CHAPTER 3: Novice Village 2

520 52 1
                                    

ZION'S POV

Upgrade to Novice Village 2?
Requirements:
• Manor (Stone)
• Hospital (Stone)
• Barracks (Stone)
- 100/200 On foot Soldiers
- 0/400 Magical Soldies (Mages/ Healers)
- 30/400 On Horses (Archers/ Spears)
• Defense (Stone)
- Stone perimeter [Durabilty: 500/500]
• Attack
- Basic Small Cannon (Available) [500 dmg per. Atk]
TERITORY POPULATION: 2000/2000

Muli kong chineck ang kailangan sa pag a-upgrade ng Village para maging
[Novice Village 2] na ang teritoryo ko.

Gawa na sa Stone ang aking Manor, Hospital, Barracks, Smithy. Nag pagawa na rin ako ng stable para sa mga kabayo.

Sa ngayon meron lamang ang teritoryo ko na 30 Horses, sana pag kalabas nila Expeditus sa teritoryo makahanap sila ng mga horses pang pakalat-kalat. Wala rin akong ideya saan nahahanap ang Magical Soldiers kaya mukhang malayo layo pa ang pagiging Novice Village ng teritoryo ko.

Ang naisip kong unahin ay ang Stone Perimeter sa teritoryo ko. Mas magandang mataas agad ang depensa ng aking Teritoryo.

Pinlano ko ang dapat gawin sa mga livestock animals. Naisipan kong ilagay sila sa malawakang pabahay para sa kanila. Dahil may apat na season, winter ang kailangan kong bantayan, sa kadahilanang maaari silang mamatay kapag hindi ko naayos ang lulugaran nila.

Kaya naman ng banggitin ko iyon sa mga Builder na NPC kagaya ni Gomez ay napa-oo agad ito at ginawa ang trabaho.

Para sa listahan ng mga NPC na madalas kong kailangan, ito sila.

Name: Homer [B-]
Specialty: Agriculturist

Name: Gomez [B-]
Specialty: Industrialist, Builder

Name: Sonia [S]
Specialty: Managing, Recruiting, Crafting,
Bonus: Good at Hunting

Name: Wayne (A+)
Specialty: Agriculturist, Industrialist

Name: Love (A+)
Specialty: Crafting and Spy

Name: Conan (S)
Specialty: Recruiting, Adventuring, Mining

Name: Expeditus (SS)
Specialty: Former General, Fearless, Good at Hunting and Fighting
Bonus: Followed by 16 On foot Soldiers

'Yung trabahong pagkolekta ng mga Honey sa bees ay napunta kina Homer at Wayne (Agriculturist), ang paggagawa ng jars ay nakaatas sa mga NPC's na may (Crafting) skill na specialist katulad nila Sonia at Love. Napupunta naman ang Honey Syrup at paglalagay nito sa Jars kay Gomez at Wayne dahil sa kanilang (Industrialist).

Nag-iisa lamang ang may specialty na Mining kaya minsan natulong ako, sa kadihilanang ang mga players na katulad ko mapa [Adventurer] o [Lord] ay may kakayahang matuto mag-isa, hindi kagaya ng mga NPC's sila'y nakaprogram sa ganung kaalaman lamang.

Sa sobrang daming specialty ng mga NPC's siguradong marami pa rin akong kulang.

Meron pa akong natitirang 1,790 Honor. May hinihintay akong lumabas sa shop...

Paano ko nalaman na maaaring may lumabas nang ganon? Feeling ko lamang.

Tumingin ako sa paligid walang electricity sa [NEW WORLD] tanging lampara lamang ang aming mga ilaw o kaya naman apoy.

Ang oras ay kahit kailan hindi magiging sapat kapag may ginagawa ka. Kailangan siksikin ang mga plano naming gawin sa umaga dahil sa gabi mahirap makakita.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon