Chapter 39

275 19 3
                                    

Lexi's POV

"Sige naman na Jhake. Kain na tayo sa labas."

"I'm sorry Lexi pero nakikita mo naman na marami akong ginagagawa."

"Hindi naman siguro babagsak ang kompanya niyo kung konting oras ka lang mawawala."

"Lexi please try to understand. Hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko ngayon."

"Bakit ba mas mahalaga sa'yo ang trabaho kesa sa akin?"

"Jhake nawala ka lang ng saglit pagbalik mo ibang Jhake ka na. Kasama bang nawala 'yung pagmamahal mo sa akin?"

"Lexi it's not like that."

"Ano? Hindi ako manhid para hindi maramdaman. This is not you dahil ang Jhake na mahal ako you have time for me. Sabihin mo nga sa akin. Do you still love me?" tanong ko rito pero  naglook away lamang ito sa akin dahilan upang may tumulong luha sa kaliwang mata ko.

"I guess I know now the answer," sipi ko at pinunasan ang luhang tumulo.

"Kaya pala ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa kasal natin. I'm so sorry pero hindi ko hahayaang maging masaya ka. One more thing, I know matutuloy ang kasal natin kahit anong mangyari," sipi ko at lumabas na nga roon.

Oo. Nasasaktan ako dahil simula ng bumalik siya ay hindi ko na naramdaman na siya yung lalakeng minamahal ako  at minahahl ko per kahit ganun pa man ay handa akong gawin lahat para ipaglaban ang pag-iibigan namin.

Ako ang una niyang mahal at sa akin siya unang nangako na ako lang ang mamahalin niya kaya gagawin ko lahat para sa bandang huli ay kami pa rin.

Maaring nagbago ang nararamdaman niya pero sisiguraduhin ko na mamahalin niya ulit  ako.

Bea's POV
Mabilis natapos ang isang buwan at kasalukuyang nagiimpake na nga kami ng gamit ni Barbie.

"Hatid ko na kayo," anyaya ni Daniel.

"Naku! Huwag na. Nakakahiya naman."

"Ano ka ba? Hindi naman kayo iba sa akin."

"Kahit na. Salamat kasi tinulungan mo kami ni Barbie tulad nung nahospital siya at wala akong perang pambayad. Pati na rin sa pagtatanggol sa akin sa mama mo. Salamat sa lahat."

"Kung makapagsalita ka naman parang hindi na tayo magkikita," aniya kaya naman napatawa kaming dalawa.

"Ate tapos na ko," rinig kong saad ni Barbie kaya humarap ako sa kanya.

"Ganun ba. Halika na ng makapagpaalam na tayo sa kanila at makauwi na," sipi ko at tumango na lamang si Barbie.

Tinulungan na nga kami ni Daniel magbuhat ng iba naming gamit.

Sa totoo lang ay konti lang naman ang dala naming gamit dahil alam kong hindi naman kami magtatagal para hindi hassle.

Nagsimula na kaming magpaalam ni Barbie sa mga kasambahay.

"Wala ng magtutulong sa akin magluto," sipi ni Brenda na siya namang kinangiti ko.

"Ako. Pwede naman kitang tulungan," sipi ni mang Jordan na siyang hardinero.

"Tse. Baka masunog pa."

"Buti naman at aalis na rin kayo," napatingin kami sa nagsalita at dun namin nakita si ma'am Corazon

Nag-excuse na sila Brenda at bumalik na sa kani-kanilang trabaho.

"Ah opo. Salamat po sa pagpatira sa amin dito kahit alam kong labag 'yun sa kalooban niyo."

"Dapat talagang magpasalamat ka dahil after all ng ginawa mo hinayaan pa kitang makatapak muli sa pamamahay na 'to."

"Ma, ano ba! Aalis na nga 'yung tao kung ano-ano pang pinagsasabi mo diyan."

"Sige, kampihan mo na naman sila tutal that's what you always do," aniya at umalis na nga.

"Pagpasensyahan niyo na si mama ah," sipi ni Daniel at tumango na lang ako.

"Kung wala lang talaga ko sa pamamahay niya nasagot-sagot ko na 'yun."

"Barbie,"  saway ko rito.

"Nakakainis na kasi."

"Hayaan mo na lang. Mabuti na, halika na," sipi ko at palabas na sana kami ng makasalubong namin si Jhake.

"Aalis na kayo?" tanong nito ng mapansin ang konting bag na dala namin.

"Oo Jhake. Salamat pala sa lahat. Salamat kahit nung galit ka pa sa akin pero kinalaunan ay nagbago 'yun. Iniligtas mo ko sa kapahamakan at naging mabait kang kaibigan. Sorry kung nagulo ko na naman ang buhay niyo. Huwag kang mag-alala, aalis na kami kaya babalik na ulit sa normal ang buhay niyo. Salamat ulit," sipi ko at nilampasan na nga siya.

Napapikit na lamang ako ng mata.

Masakit para sa akin na magpaalam lalo na sa taong mahal mo.

Alam ko naman sa pag-alis ko rito mawawala na rin ako sa buhay niya.

Sino naman ako para alalahanin niya?

Ako lang naman si Bea Cruz na niloko siya.

Jhake's POV
Nakatingin ako ngayon sa paalis na si Bea.

Tatawagin ko sana siya kanina nung nilampasan na niya ako pero hindi ko naman alam kung anong sasabihin.

Ngayon pang nasanay na naman ako na narito siya sa bahay.

Balang araw sasabihin ko rin sa kanya ang nararamdaman ko pero sa ngayon kailangan ko munang ayusin ang sa aming dalawa ni Lexi.

Sana sa pagkakataong 'yun ay makasama ko na siya.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon