Chapter 33

324 17 3
                                    


"Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong nito pero tila umurong ang dila ko at hindi ako makapagsalita.

"Bakit hindi ka makapagsalita? Ang lakas naman ng loob mo para tumapak pa sa pamamahay na ito," aniya dahilan upang mapayuko na lamang ako.

"Kasi ako ang dahilan kung bakit siya nandito," agad kaming napalingon na dalawa sa nagsalita.

"Pues, sinasabi ko sa'yo Daniel na paalisin mo ang babaeng 'yan dito sa mansyon ngayon din."

"Bakit ko naman gagawin 'yun?"

"Kailangan ba lagi na lang ikaw ang magdedesisyon sa bahay na 'to. Bahay ko rin naman 'to ah, dito rin ako nakatira at gusto kong papasukin kung sinuman ang gusto kong papasukin rito o patirahin ang gusto kong patirahin rito sa mansiyon."

"Huwag mong sabihin na dito mo papatirahin ang babaeng 'yan?"

"Ang galing mo namang manghula. Huwag kang mag-alala, ako ang naghire sa kanya bilang personal maid ko."

"Nasisiraan ka na ba ng ulo Daniel? Gagawin mong maid ang babaeng 'yan dito sa bahay!"

"Correction, personal maid ko kaya wala kang karapatan na hamakin at saktan siya dahil hindi ikaw ang amo niya. Bea halika na at ipapakita ko sa'yo ang magiging kwarto mo," sipi ni Daniel kaya naman sumunod na lang ako.

Nakarating kami sa isang kwarto. Maliit lamang ito pero ayos na rin naman.

May isang kama at cabinet rito.

"Sigurado ka ba Daniel na ito ang kwarto ko?"

"Bakit? Ayaw mo ba? Gusto mo ba sa mas malaking kwarto?"

"Naku hindi! Nagtataka lang ako kung bakit nasa isang kwarto ako. Di ba 'yung mga katulong magkakasama sa isang kwarto?"

"Tama ka roon Bea pero baka nakakalimutan mo na hindi ka katulong dito sa bahay. Perosnal maid kita at isa pa wala ng bakanteng kama para sa'yo dun sa kwarto nila," aniya kaya napatango tango na lamang ako.

Nagtungo nga ako sa may kama at dun umupo at napabuntong hininga na lamang.

"Bakit? Anong problema?" tanong nito at umupo siya sa tabi ko.

"Pakiramdam ko kasi isang malaking pagkakamali na narito ako ngayon sa mansyon niyo," sabi ko at hinawakan niya 'yung kamay ko na nasa kama.

"Huwag mong isipin 'yan. Kung si Jhakke ang iniisip mo, hayaan mo lang siya. Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ka narito, di ba? Gawin mo 'to para sa kapatid mo. Huwag kang mag-alala sweswelduhan naman kita."

"Naku Daniel! Kahit huwag na. Malaking bagay na nga 'yung natulong mo sa akin," sipi ko rito pero isang ngiti lang ang isinagot nito sa akin.

Daniel's POV
Nagkasalubong kami ni Jhake kaya nilamapasan ko na lamang siya. Tinawag niya ako dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Anong pumasok sa utak mo at pinapasok mo ang babaeng 'yun dito?"

"Are you gonna boss me around again, like what you always do?"

"Daniel this is not about that. Alam naman natin kung ano ang ginawa niya."

"Napansin ko lang, these past few weeks kapag mag-aaway tayo laging siy na lang ang dahilan. Dahil ba sa kasalanan niya sa'yo o may iba pang dahilan Jhake. Kung meron man I know alam mo 'yun hindi mo lang ma-acknowledge."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Huwag mo kong gawing tanga Jhake."

"Talagang huwag kang maging tanga Daniel. Hindi ba katangahan ang ginawa mo? Your giving that woman a chance to hit you."

"Well I'm sorry my dear brother. Pero malaki ang tiwala ko kay Bea na hindi niya gagawin sa akin nang ginawa niya sa'yo. I trust her more than I trust you."

"Good luck na lang diyan sa katigasan ng ulo mo."

"Ano na naman ba 'to?" tanong ni mama na kararating pa lang.

"Tanungin mo 'yan," sipi ni Jhake at iniwan na nga kami ni mama.

"Pwede bang sabihin mo sa akin kung tungkol saan 'yun?"

"Bakit pa? Alam ko naman na siya na naman ang kakampihan mo."

"Daniel stop being childish at sabihin mo sa akin ang pinag-aawayan niyo ni Jhake!"

"Nandito ngayon si Bea. Pinatira ko siya dahil kinuha ko siya bilang personal maid ko."

"What? Are you out of your mind? Alam mo naman kung. . ."

". . .ano ang ginawa niya. Parehas kayo ng sinabi ni Jhake kaya pwede ba ma huwag na at narinig ko na 'yan."

"But Daniel. . ."

"Kahit ngayon lang, maramdaman ko man lang na tama ang desisyon ko," sipi ko at iniwan na si mama roon.

Nakakainis lang kasi eh.

Dapat ba kahit anong desisyon ko lagi nilang pinararating na mali ako.

Kailan pa ba ko naging tama sa paningin nila?

Bea's POV
Maghahating gabi na at wala ng masyadong gising dito sa mansyon.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman minabuti ko ng pumunta sa kusina para makainom. Dumiretso ako sa may ref at dun kumuha ng tubig at isinalin ko sa basong hawak hawak ko. Uminom na nga ako rito pagkatapos ay tumalikod na ako pero sa pagtalikod ko ay nagulat ako, buti na lang di ko nabitawan tong baso.

"What a small world? Tingnan mo nga naman. Yung fake wife ko nakatira na naman sa isang bubong kasama ko."

"Alam kong ayaw mo ko rito at ganun rin ako. Mas gusto ko pang matulog sa papag kasama ang kapatid ko kesa sa isang palasyo mga taong galit naman sa akin ang nakatira rito."

"Ganun naman pala. So what are you doing here? Oh is it because of money again?"

"Isipin mo na ang gusto mong isipin pero alam ko sa sarili ko ang totoo kung bakit ako narito,"sipi ko at nilampasan na nga siya pero napigilan ako nito dahil hinawakan niya ang kanan kong braso at hinila niya ako paharap sa kanya at masasabi kong napakalapit na namin sa isa't isa.

"Don't you know its rude to turn away when someone is talking," aniya at napakalapit ng mukha namin sa isa't isa.

Maya maya ay binitiwan na nga niya ako kaya nakahinga na ako ng maluwag na konti. Kanina kasi parang kakapusin na ko ng hininga ng magkalapit kami.

Humakbang ulit siya papalapit sa akin kaya naman hahakbang sana ako paatras pero huli na't nakalapit na siya.

Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga at dun may binulong.

"Whatever your plan is sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay. You'll regret on stepping in this house one more time," aniya at umalis na nga pagkasabi niya nun.

Napahawak na lamang ako sa dibdib ko at ininom ko pa ang natitirang tubig sa baso na hawak ko.

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon