Chapter 1

1.4K 28 6
                                    

Third person’s POV
 Si Jhake Bustamante ay isang lalaking walang maalala dahil na-aksidente siya. May kumupkop sa kanya at ng isang taon na ang lumipas ay natagpuan siya ng sinasabing ina niya. Nung una ay ayaw niyang sumama pero naisip niya na pamilya pa rin niya ito kaya minabuti na niyang sumama. Sa pag-uwi nila sa mansyon ng mga Bustamante, pagpasok na pagpasok niya ay may nakita siyang isang napakagandang dilag na sinasabi ay asawa niya.

“Hija, buhay si Jhake. Buhay ang asawa mo,” maligayang saad ng ginang kay Bea.

“Opo, natutuwa ako,” sabi ni Bea nang kinakabahan.

“Ba’t parang kinakabahan ka? May problema ba?” Nakakunot na tanong ni Jhake.

Umiling si Bea. “Wala. Nagulat lang ako na buhay ka,” sabi ni Bea tapos biglang pumasok si Daniel at gulat na gulat din ito sa nakita.

“Jhake?” Sabi nito tapos niyakap niya si Jhake at tinapik sa likod ng mga tatlong beses.

“Sandali, ikaw ba ang kapatid ko?” Tanong ni Jhake nang makabitaw na sa yakap.

“Bakit? Hindi mo ba ka naalala? Ako si Daniel”

“Siya naman ang asawa ko?” Tanong ni Jhake nang ibaling niya ang atensyon sa babae.

“Huwag mong sabihin pati si Bea ay di mo maalala?”

“Daniel, walang naalala si Jhake tungkol sa nakaraan niya.”

Tumango si Daniel. “Ganun ba. Pasensya na Jhake. Akala ko kasi kinalimutan mo na kami.”

“Bea, ayos ka lang ba?”

“Opo, ma. Nahihilo lang ako,” ani Bea habang nakahawak sa ulo niya.

“Mabuti pa at magpahinga ka na.”

“Mabuti pa nga po.”

“Halika na Bea, aalalayan kita” sabi ni Daniel tapos hinawakan niya na si Bea.

“Sandali. Ako ang asawa ni Bea kaya dapat ako ang mag-alalay sa kanya,” sabi ni Jhake tapos hinawakan na niya si Bea ngunit hindi siya binibitawan ni Daniel.

“Pwede ba, Daniel?” Malumanay na tanong ni Jhake sa kapatid.

“Ah oo.” Sabi ni Daniel at binitawan na niya si Bea.

Inaalalayan ni Jhake si Bea pataas.

“Saan ba ang kwarto natin?” Tanong ni Jhake ng nasa ikalawang palapag na sila.

“Hindi ako natutulog sa kwarto mo. May sarili akong kwarto.”

“Bakit? Di ba mag-asawa na tayo?” Nakakunot na tanong ni Jhake.

“Ayaw kong matulog sa kwarto mo kasi wala ka naman dun.”

“Ngayon na nandito na ko, pwede na tayong matulog ng magkasama dun sa kwarto.”

Natigilan si Bea. “Um... Pwedeng huwag muna ngayon?”

“Ba’t naman?”

“Di pa kasi ako sanay.”

“Pero Bea mag-asawa tayo at dapat masanay ka ng katabi ako kaya ngayong gabi ay magtatabi na tayo”sabi ni Jhake tapos ngumiti lang siya.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na sila sa kwarto nila

“Sige na. Matutulog na ko,” ani Bea nang magtalukbong siya ng blanket at humarap sa kanang bahagi upang hindi makita si Jhake.

“Sige.” Sabi ni Jhake at lumabas muna ito.

Habang si Corazon na siyang mama naman ni Jhake ay nakikipag-usap sa matalik niyang kaibigan.

“Hindi talaga ko makapaniwala sa naging reaksyon ni Bea nung nakita niya na buhay si Jhake.” Naiiling na wika ni Corazon.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon