"Oh Jhake and Bea. Nice to see you here." napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses at doon ko nakita si Lexi na nakangiti.
"Lexi." Gulat na sabi namin ni Daniel nang makalapit na rin ito sa amin.
"Oh. Ba't parang nakakita kayo ng multo? Aren't you happy to see me?"
"Lexi, kung nandito ka para guluhin ang pag-i-i-stay namin ni Bea dito, sinasabi ko sa'yo na bumalik ka na sa Maynila."
"Ouch naman, Jhake. Ganyan na ba talaga ang tingin niyo sa akin? Nakaka-hurt naman." Sabi nito at nag-arte pa na nasasaktan sa pamamagitan nang paglagay ng kanang kamay niya sa may dibdib niya.
"We are done of your drama Lexi." Mariing sabi ni Jhake kay Lexi.
"Let's go, Bea." Yaya nito sa akin ay ako naman ay tumango na lamang at umalis na kami dun.
"Ba't mo naman pinagsalitaan ng ganun si Lexi?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Halata naman kung bakit siya nandito eh. At 'yun ay para sirain ang araw natin habang nandito tayo."
Tumango ako. "Sabagay. May tama ka naman diyan."
"Alam mo. Mabuti pang ipagpatuloy na natin ang paglilibot natin dito."
"Mabuti pa nga."
Lexi's POV
Kahit kailan nakakainis talaga ang babaeng 'yun. Masyado niyang nabibilog ang utak ni Jhake. Ito namang si Jhake, si Bea ang pinaniniwalaan porke't may pinakitang marriage certificate, wedding picture at singsing ay kasal na agad sila.Una pa lang alam kong walang maidudulot ang babaeng 'yun sa relasyon namin ni Jhake eh.
Una, nagtalo kami ni Jhake dahil sa ginawa kong pagpapatanggal dun sa babaeng 'yun sa isang restaurant.
Pangalawa, hindi ako pinaniniwalaan ni Jhake dahil sa pesteng babaeng 'yun.
Tapos ngayon, nagagawa niya akong itaboy ng dahil na naman sa babaeng 'yun.
Hindi ako makakapayag.
Hindi ako makakapayag na maging masaya silang dalawa samantalang ako ay miserable.
Ako ang una at totoong minahal hindi ang babaeng 'yun kaya ako rin ang makakatuluyan ni Jhake. Ako lang ang babaeng para kay Jhake, hindi kung sino-sino lang na babae diyan.
"Lexi." Lumingon ako sa tumawag sa akin.
"Oh Daniel ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" Bored kong wika.
"Business."
"Come on. Si Jhake ang pinadala dito ni tita para sa isang business meeting, hindi ikaw."
"Well, a vacation perhaps?"
"Come on. Tell me the real reason. Mapagkakatiwalaan mo naman ako."
"Fine. I'm here kasi wala akong tiwala kay Jhake. May amnesia siya at baka pumalpak siya sa business meeting niya. At least masalo ko siya, di ba?"
"May amnesia lang si Jhake pero hindi ibig sabihin nun na tanga na siya. Based on his amnesia, memories lang ang nawala sa kanya, hindi tulad ng ibang amnesia na hindi marunong kumain o magsulat."
"Pero maaring nakalimutan niya kung paano makipagbusiness meeting."
"Magaling siya and once na magaling ang isang tao makalimot man ang isip ay magaling pa rin siya."
"Mukhang may gusto kang sabihin diyan sa sinasabi mo. Parang once na mahal mo ang isang tao, makalimot man ang isip, mahal niya pa rin iyon sa kanyang puso. Tama ba ako, Lexi?"
"Tama ka, Daniel."
"Grabe talaga ang tiwala mo sa kapatid ko kahit pinagtatabuyan ka na niya at mas pinaniniwalaan niya ang ibang tao kesa sa'yo."
