3RD PERSON'S POV
Butil ng pawis ang tumulo sa nuo ng dalaga pababa sa pisngi hanggang sa leeg nito, sobrang init ng panahon. Pakiramdam niya ay siya'y tila nagbabaga at kahit kailan hindi ito naging kumportable...
Napaayos ito ng puwesto at gamit ang likod ng palad ay pinunasan ang pawis na iyon at tinuloy ang ginagawa.
Dulot ng Climate Change na nasa balita, sinasabing kapag hindi ito naagapan maaaring ang susunod na generasyon ng tao ay hindi na ulit masaksihan, maging ala-ala na lang sa nakaraan. Ngunit hindi ito nakapigil sa pagta-trabaho niya upang ang pera na makukuha niya pagkatapos sa trabahong ito ay maipangkain ng kanyang mga kapatid.
Sa magkakapatid na tatlo, siya ang panganay at ang may kakayahan mag-alaga sa mas nakakabata niyang kapatid, ang dalagang ito ay si Xu Ji.
Oo tama kayo ng basa, si Xu Ji na kalaro ni Zion sa Virtual Reality: Godly Gifts. Dulot ng kahirapan ganon na lang ang pagkakaroon nito ng pusong malaki na handang tumulong sa nangangailangan, mapa totoong buhay o laro pa ito. Marahil naranasan na rin nito, ang siya ang mawalan at manghingi ng tulong ngunit ang mga palad ng kanyang hinihingan ng tulong ay sarado.
Tiniis ni Xu Ji ang init ng panahon at tinuloy ang trabaho... Patapos na rin naman siya.
Nung makuha niya ang sweldo na limang daan ay umuwi na siya, sa bahay ay nakaabang na sa pinto ang dalawang kapatid ni Xu Ji,...
Nangangayayat ang isa sa kapatid ni Xu Ji at sakitin habang ang isa naman na kapatid ni Xu Ji ay kabaliktaran, wala na silang magulang kaya ang nag-aalaga ngayon sa mga ito ay ang panganay na kapatid na si Xu Ji.
Ganun naman sa Pilipinas, kung hindi kaya ng magulang o wala ang mga magulang ay mapupunta sa kapatid ang pag-aalaga sa kapatid. Sinalubong siya ng matamis na ngiti ng mga bata at mainit na yakap ng mga ito... Halos lahat ng nararamdaman niyang pagod, init at hindi pagiging kumportable ay biglang nawala, 'tila ang madalim niyang mundo ay unti-unting nagkakaliwanag.
Makita lamang masaya ang mga kapatid niya ay buo na ang kanyang araw.
"Pawis ang ate ninyo, magbibihis lang ako tapos kakain na tayo. Hintayin niyo si Ate ah." Tumango ang dalawang bata at naghintay sa lumang mahabang upuan.
Pagkatapos ni Xu Ji magbihis isasarado na sana nito ang kabinet ng napako ang tingin niya sa ipunan na gawa sa bamboo, sa balot nito ay may nakapaskil na 'Para sa bagong damit ni Xu Ji'. Kinuha niya ito at medyo mabigat na rin ito kahit papaano.
Sa 500 pesos na nakuha niyang sweldo ngayong araw, itatabi niya sana ang isang daan ngunit naisipan na sing-kwenta na lang ang ilagay.
Hindi naman dati naghihirap ang pamilya ni Xu Ji, noong buhay pa ang mama at papa niya ay nasa maayos na pamumuhay sila, kahit papaano nakakakain sila ng tatlong beses sa isang araw, lalo pa silang sumaya nung nadagdagan ang pamilya nila ng kambal ngunit nagbago ang lahat ng magkasakit ang mama niya at kalaunan ay pumanaw din, hindi ito kinaya ng papa nila at nagpakasasa sa mga alak at hindi rin ito kinaya ng kanyang katawan.
Sinubukan ni Xu Ji na isalba kahit papaano ang haligi ng kanilang tahanan, pumunta siya sa kakilala niya rati na dating tinutulungan nila ngunit ang kabaitan na napakita nila dati ay hindi nasuklian, tumawag na rin sila sa ilan pang kapamilya nila ngunit dahil mahirap ang buhay unting pera lamang ang napadala, sinubok na rin ni Xu Ji humingi ng tulong sa gobyerno ngunit nahuli na rin ang lahat, sumunod na pumanaw ang kanilang papa at lahat ng naiwan sa kanya ay ang unting pera na pension ng mga magulang niya nung nagta-trabaho pa sila.
Ibinalik niya ang ipunan na iyon at kinita na rin niya ang mga kapatid na naghihintay sa kanya, isang katok sa pintuan nila ang narinig niya kaya sinabi muna niya sa kanyang mga kapatid na maglaro habang kikitain niya ang taong kumakatok.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...