ang oras ko sa menu," sambit ko at dun siya nagdukot sa wallet niya ng 5 thousand.

"Miss babayaran ko ang oras na magkakausap kami," aniya kay Leila na katrabaho ko. Kinuha naman nito ang pera.

"Sige po. Salamat," wika nito pagkatapos ay bumaling na sa akin.

"Sige na Bea."

"Pero. . ."

"Sige na at nagbayad na si Mr. pogi. Hati naman tayo eh," aniya dahilan upang napabuntong hininga na lamang ako at sumunod na nga sa lalakeng nasa harap ko.

"Kumusta?"

"Diretsuhin mo na ko."

"I need you to stay away from my brother."

"Bakit ko naman gagawin 'yun?"

"Dahil makakasama ka lang sa kanya and I'm sure siya na ang isusunod mong biktima kaya gagawin ko lahat para hindi maging kawawa si Daniel balang araw," aniya pero hindi ako kumibo.

"Pera ba ang kailangan mo? Name your price layuan mo lang ang kapatid mo."

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin? Mukhang pera."

"Bakit? Hindi ba?" May panunuya na mababakas sa kanyang boses.

"Hindi."

"Oh talaga? Nagpanggap kang asawa ko para sa pera at karangyaan."

"Kung 'yan ang gusto mong isipin. Wala na akong magagawa. Alam ko na malaki ang naging atraso ko sa'yo at hindi ko naman inaasahan na mapatawad mo ko pero kahit anong sabihin at gawin mo, hindi ko lalayuan si Daniel. Kaibigan ko siya at hindi ko kayang itapon ang pinagsamahan namin para lang masunod ang kautusan mo. Now, if you'll excuse me. I got work to do," sambit ko at umalis na nga roon.

Akala ko sanay na ko na mukhang pera ang tingin nila sa akin.

Hindi pa pala.

Masakit pala ang ipamukha sa'yo kung ano ang tingin nila sa'yo.

Alam ko na malaki ang kasalanan ko kaya naman nangangako ako na hindi na mauulit ang katangahang ginawa ko noon.

(a/n: Kumusta na kayo? Ano ang tingin niyo sa chapter na 'to? Minsan nakakainis rin si Jhake noh. BTW promote ko lang story ko entitled 'the tough princess and the rebel prince'. Sa external link po if ever the interested kayo. Thanks.)

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon