Chapter 51

262 16 1
                                    

Bea's POV
Pagkarating ko sa bahay galing sa trabaho ay kumuha lang ako ng ilang gamit at aalis na rin.

"Ate pupuntahan mo na naman si Jhake?"

"Kailangan niya  ko ngayon Barbie eh."

"Oo kailangan ka niya pero ate naman paano kung magkasakit ka  dahil diyan sa ginagawa mo? Trabaho sa umaga pagkatapos pupuntahan mo siya pag gabi. Alagaan mo naman ang sarili mo. Mas lalong hindi mo siya mababantayan pag pati ikaw ay nahospital na rin."

"Salamat Barbie sa pag-aalala. Pangako hindi ko pababayaan ang sarili ko. Dadalawin ko lang siya saglit."

"Mag-iingat ka ate," aniya at nginitian ko lamang siya't umalis na nga ako at nagtungo na sa hospital kung nasaan si Jhake.

Heto katulad pa rin siya ng dati. Nakahiga at walang malay.

Umupo na nga ako sa upuan sa katabi ng kama niya.

"Ayan Jhake napagalitan na ko ni Barbie dahil sa pagdadalaw ko sa'yo. Sa totoo lang gusto kong magsorry kasi nakalimutan ko na alagaan ang sarili ko. Ang  nasa isip ko lang kasi ay alagaan ka ng mapabilis ang paggaling mo. Siguro kung gising ka ngayon ay pinapagalitan mo na rin ako. Jhake alam mo ba may nahanap na kami ni mama Corazon na magdo-donate ng dugo sa'yo kaya konting tiis na lang ah at alam kong gigising ka na rin."

"Miss na miss na kita eh. Di ba papatunayan pa natin sa kanila ang forever? Huwag mo naman akong iwan kasi kailangan kita, kasi mahal kita, kasi pangalan mo ang nakaukit sa puso ko. Kahit anong mangyari hawak kamay nating haharapin ang mundo," sipi ko habang nakahawak sa kamay niya.

Lexi's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at kakagising ko lang ng biglang pumasok si Joyce.

"Lexi shopping tayo," yaya nito sa akin.

"Ayoko. Ikaw na lang kung gusto mo," malumbay kong saad.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Ilang araw ka ng ganyan ah. Pati shopping hinindian mo which is really unusual. May problema ka ba?" tanong nito kaya umiling na lang ako.

"Come on. Don't make me a fool. Kilalang kilala kita. Halos magkapatid na nga tayo eh."

"Wala nga kasi akong problema! Bakit ba ang kulit mo?" hindi ko na napigilan na pagtaasan siya ng boses dahilan para maukit sa kanyang mukha ang pagkabigla.

"Hindi ko alam kung anong meron sa'yo Lexi. I only want to help pero kung ayaw mo then fine. You can do it yourself the go fix what is bothering you," aniya at umalis na nga.

Napabuntong hininga na lang ako at napahilamos ng mukha.

Ayoko na. Alam ko mas nakakabuti na walang alam si Joyce. Na ilihim ko na lang 'tong nalaman ko dahil sa buhay ng mga taong mahahalaga sa akin ang nakatay rito pero hindi kaya ng konsensya ko.

Gustong-gusto ko nang magsalita pero isang alagad ni satanas ang kalaban ko.

Kung si Jhake nga na  sarili niyang kapatid nagawa niyang pagtangkaang patayin paano pa ang mga taong hindi niya naman kaano-ano?

Jhake please ano ba dapat ang gawin ko?

Sa pigpikit ko ng mata ay ang itsura ni Jhake na nakaratay sa hospital bed ang nakikita ko.

Ilang gabi na rin akong hindi makatulog sa gabi dahil sa bangungot na nararanasan ko.

Minsan ko nang nakita si Jhake na humihingi ng tulong pero pagtingin ko sa kabilang banda ay naroon si mommy at Joyce na umiiyak.

Maybe I need to do something.

Joyce's POV
Nandito ko ngayon sa coffee shop kung saan nagtratrabaho si Bea at nakikipag-usap ako ngayon sa kanya.

"May alam ka ba sa maaring gumugulo sa isip ni Lexi?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Huli ko siyang nakita nung sa araw pa ng kasal  nila ni Jhake. Ni hindi ko na rin siya nakakausap. Bakit? Anong problema?"

"Hindi ko rin alam eh pero simula nung umuwi  kami galing ng bumisitia kami kay Jhake ay nagkaganun na siya. Nung malaman niya na nahospital si Jhake ay ayaw niya ngang magpa-awat na dalawin siya pero magsimula nun ni ayaw niya ng tumungtong sa hospital. Ni wala naman akong ideya kung ano."

"Ganun ba? Nakakaawa naman siya. Baka may mabigat  siyang problema."

"Sige Bea salamat  ah."

"Sana maging maayos rin siya," aniya at ngumiti ako sa kanya.

Ayokong nakikita na nagkakaganun si Lexi. I know kung ano man ang problema niya malalaman ko rin 'yun.

Lexi's POV
Nagdadalawang isip ako sa gagawin ko habang nakatingin sa napakalaking bahay pero nakapagdesisyon na ko.

Bumuntong hininga ako at pumasok na nga.

"Oh Lexi napadalaw ka."

"Hi po tita may mahalaga kasi akong sasabihin sa'yo eh."

"Ako rin Lexi. Napakasaya ko kasi nakahanap na kami ng donator ng dugo kay Jhake at ooperarahan na siya bukas. Di ba may sasabihin ka? Ano 'yun?"

"Tungkol po 'to sa mga anak niyo." Saad ko pero agad nawala ang atensyon ni tita sa akin.

"O Daniel kararating mo lang?" Wika ni tita na siyang dahilan upang umusbong ang kaba sa aking dibdib.

"Yes, ma. Oh, nandito ka pala Lexi," aniya at binigyan ako ng isang evil smirk.

"Lexi you may continue. What about my sons?"

"Oo nga naman Lexi ipagpatuloy mo na."

"Ah wala po." Naiiling kong saad.

"Sigurado ka?"

"Opo. Pasensya na. Hindi naman po 'yun ganun kaimportante."

"Sige. Mauna na ko at kailangan ko pang pumunta ng opisina," sipi ni tita at umalis na.

"At balak mo pa talagang magsalita."

"Hindi ko na kaya Daniel. Hindi kaya ng konsensya ko. Ikaw ba? Hindi ka ba nakokonsensya?"

"Konsensya? Lexi matagal na kong wala nun. Papalampasin ko 'to ngayon tutal wala ka pa namang sinasabi pero sa oras na magsalita ka, hindi na ko magdadalawang isip na ibigay sa'yo ang pinag-usapan natin. Naiintindihan mo?" aniya kaya naman tumango na lamang ako.

"Mabuti," wika nito at umalis na nga ako

**

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ang picture ni Jhake sa wallet ko.

"Sorry Jhake at wala akong magawa sa nangyari sa'yo. Sana maintindihan mo ko. Sinubukan kong magsalita dahil baka sakaling matapos na 'to pero mukhang ayaw talaga. Mas pipiliin ko pang mahirapan dahil sa konsensya ko basta ligtas ang mga mahal ko sa buhay. Jhake I'm sorry talaga. Alam ng Diyos na gusto kong bigyan ng hustisya ang nangyari sa'yo. Dalawang beses ka ng balak patayin ni Daniel Jhake pero wala man lang akong magawa."

"Anong sinabi mo? Anong ginawa ni Daniel?" napatingin ako sa nagsalita at dun ko nakita si Joyce.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon