PROLOGUE

1.4K 93 3
                                    

[VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS]

Sabi ng iba, ang lahat ay may natatanging talento pero hindi lahat nagagamit ito sa pinakamagandang paraan.

Ang taong nabigyan ng regalo ay gagamitin ito sa mabuting paraan, hanggang umabot sa kaunlaran ng isang bagay.

Kagaya ng ating talento, gagamitin natin ito sa mabuting paraan, hanggang umabot sa kaunlaran na makakabuti sa ating buhay.

Ginawa ang larong [VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS] sa isang paraan.

Ang paunlarin ang itatayo mong lugar, ang mundong NEW WORLD ay nahaharap sa isang malawakang problema dulot ng kahirapan.

Gagawin mo ang lahat kaakibat ng ating talento, koneksyon, karunungan, kasipagan, katalinuhan at lahat ng nalalaman mo paano ba mag patakbo ng Village? Town? City? Capital City? Kingdom? Hanggang umabot sa Empire?

Maraming problema.

Kawalan ng tirahan, kawalan ng hanapbuhay, kawalan ng makakain at mapagkukuhanan ng pagkain. Kumakalat na nakakamatay na pandemic at iba pa.

Bilang isang manlalaro paano mo ito masusulusyunan?

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon