Chapter 15

501 18 2
                                    

"Malaki pala talaga ang nagagawa ng konsensya ng isang tao 'no? Kaya nga naiinis ako sa mga taong wala man lang konsensya at nagagawang manakit at manloko ng iba."

" Malaki pala talaga ang nagagawa ng konsensya ng isang tao 'no? Kaya nga naiinis ako sa mga taong wala man lang konsensya at nagagawang manakit at manloko ng iba."

"Oh, ate nandito ka lang pala," sabi ni Barbie sa akin at umupo sa tabi ko dahilan upang mabaling ang atensyon ko sa kanya.

Nasa veranda ako ngayon dahil nagpapahangin at upang makapag-isip-isip na rin.

"Wala. May iniiisip lang ako," saad ko nang muli kong dalhin ang aking tingin sa harapan.

"Hulaan ko, iniisip mo ang tungkol sa pagpapanggap mo 'no?" tanong nito sa maliit na boses kaya naman tumango na lamang ako.

"Wala naman na tayong magagawa eh. Nandito na tayo sa sitwasyon na ito kaya panindigan na lang natin." Sabi nito tapos may tiningnan siya sa gilid ka.

"Ah sige ate. Alis na muna ako," paalam nito at ngumiti na lamang ako kaya umalis na siya ng tuluyan.

"Bea," rinig kong tawag sa akin ni Daniel kaya naman tumingin ako sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Mukhang nagda-dalawang isip ka sa pagpapanggap mo," sabi niya kaya naman ay tumango na lamang ako.

"Bea, kung siguro ay iba ang may alam tungkol dito, matagal ka ng nabuko pero hindi eh. Dahil ako ang may alam ay mas pinili kong tulungan ka. Mas pinili kong magsinungaling sa sarili kong pamilya para lang ma-protektahan ka kaya naman sana ay huwag mong sayangin ang mga nagawa ko na para sa'yo dahil lang diyan sa pagda-dalawang isip mo."

"Alam ko naman 'yun, Daniel. Kaya lang ay na-ko-konsensya na talaga ako. Araw-araw ay nagsisinungaling ako sa mga taong napakabait sa akin. Si Jhake.  Ang mama mo. Hindi ko alam kung hanggang saan pa ang kakayanin ng konsensya ko."

"Pero Bea, isipin mo ang kapatid mo. Paano na lang ang magiging buhay niya kapag pagpinalayas kayo? Hindi mo siya mabibigyan ng magandang kinabukasan at isa pa ang sabi mo ay gusto mong makatulong sa ibang tulad mong mahihirap. Paano mo 'yun magagawa kung wala kang pera?"

Nagbuntong-hininga ako bago tumingin sa kanya, "tama ka Daniel. Kailangan kong tiisin at ipagwalang bahala ang konsensya kong ito. Hangga't hindi pa maayos ang buhay ni Barbie ay kailangan ko itong ipagpatuloy." Sabi ko at tumango na lamang siya.

Maya-maya pa ay napatingin kami ni Daniel sa tumikhim.

Tumayo si Daniel upang salubungin ang kapatid. "Oh bro, ikaw pala."

"Maari ko na bang kunin ang asawa KO?" Tanong niya kay Daniel pagkatapos ay tiningnan niya ako bago muling ibalik ang kanyang tingin sa kapatid.

"Ah. Oo naman," sabi ni Daniel at umalis na kami ni Jhake.

 Nandito na kami ngayon sa aming silid.

"Ba't parang masyado ata kayong close ni Daniel?" nakakunot ang noo niyang tanong dahilan upang lingunin ko siya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nung pagbalik ko dito ay kayo ang magkasama tapos ngayon ay nakita  ko na naman kayong magka-usap."

"Magkaibigan lang kami."

Pinaningkitan niya ako ng mata, "sigurado ka?"

Tinanguan ko siya. "Oo naman. Bakit? Sandali, huwag mong sabihing nagseselos ka?" tanong  ko sa kanya at nakita kong namula ng bahagya ang kanyang pisngi at nag-iwas sa akin ng tingin.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon