[Name: Seasonal Boss - Summer Boss]
[Difficulty: SSS]
[Ending In: 2 weeks]
[Description: Summer Boss that will bring endless flooding due to 2 weeks of non-stop storm]
---------------------------------------------------------
ZION'S POV
Bagamat dalawang linggo lamang ang tagal ng pagbaha para sa Summer Season dulot ng hagupit ng Summer Boss hindi maitatanggi na sa loob lang din ng isang linggo ay marami ng Lord ang nasawi.
May mga Lord na humihingi ng tulong sa [Lords Chat] binabasa ko lamang din at walang magawa upang tulungan sila. Sa pagkakaalam ko rin, dahil nga totoong mundo na namin ito, ang ibang Lords ay nauna ng ilikas ang kanilang sarili at napilitang i-abandona ang kanilang teritoryo. Kaya sa malawak na kalupaan sa labas ng teritoryo ay maaaring ang iba roon ay wala ng nakatira.
Habang nakiki-update naman ako kila Kuya Alexander, Xu Ji at kay Athena (Aeloxious). Nakikipagpalitan ng impormasyon sa kanila kung kumusta sila at kanilang mga nasasakupan. Nalaman ko lang din na ang ibang Stronghold at Human Cities ay naghihirap, sapagkat maraming taong nakatira ngayon sa kanila, mukhang maganda ito dahil maraming tao ang pwede mag-trabaho sa kanila ngunit ang nalilimutan yata ng iba na sa dami rin ng bilang ng tao mo, kailangan mo rin silang pakainin.
Ngunit ang lahat ng iyan ay hindi ko na problema. Nagsabi ako kay Xu Ji na habang maaga pa pumunta na siya rito sa South Eastern Human City. Wala pa rin akong tiwala sa Human King na nasa Center Map. Mas maigi na mag-ingat ngayon kumpara sa dulo ay magsisi ako.
Sa kalangitan ay umilaw ng ginto, naglabas na sila muli ng Rewards para sa Summer Season.
Nagsimula sa Top 100.
Habang tinitingnan ang pangalan ng mga Lords, hindi ko kilala ang iba sa kanila kaya napagtanto kong baka galing ito sa ibang Zone/Server.
Ngumisi ako at naisip na mas maraming kalaban ngayon, malay natin meron akong masaksihang lakas na hindi pa naipapakita sa buong New World at pausbong pa lang.
Habang nagsasagawa ng meeting sa loob ng teritoryo ko patungkol sa update sa bawat paligid ng teritoryo. Nasabi ko ang hinaing at obserbasyon ko nung bumabaha sa labas ng teritoryo.
"I-push ang goal natin na gawing Diamond Wall ang lahat ng Wall ng Zion's Territory. Sa lahat ng Lords, tayo lamang ang may wall na kakaiba at ayon sa obserbasyon ko sa mga tao o manlalaro, hindi nalalayong mag-upgrade ang ibang [Lords]. Hindi lang tayo ang nag-iisang [Lord] na may kakayahang gumawa ng Iron Wall." Sabi ko, tumango naman si Gomez. Nakapagpahinga na si Gomez kaya bibigyan ko siya ulit ng trabaho. Hehehe.
"Gusto ko rin na madaliin ninyo ang pag-recruit sa mga sundalo, gusto ko bago mag-Winter Season, naabot na natin ang bilang ng sundalo na gusto kong maabot. Sa inyo ko na rin iaatas ang reserve ninyo ng sandata at panangga, ano ang gagawin natin sa sundalo kung wala naman silang kagamitan sa pakikilaban." Tumango naman ang tatlong Heneral sa aking mungkahi.
"Kakausapin ko ulit si Aeloxious na gawan tayo ng bagong damit para sa Winter Season." Tumango naman si Sonia at sunod na naglabas ng papel na bilang ng buong populasyon. "Isa pa pala, simulan na natin magtanim ulit, ihabol natin ang ilang pananim, hindi masamang magdagdag pa ng stock sa bilang ng food reserves natin." Tumango naman ang mga Secretaries ko ng Worker Department and Agriculture Department.
"Sa Industrial Department naman, magpahinga muna kayo. Ganon din ang iba." Tumango na ang lahat at doon natapos ang meeting.
***
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...