"Ganun talaga pag mahal mo ang isang tao, Daniel. Lahat gagawin mo para lang mapasa'yo siya. Magmukha ka man masama sa harap niya, gagawin mo pa rin dahil alam mo na sa bandang huli kayo rin ang nakatadhana."
"Sabihin na natin mahal ka nga Jhake kaya nga handa siyang pakasalan ka at nagpapanggap lang talaga Bea pero paano kung mahulog ang loob niya sa peke niyang asawa na sinasasabi mo? Hindi naman malayong mangyari 'yun lalo pa't magkasama lang sila a iisang silid."
"Hindi ako makapapayag na manalo ang hampas lupang iyon! Wala siyang kwenta Daniel. Gagawin ko lahat para hindi mangyari ang sinasabi mo."
"Hindi mo hawak ang puso ni Jhake, Lexi. Mas lalong hindi mo hawak ang tadhana," sabi nito at naglakad na paalis.
Hindi ako makakapayag na magtagumpay ang babaeng 'yun.
Maari ngang siya ang may upperhand ngayon pero darating ang araw na mapapatalsik ko rin siya sa buhay ni Jhake. Pagdumating ang araw na 'yun ay talagang magsasaya ako.
Bea's POV
Nagmamasyal kami ni Jhake. Grabe ang ganda talaga dito. Babalik ako dito kung kailan."Jhake, picture tayo."
"Aishh huwag na."
"Sige na. Please." Sabi ko at nagpout pa ako.
Umiling siya pero pumayag rin naman. "Sige na nga."
"Yey. Kuya, pakipicturan naman po kami oh." pakiusap ko sa lalakeng hindi ko kilala na siyang nasa malapit namin. Inabot ko sa kanya ang cellphone ko.
Napose na kami ni Jhake.
Nakaakbay siya sa akin tapos ako naman ay nakayakap sa bewang niya at nakangiti kami.
"Salamat po, kuya." Saad ko nang tanggapin ko pabalik ang cellphone ko. Tinanguan lang ako nito at umalis na.
****
Pagkatapos naming maglakad-lakad ni Jhake ay bumalik na kami sa hotel.
"Behave ka lang ah at may business meeting na ako."
"Sige. Good luck sa business meeting mo."
"Salamat," sabi nito at hinalikan ako sa noo bago siya umalis.
Ano kayang gagawin ko rito?
Hay mabuti pa at magtampisaw muna ako sa dagat.
Nakaupo na ako ngayon sa dalampasigan.
Napakasariwa ng hangin at napakagandang panoorin ang sunset. Sayang nga lang at wala si Jhake.
"Mag-isa ka lang ata?" Wika ni Daniel na siyang umupo sa tabi ko.
"Pumunta na kasi sa business meeting si Jhake eh."
"Mukhang may nakakalimutan ka ata Bea." Sabi nito kaya agad akong napatingin dito.
"Hindi ka niya tunay na asawa kaya huwag kang masyadong ma-attach kay Jhake dahil sa oras na malaman niya ang totoo, iiwan mo rin siya at pagmasyado kang na-attach sa kanya ay masasaktan ka lang lalo na kung mahal mo na siya." sabi nito kaya ibinalik ko na lang ang aking tingin sa kalmadong dagat.
"Alam ko. Kaya nga hangga't kaya ko ay pinipigilan ko ang sarili kong mahalin siya. Alam kong mali eh 'tsaka wala rin namang patutunguhan ang pagmamahal ko sa kanya oras na malaman niya ang totoo."
"Buti naman at hindi mo nakakalimutan iyan."
Tinanguan ko siya. "Salamat, Daniel. Salamat."
![](https://img.wattpad.com/cover/2560346-288-k898260.jpg)
BINABASA MO ANG
Pretense or Romance
RomanceWhen Bea Cruz played the role of a loving wife to Jhake Bustamante whose memories were already forgotten, she needed to do everything just to conceal her true identity to his fake husband and to the people around them. Yet, what if she fell in love...